29

1K 22 0
                                    

*Third Personal's Pov*

Ngayon na ang araw ng kasal ni Charmaine at Nexus.

Habang excited si Charmaine sa gaganaping kasalan, ganun din ang nararamdaman ni Dyruz dahil sa wakas ay hindi nya na iisipin ang pag bubuntis ni Charmaine. Dahil inako na ng kanyang kaibigan ang dapat ay sa kanya.

"Aatend muna ako sa kasal ni Charmaine and Nexus, don't worry Alena kukuhaan ko sila ng picture para kahit wala ka ay makita mo kung gaano sila kasaya." Nakangising wika ni Dyruz habang inaayos nito ang suot nyang necktie.

Ipinasa walang bahala nalang ni Alena ang sinabi nito, dahil deep inside ay wasak na wasak na ito. Para sa kanya wala ng dahilan pa para mabuhay.

Nang makaalis na si Dyruz ay muli nanamang tumulo ang luha ni Alena. Tinatanong nya sa Langit kung bakit ganun ito kalupit sa kanya.

"Anong purpose pa ang mabuhay kung ganito lang din naman ang sasapitin ko? Bakit mo pa ako nilikha kung mag hihirap lang din ako ng  ganito. Bakit napaka unfair mo naman sakin Lord." Umiiyak na wika nito habang nakatingala sa kisame.

"Lumaki ako ng w-walang ama. Kinuha mo agad sakin si mama, pati si Nexus wala na. Bakit puro nalang sakit yung nararanasan ko, pwede bang maging masaya nalang ako? Yung walang lungkot na kapalit?" Muling wika nito habang patuloy pa rin sa pag hagolhol.

Sa di kalayuan ay nag simula ng kumilos ang rescue ni Alena. Ilang sandali nalang ay makakalaya na ito sa kamay ni Dyruz.

Habang busy si Charmaine sa kakangiti sa salamin ay pumasok sa kwarto nito si Nexus na nakasuot ng tuxedo na itim. Mas lalo tuloy itong naging gwapo sa kanyang suot.

"N-Nexus" Nauutal na tawag ni Charmaine dito.

"Bakit parang nakakita ka ng multo?" Nakakunot noo na tanong ni Nexus dito.

"A-ano kasi, diba bawal mag kita Ang groom and bride sa araw ng kasal nila hanggat hindi itinakda sa tamang oras?" Wika nito na para bang kinakabahan.

"Nandito ako dahil may itatanong ako sayo." Kalmadong tanong ni Nexus dito.

"A-ano yun?" Bakas sa boses ni Charmaine ange pangamba. Maginge ang kamay nito at paa ay nilalamig na sa sobrang kaba.

"Isang beses ko lang tatanungin sayo to Charmaine, kaya sana maging honest ka. Isang pag kakataon lang ang pwede kong ibigay sayo." Kalmadong wika ni Nexus dito.

"S-sige, ano ba kasi yun." Wika nito habang umiiwas ng tingin sa mata ni Nexus.

"Ako ba talaga ang ama ng batang dinadala mo?"

Tila nanigas si Charmaine sa kinatatayuan nya dahil sa naging tanong nito.

"A-ano bang klasing tanong yan Nexus. Malamang O-oo, bakit ko ipapaako sayo ang bata kung hindi ako sigurado na Ikaw ang ama. Isa pa, ikaw lang ang nakagalaw sakin nung buwan na yun." Wika nito at madiin na tiningnan si Nexus.

"Mabuti kung ganun, sige na, mag asikaso kana dahil ilang minuto nalang ay aalis na tayo." Wika ni Nexus dito bago lisanin ang kwarto.

Tila nanglambot ang tuhod ni Charmaine sa nangyare dahilan para mapaupo ito sa sahig.

*Oliver's Pov*

"Sasama ako sa ayaw at sa gusto mo!" Pag mamatigas na wika ni Veronica.
Wala na akong nagawa dahil nakasakay na ito sa loob ng kotse ko. Papunta na kasi kami ngayon sa lugar kung saan nag i-stay si Dyruz, at confirm na nandun nga si Alena.

"Ang tigas talaga ng ulo mo, dilikado ka nga dun. Hindi natin alam kung ilan ang tauhan ni Dyruz sa resort!" Inis na wika ko dito.

"I can handle my self, you don't need to worry!" Wika nito at nag crossarms pa.

Masisiraan talaga ako ng bait dahil sa katigasan ng ulo nya.

"Pumunta ka nalang sa venue ng kasal, Doon mo kami hintayin." Kalmadong wika ko dito.

"Ayuko, paano kung may mangyare sayo? Sa ayaw at gusto mo sasamaha ako sa operation mo. Iligtas natin si Alena ng mag kasama para makapag bakasyon na tayo sa palawan!" Inis na wika nito na parang bata.

Napabuntong hininga nalang ako, hindi ako mananalo sa babaeng to.

"Sige na, basta ipangako mo sakin na pag dating natin dun, hindi ka lalabas ng kotse. Hahayaan natin na ang mga police na ang kikilos." Wika ko dito at agad naman itong tumango.

-

Habang nasa byahe kami, kausap ko si Nexus sa phone.  Gustuhin nya man na sumama sa pag rescue kay Alena, pero mas mahalaga yung kasal dahil pupunta dun si Dyruz. Hindi pwedeng makatakas si Dyruz, at sa oras na makuha namin si Alena tapos na ang lahat. Làlabas na ang katotohanan sa likod ng kasamaan ni Dyruz.

-

Pag dating namin sa resort, naka ready na ang mga police at tauhan ni dad.

"Veronica!" Sigaw ko dito ng bigla itong bumaba ng sasakyan. Napasabunot nalang ako sa buhok ko, talagang napakapasaway ng babaeng yun.

Bumaba na ako at akmang susundan ito ng bigla akong pinigilan ni Mr.Ordonio ang head ng security department ni dad.

"Don't worry, alam ni Veronica ang ginagawa nya. Nag training sya sa amin kaya alam kong kaya nyang protektahan ang sarili nya." Nakangiting wika nito sakin.

Hindi ko pa rin maiwasan ang hindj kabahan, babae pa rin si Veronica at higit sa lahat fiance ko sya. Hindi ko ata kaya kapag may nangyaring masama sa hard headed na babaeng yun.

** ALENA'S Pov **

Ilang araw na akong nakakaramdam ng panghihina. Dalawang linggo na rin kasi akong nakagapos sa kwartong ito. Nakakaligo nga ako, pero nanatiling naka tali ang isang paa ko. Wala din akong ganang kumain, para saan pa ang pag kain kung wala ng dahilan para mabuhay pa.

Muli nanamang dumaloy ang luha ko.   Biglang pumasok sa isip ko si Nexus. Ngayon na ang araw ng kasal nya, ano kayang itsura nya? Siguro ay mas lalo itong gumwapo.

*Bang *Bang*

Bigla akong nataranta dahil sa sunod sunod na tunog na putok ng baril.

Nag tuloy tuloy pa ang pag putok ng baril hangang sa makarinig ako ng sigawan.

Bigla akong nabuhayan, sana ay tama ang kutob ko. Sana sila na ang mag liligtas sakin.

"Alena nasan ka!" Sigaw ng isang babae.

  Hindi pamilyar ang boses nito pero alam kong ito na ang chance ko para makatakas.

"N-nandito ako!" Sigaw ko, pero mahina ang boses na lumalabas sa bibig ko. Hindi ito sapat para marinig nya ako.

Muling nakarinig ako ng putok ng baril. Mas malapit na ito sa pwesto ko.

"Alena sumagot ka! Nandito ka ba?"

B-boses yun ni Oliver, hindi ako pwedeng mag kamali.

"O-Oliver!" Sigaw ko.

N-nandito sila, nandito sila para iligtas ako. Muli nanamang umagos ang luha sa mga mata ko.

Napapikit ako ng biglang may sumipa sa pinto ng kwarto. Ilang beses din nitong pinag tangkaan na sirain ang pinto bago ito bumukas.

"Alena!!!" Malakas na sigaw ni Oliver sakin. May kasama itong babae pero hindi malinaw ang mata ko para Makita ito dahil sa luhang humaharang sa mata ko.

"Sh*t, bilisan mo na Oliver, masama na ang kondisyon ni Alena. Tumawag na ba kayo ng ambulance?" Dinig kong wika ng babaeng kasama nya.

"Oo, tulungan mo na nga lang ako." Natatarantang wika ni Oliver dito.

Napangiti ako dahil sa saya.

"S-salamat at niligtas nyo ako-" wika ko at dito ko na naramdaman ang unti-unting pag dilim ng paningin ko.

"Alena wake up!" Sigaw ni Oliver.

"Hays, tara na para madala na natin sya sa malapit na hospital!" Muling wika ng babae hangang sa mawalan na ako ng ulirat.

S-salamat at ligtas na ako.

She's Dating the Four CousinsWhere stories live. Discover now