27

994 25 1
                                    

**Nexus's POV**

I received voice message from Fhara. Napakunot ang noo ko ng marinig kung kaninong boses ito nang gagaling. Sigurado akong kay Dyruz na boses Yun.

Ibig sabihin lumabas na sya sa lungga nya? Kamusta na kaya si Alena. Sana lang talaga ay walang ginawang masama si Dyruz sa kanya. Alam kasi na noon pa man ay may pag nanasa na ito kay Alena. Pero iba na ngayon, dahil pinsan nya ito.

Tinawagan ko si Tito Nelson na pupunta ng mansion si Dyruz. Kailangan ma subaybayan namin ito parae malaman namin kung nasa kanya talaga si Alena. ..

Konteng tiis nalang Alena, makukuha ka din namin.

-

Pag dating ko sa mansion ng mga Crimson wala pa si Fhara and Dyruz. Dumiretso ako sa office ni sir Nelson. Naabutan ko itong may hawak na papel at isang lumang kahon.

"Nexus, ipangako mo na ibabalik mo si Alena sakin." Umiiyak na wika nito.

Pag kalapit ko dito ay inabot nito sakin ang hawak nyang papel.

Isa itong liham, liham mula sa mama ni Alena. Nakalagay doon ang confession nito about sa totoong pag katao ni Alena.

Mas malinaw na talaga ang katotohanang si Alena ang nawawalang anak ni Tito Nelson.

"Ngayong alam ko na ang lahat, hindi ko naman alam kung nasaan sya. Sobrange lapit ko na pala sa anak ko Nexus. Gusto ko na syang makita at sabihin na ako ang ama nya." Wika nito habang tinitingnan ang mga picture na galing sa box.

Mga lumang picture ito ni Alena nung bata pa sya kasama ang mama nya. May picture din si Tito Nelson kasama ang mama ni Alena at mukang pinag bubuntis palang dito si Alena.

"Sobrang laki ng pag kukulang ko bilang ama kay Alena. Marami syang mahihirap na pinag daanan. Kung pinag laban ko sana sila ni Amelia hindi nya mararanasan lahat ng pag hihirap na yun." Umiiyak na wika nito. Napansin kong napahamak ito sa dibdib nya. Hindi pwedeng atakihin si tito sa puso dahil sa mga nangyayare.

"Kumalma po kayo, ako na po ang bahala kay Alena. Pangako ko pong ibabalik ko ng ligtas ang anak nyo." Wika ko dito kaya tiningnan ako nito sa mga mata ko.

"Masaya ako dahil nasa mabuting kamay ang anak ko. Kahit hindi ko ipag pilitan si Alena na pakasalan mo, alam kong sya lang ang babaeng ihaharap mo sa altar." Wika nito habang pinupunasan ang luha nya.

Noon pa man ay gustong gusto na ni Tito Nelson na pakasalan ko Ang anak nya once na nakita na namin ito. Wala naman akong balak na mag pakasal noon, pero ngayon na si Alena pala yun, kahit umayaw pa sya gagawa ako ng paraan para mapapayag ito.

*Tok * tok*

Parehas kaming napatingin ni tito Nelson sa pumasok sa office nya. Si Charmaine na nakangiti ng malapad sakin.

"Nandito pala ang fiance ko, teka umiiyak ka ba dad?" Pag aalalang tanong ni at agad na lumapit kay tito Nelson.

"O-ok lang ako Charmaine, pinag uusapan lang namin ni Nexus ang kasal nyo. I told him na wag kang pababayaan pati ang magiging apo ko sa inyo." Wika nito na hindi manlang tumitingin kay Charmaine.

Si Charmaine naman mukang na antig sa sinabi ni Tito Nelson.

Grabe din ang babaeng to, paano nya nasikmura na mag panggap na anak ni tito Nelson, at talagang gumawa pa sya ng way para lokohin ulit kami. Sorry sya pero advance ako mag isip. Hindi ako nag kamali na gagawin nya ang lahat para baguhin ang result ng DNA test nila ni tito, nagawa nya pang mag bayad ng malaking halaga.

Malakas talaga ang kutob ko na si Dyruz ang mastermind ng mga nangyayare. Siguro may nalaman si Alena about dito kaya pati si Alena ay nadamay para hindi nito masabi ang katotohanan. Yun lang naman talaga ang pwedeng mangyare.

Hindi ko lang maisip ang dahilan kung bakit ginagawa to ni Dyruz. Si Dyruz yung tipo ng lalaki na sobrang easy go lucky. Palagi syang go with the flow, walang plano sa buhat at tanging pag collect ng mga babae ang pinag kakaabalahan nya. Kaya hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ginagawa nya to. Sa anong dahilan?

"Don't worry dad, nasa mabuting kamay ako. Hindi po kayo nag kamali sa pag pili kay Nexus para sakin." Nakangiting wika ni Charmaine Kay Tito,pero sakin ito nakatingin.

Tumataas ang balahibo ko sa pinag sasabi nya. Mukang nakuha ko kagad ang tiwala nya dahil sa nangyare kagabi. Wala na akong choice kundi gawin yun, sobrang tutol si Zenith dahil baka daw hindi ko ma kontrol ang sarili ko at tuluyan ng may mangyare samin ng babaeng to lalo na at uminom ako ng alak.

Uminom lang naman ako para mag karoon ng lakas ng loob na gawin yun. Hindi ko talaga kaya na gawin ang bagay na yun sa ibang babae.

Para akong nasa ilalim ng isang sumpa, na never titigas si Junjun sa babaeng hindi ko mahal. Kaya pati si jun jun marunong kumilala sa babaeng dapat nya lang pag silbihan. (Sana may ganitong lalaki sa totoong Buhay 🤣🤣🤣)

Kaya ang buong akala ni Charmaine ay nahulog na din ako sa patibong nya. Kung may plano sya, nila ni Dyruz, we have too.

Kaya hanggang dito nalang sila.

"By the way dad, nasa labas si Dyruz and Fhara. They visiting us, galing ata sa bakasyon si Dyruz kaya nung nalaman nya na ikakasal na dumiretso na sya dito." Wika ni Charmaine kaya kunyare ay natuwa itong si tito Nelson. .

"It's good to know that, mabuti nalang at nakabalik sya agad para maka-attend sa kasal mo." Wika ni Tito kaya ngiting ngiti si Charmaine.

-

Lumabas kami ng office at sabay sabay na pinuntahan si Dyruz at Fhara. Pag kakita ko sa kanila nag nod sakin si Fhara. Si Dyruz naman ay agad na lumapit kay tito Nelson ay nag bless.

"Mukang nag enjoy ka sa bakasyon mo iho, sinabi sakin ni Charmaine kanina. Hindi mo manlang ako sinama." Nakangiting wika ni Tito dito.

Mabuti nalang at magaling din itong si tito Nelson na sakyan ang drama ni Charmaine at Dyruz. Pag nalaman lang talaga namin ang katotohan sa likod nito, sisiguraduhin kong pag babayaran nila lahat ng pangloloki nila. Kahit kaibigan ko si Dyruz hindi ko sya eto-tolerate sa ginawa nyang ito.

** Olie's Pov **

Nakatangap kami ng report sa isa sa mga tauhan ni dad na nag babantay sa mansion ng mga Crimson. Nandun na daw si Dyruz at handa na daw ang team nila para sundan ito.

Hindi mag tatagal at malalaman na namin ang location ni Alena.

Hold on Alena, makukuha ka din namin.

"Ano bang itsura ng Dyruz na yan?" Tanong ni Veronica. Simula ng malaman nito ang tungkol kay Alena lagi nalang itong nasa bahay. Lagi itong nag hihintay ng update sa nangyayare.

"Here" wika ko at pinakita sa kanya ang picture ni Dyruz sa cp ko. We have a lot of pictures dahil kami ang madalas na mag kasama sa mga gimik.

Hindi ko talaga lubos maisip na magagawa ni Dyruz to. Ayukong isipin na dahil may gusto pa rin sya kay Alena. Alam nyo naman kung gaano ka hibang si Dyruz kay Alena nung panahong sumasayaw pa ito sa bar.

Ang pinag tataka ko lang, bakit pinag paliban nya yung gabing dapat ay sya ang makakakuha sa pag kababae ni Alena. Dalawang buwan nya din inalagaan si Alena sa bar. Lagi nya itong binabalikan para makuha ng chance na maikama si Alena. Tapos kung kelan may chance na sya nag karoon sya ng emergency, ang pag kakatanda ko ay ito yung Nakita na daw ang anak ni Tito Nelson,which is Si Charmaine na nag papangap lang.

Mas lalo tuloy lumalaki yung katotohanan na si Dyruz ang utak ng mga nangyayare ngayon.

Pero ang tanong, bakit nya ginagawa to?

She's Dating the Four CousinsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang