23

996 20 0
                                    

Chapter 23

**Dyruz's Pov**

Nasa kamay ko na ngayon si Alena, hindi pwedeng masira ang mga plano ko dahil sa kanya. Isa lang syang bayarang babae at ginamit nya lang si Nexus para makaahon sa kahirapan. Medyo may pagka-tang* din itong si Nexus, hindi nya ginagamit ang isip nya. Sa dami-daming seseryosohing babae yung mga katulad pa ni Anela. Binibigyan ko na nga sya ng opportunity na pakasalan si Charmaine bilang taga pag mana ng Crimson Empire hindi nya pa rin kinuha ang chance na yun.

Mashado silang nag papadala sa mga nararamdaman nila. Sa ganitong sitwasyon dapat hindi pinapairal yung puso kundi isip.

Pinuntahan ko si Alena sa kwarto nya. Sa ngayon dito muna sya sa resort namin dito sa Batangas. Tama din itong naging disisyon ko. Dahil hanggat nandyan sya, mag dadalawang isip talaga si Nexus na panagutan si Charmaine.

Chineck ko ang phone ni Alena at nagawa na pala nitong mag text kay Nexus. Kaya habang natutulog ito, tinext ko si Nexus gamit ang number nya.

"Sorry Nexus, pero makikipag hiwalay na ako sayo. Kailangan mong panagutan si Charmaine. Alang alang sa bata, pakasalan mo sya. Mag papakalayo na ako at huwag mo na akong hanapin pa."

Pag ka send ko ng text dito ay inoff ko na ang phone. Siguro naman ay sapat na ang text na yun para maniwala si Nexus. Isang beses na syang iniwasan ni Alena, at sa sitwasyon nila ngayon malaki talaga ang posibilidad na Iwan sya ni Alena.

  Habang mahimbing na natutulog si Alena hindi ko maiwasang hindi mapatingin dito. Nakakaakit talaga si Alena, sinong lalaki ang hindi maakit sa taglay nyang alindog.

Napakagat labi ako at naupo sa kama nito. Sakto naman ang pag gising nya.
Na alerto ito ng makita ako at agad na sumiksik sa pinakang dulo ng kama.

"N-nasan ako, at bakit nandito tayo? Wag kang lalapit sakin Dyruz!" Inis na wika nito pero bakas sa mata nya ang pagkatakot.

"Hindi na mahalaga kung nasan ka Alena, ang mahalaga kasama mo ako. Hindi kana makakawala sakin, mag kano ka ba? Gusto mo bang doble ang ibayad ko sayo sa kabayarang binayad sayo dati ni Nexus? Ako naman dapat Ang customer mo diba at hindi si Nexus." Nakangising wika ko dito kaya mas lalo itong nanginig sa takot.

"Winawarningan kita Dyruz, wag kang lalapit sakin!" Muling sigaw nito.

"At ano naman ang gagawin mo sakin Alena? Sa tingin mo ba may laban ka sakin? Kung hindi ka nang himasok sa problema ng pamilya namin hindi ka sana malalagay sa ganitong sitwasyon!" Inis na wika ko dito.

"Grabe ka Dyruz, wala kana talagang pinipili. Pati pinsan mo nagawa mong patusin!" Sigaw nito sakin. Natawa naman ako dito dahil hindi pa rin abot ng isip nya na hindi ko talaga kadugo si Charmaine. Bahala syang mag isip ng kung ano. Ang mahalaga ngayon hindi nya masasabi kay Nexus ang nakita nya kanina. Matalino si Nexus at pag nalaman na yun, game over ma talaga.

"Oo Alena, lahat nakukuha ko at hindi mag tatagal ay makukuha din kita." Nakangising wika ko dito.

"Hay*p ka talaga Dyruz, hindi ka mag tatagumpay sa gusto mo!" Sigaw nito sakin.

** Nexus's POV **

Agad kong tinawagan si Alena dahil sa message nito sakin. Ano bang pinag sasabi nya? Dahil ba sa sinabi kong kasal kaya sya nag kakaganito?

Agad akong pumunta sa mansion ng mga Crimson para puntahan si Alena. Pero pag dating ko doon ay wala ito. Ang naabutan ko ay si Charmaine, kaya ng makita ako nito ay agad syang lumapit sakin.

"N-Nexus si Alena." Umiiyak na wika nito.

" Ano bang nangyare Charmaine, sabihin mo sakin!" Inis na tanong ko dito.

"Hindi ko alam Nexus, pero bigla nya nalang akong kinausap kanina. Sinabi nya sakin na pinapaubaya kana daw nya sakin. Sinabi nya din na ingatan kita at mahalin katulad ng pag mamahal nya sayo." Wika nito habang patuloy sa pag iyak.

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon.

Nag kamali nanaman ba ako? Hindi pwede yun, hindi nya ako pwedeng iwanan nanaman.

Hindi ko na hinintay pa ang sunod na sasabihin ni Charmaine at umalis na ako.

I need to find her, hindi ako naniniwala hangat hindi ko sya nakakausap. Nangako si Anela sakin na hindi nya na uulitin ang pag tago sakin. Parang may mali eh, may unang text pa sya sakin na may kailangan daw syang malaman tungkol kay Charmaine at Dyruz.

Sa ngayon si Anela muna ang dapat kong mahanap, at pag nahanap ko na sya malalaman ko na ang tungkol kay Dyruz and Charmaine.

-

Dalawang oras na simula ng mag simula ako sa pag hahanap kay Alena. Pinuntahan ko na sya sa mga kakilala nito pero hindi daw nagawi' si Alena dun.

Tinawagan ko si Olie at sumagot naman ito. Sya lang ang alam kong ka close ni Alena sa mga kaibigan ko. Sinabi na din sakin ni Alena ang tungkol sa kanila ni Olie, nabangit rin naman ni Olie samin dati na may naging kaibigan sya na nag papangap na gf nya.

"Paanong nawawala si Alena? Imposible naman na umalis yun ng walang pasabi. Sa ilang buwan na pag sasama nyo alam kong hindi kana nya kaya pang iwan. Alam nya kung anong hirap ang pinag daanan mo nung nawala sya." Wika ni Olie sa kabilang linya.

"Hindi ko na alam bro ang gagawin ko, please tulungan mo ako." Wika ko dito na may pag mamakaawa.

"Sige papunta na ako dyan, I will call Zenith to help us. Kapag 24 hours ng walang paramdam si Alena mag papatulong na tayo sa mga pulis." Wika nito.

"Salamat Olie, sa ngayon ikaw lang ang lubos kong pinag kakatiwalaan." Wika ko dito bago patayin ang call.

Frustrated na ako, paano kung napahamak na si Alena? Kailangan kong bantayan ang kilos ni Charmaine and Dyruz. Malakas ang kutob ko na may kinalaman sila sa pag kawala ni Alena.

Siguro ay may nalaman si Alena tungkol kay Charmaine and Dyruz, at kapag may kinalaman nga sila sa pag kawala ni Alena, humanda sila sakin. Pag babayarin ko sila kapag may ginawa silang masama sa babaeng mahal ko.

**Olie's Pov**

Nandito kami ngayon sa bahay nila Fhara, nag pupumilit kasi na sumama sa meeting namin kaya sinabi kong sa bahay nalang nila para di na to ma obligang lumabas pa.

"Uminom muna kayo ng coffee." Wika nito para magising ang diwa namin lalo na si Nexus.

"Kailangan nating bantayan si Dyruz." Wika ni Zenith. Tumango naman ako bilang pag sang-ayon.

"Hindi ko akalain na aabot si Dyruz sa ganitong sitwasyon. Ano na bang nangyayare sa kanya. Pati ba naman si Alena!" Inis na wika ni Fhara.

Napansin kong napakuyom ng kamay si Nexus. Sana lang talaga ay huwag galawin ni Dyruz si Alena. Dahil kung hindi, baka hindi lang si Nexus ang makagawa ng masama sa kanya. Baka dahil dito ay masira ang pag kakaibigan namin.

"Kukuha ako ng taong mag babantay kay Dyruz and Charmaine." Wika ni Zenith.

"Paano kung hindi na mag pakita si Dyruz?" Tanong naman ni Fhara.

"Si Charmaine lang ang makasagot nyan. Sa ngayon sasakyan ko ang gusto ni Charmaine. Ipapalabas natin na sumang-ayon ako sa gusto nila. Papakasalan ko si Charmaine, sa tingin ko ito ang gusto nilang mangyare, ang panagutan ko si Charmaine at pakasalan." Wika ni Nexus na ikinagulat ko.

"Are you insane Nexus, hindi ka pwedeng mag pakasal sa babaeng hindi mo naman mahal!" Inis na wika ni Zenith.

Zenith is right, pero kung ito ang paraan para mahuli di Charmaine at Zyrus, dapat pasukin ni Nexus ang pugad ng kalapaban nya.

"Ako ng bahala Fhara, sa ngayon ito na muna ang plano natin, at kapag may update na kayo mag text muna kayo sakin. Kailangan natin mag ingat na hindi sila makapansin na may binabalak tayo." Wika ni Nexus.

Mabuti naman at nasa maayos na katinuan si Nexus. Dahil kung ako ang nasa kalagayan nya ngayon. Siguro hindi na ako makakapag isip ng maayos.

Hindi ko ata kaya na may mangyaring masama sa babaeng mahal ko.

To be cont

She's Dating the Four CousinsWhere stories live. Discover now