19

988 19 0
                                    

Chapter 19

**Nexus's POV**

Nandito ako ngayon sa office ni Tito Nelson. Ito na ang chance ko para kausapin sya sa nangyare samin ni Charmaine.

"Anong gagawin mo Nexus? Alam kong hindi mo mahal si Charmaine." Wika nito, nanatili syang kalmado.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa mata nito.

"Sigurado po ako na wala talagang nangyare samin ni Charmaine. Hindi ko po magagawa ang bagay na ganun Lalo na sa babaeng hindi ko mahal." May paninindigan na wika ko dito.

"Alam ko yun Nexus, mas matagal kitang nakilala kesa sa anak ko. Wala akong kakampihan sa inyong dalawa. Ikaw ang mas nakakaalam ng dapat gawin dahil isa kang attorney. Pero kapag napatunayan na totoong may nangyare sa inyo at nabuntis mo si Charmaine, hindi ako mag dadalawang isip na ipakasal kayo agad." Seryosong wika nito sakin.

Sigurado naman ako na wala talagang nangyare samin kaya pumayag ako.

"May isa pa sana akong paki usap sayo Nexus. Maari mo bang imbistigahan ang babaeng ito." Wika ni Tito Nelson at may inabot itong envelop sakin.

Agad kong tiningnan ang nilalaman nito. Nang laki ang mata ko ng makita ang resume ni Alena.

"T-teka lang po Tito Nelson, bakit mo pinapa imbistigahan ang babaeng ito?" Kinakabahan na tanong ko.

"Gusto kong malaman kung sino ba talaga ang babaeng yan. Sa ngayon nag tatrabaho sya sakin bilang private nurse ko."

"A-ano po! Si- si Alena nag tatrabaho sa inyo?" Di makapaniwalang tanong ko. Naalala ko, nabangit nya nga sakin na may work na sya. Pero hindi nya naman nabangit sakin na si Mr. Nelson pala ang boss nya.

"Kilala mo ba si Alena?" Agad na tanong nito.

"O-opo, sya yung babaeng sinasabi ko sa inyo na mahal ko." Diretsong sagot ko dito.

"S-si Alena?" Nauutal na wika nito. Mukang parehas kaming nagulat sa mga natuklasan namin ngayon.

"Kung ganun, naiipit ka sa pagitan ng anak kong si Charmaine at ni Alena." Muling wika nito at napa buntong hininga pa.

"Kalimutan mo nalang ang nangyare sa inyo ni Charmaine. Ang pag tuunan  mo ng pansin ay ang pag iimbistiga kay Alena. Lahat ng malalaman mo tungkol sa kanya ay ireport mo sakin." Seryosong wika nito na mas lalong ikinagulat ko.

"Bigyan nyo po muna ako ng isang dahilan para gawin ko yan."wika ko dito kaya mas lalong naging seryoso ang muka nito.

"Dahil malakas ang kutob ko na may connection sya sa Asawa ko." Wika nito kaya natahimik ako.

Connection sa asawa nya?

Muli kong tiningnan ang resume ni Alena.

"Gusto ko sa madaling panahon ay makakuha ka ng impormasyon about sa nakaraan ni Alena. Hindi na yun mahirap sayo dahil malapit na kayo sa isat-isa." Nakangiting wika nito kaya napalunok nalang ako.

-

After namin mag usap ni Sir Nelson sinubukan kong hanapin si Alena dito sa mansion pero hindi ko to makita.

Sinubukan ko din na tawagan ito pero naka hindi nya sinasagot ang phone nya. Bigla tuloy akong kinabahan, paano kung bigla nanaman itong hindi mag pakita sakin?

"Nexus!"
Naikuyom ko ang kamay ko ng marinig ang boses ni Charmaine.

"Aalis kana agad? Anong napag usapan nyo ni dad?" Nakangiting tanong nito.

"It's not important." Sagot ko dito kaya medyo nainis ang muka nito.

"It's not important? Baka nakakalimutan mo about sating dalawa Yun!" Inis na wika nito.

She's Dating the Four CousinsWhere stories live. Discover now