chapter 11 LIPAT

1.3K 34 1
                                    

*Kinahapunan*

Hindi ko alam kung anong klasing moves yung ginawa ko matakasan lang yung mag pipinsan. Mabuti nalang at nakauwi ako ng hindi sila nakikita.

"Na impake na namin lahat ng gamit mo anak." Bungad ni mama sakin pag pasok ko ng bahay.

"A-ano po, teka lang ma. Talaga bang pumayag kayo sa gusto ni Lolo Jones na tumira ako sa mansion kasama yung apat nyang apo?" Inis na tanong ko dito.

"Oo anak, wala namang masama dun diba? Isa pa dalaga kana. Pwede kana nga mag asawa after graduation nyo." Nakangiting wika nito kaya napa poker face nalang ako.

Mukang wala na talaga akong magagawa. Na kumbinsi ni Lolo si mama at papa na patirahin ako sa mansion. Ano kayang inoffer ni lolo Jones sa magulang ko. Hindi kaya tinakot nya ito mapapayag lang sila?

"Ma, tinakot ba kayo ni Lolo Jones para lang mapapayag kayo ni Papa sa gusto nya?" Seryosong tanong ko dito kaya napakunot ang noo nito.

"Anong pinag sasabi mo dyan na tinakot. Baka ang Lola Susan mo ang na nakot samin ng dad mo!" Pag correct ni mama sa sinabi ko.

"A-anong si Lola Susan?" Naguguluhang tanong ko.

"Tinakot nya kami ng daddy mo na itatakwil nya kami. Na hinding hindi nya na kami kakausapin hangang sa mamat@y sya!" Wika ni mama kaya napakamot ako sa ulo ko.

Bakit ang mga matatanda, ang hilig mag bitaw ng ganung mga salita. Ang hilig nilang manakot, parang dinadaan nila sa ganung usapan para lang mapapayag nila yung mga mahal nila sa buhay.

"Kilala mo naman kami ng papa mo, ayaw naming mangyare yun. Kaya kahit masama ang loob namin, pumayag na kami. Nangako naman si Mr Jones na aalagaan ka nila sa mansion." Nakangiting wika ni mama kaya napa buntong hininga nalang ako.

"At sa araw na makapili kana sa mag pipinsan. Tandaan mong mabuti, puso ang pakinggan mo at hindi ang isip. Dahil kapag puso ang ginamit mo, mapapasunod mo ang isip." Nakangiting wika ni mama. Hindi pa naman ako na iinlove kaya hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni mama.

Paano pala kung wala sa apat yung magiging 1st love ko, or yung makatuluyan ko? Posible yun diba? Ano nalang kaya ang magiging reaksyon ni lolo Jones?

"Nandyan na pala ang sundo mo anak." Wika ni mama kaya napatingin ako sa pintuan namin. Nakangiting pumasok si Lolo Jones at ang assistant nito.

"Ready kana ba sa pag lipat mo sa mansion iha?" Nakangiting tanong ni Lolo Jones.

"Seryoso po ba talaga kayo sa bagay na yan Lolo?" Walang pag alinlangang tanong ko.

"Oo naman apo, mas mabuti kung titira kayo sa iisang bahay. Alam mo ba yung mga sabi-sabi ng mga taong nakapag Asawa na? Mas makikilala mo ang isang tao kapag kasama mo na ito sa bahay. Tinutulungan lang kita iha para mas lalo mong makilala ang mga apo ko." Nakangiting wika nito kaya ngumiti nalang ako ng alanganin.

Wala talaga akong laban sa matandang ito. Talagang matanda na nga sya dahil marami syang alam.

"Ngayong araw na din po ba lilipat sa mansion yung mga apo mo?" Nahihiyang tanong ko dito.

"Oo Sammie, kapag sinabi ko ay sinabi ko. Kung sinabi ko ngayon, ngayon na mismo at hindi yun pwedeng ipag pa bukas pa." Paliwanag nito kaya napalunok nalang ako ng laway.

Ayukong galitin si Lolo Jones or sawayin. Mukang hindi talaga sya magandang galitin.

"Mag paalam kana sa mama mo Sammie. Pwedeng pwede nyo naman bisitahin ang isat-isa." Nakangiting wika ni Lolo kaya yumakap at nag paalam na ako kay mama.

"Lagi mo kong tatawagan anak huh. Balitaan mo ako sa mga nangyayare sayo sa araw-araw." Nakangiting wika ni mama at hinalikan ako sa noo.

"I will mama, mahal na mahal ko kayo ni papa." Nakangiting sagot ko dito at hinatid na kami ni mama sa labas.

She's Dating the Four CousinsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt