6

1.6K 36 1
                                    


Break time na at nasa canteen na kami ngayon ni Kai. Dumaan pa kasi kami ng Cr kaya naabutan tuloy namin ang mahabang pila.

"Kyah, papunta na sila dito!" Sigaw ng babaeng kapapasok lang ng canteen. Bigla nalang na wala yung mahabang pila dahil lahat sila ay nasa pinto na at mukang may inaabangan nanaman. Tuwang tuwa kaming omorder ng lunch ni Kai dahil hindi na namin kailangan pang makipag siksikan.

After namin mag order ay naupo na kami sa palagi naming pinupwestohan. Napabuntong hininga ako ng makitang papasok ng canteen yung apat na mag pipinsan. Nag katinginan naman kami ni Harduel kaya ako na ang umiwas dito. Napapadalas ata ang pag eye to eye namin.

"Sammie!" Tawag sakin ni Wyatt kaya napakagat ako sa lower lips ko. Yumuko nalang ako na para bang hindi sya narinig.

"Best" Tawag ni Kia sakin at kinalabit pa ako nito ng ilang beses. Pag angat ko ng ulo ko nasa harapan na namin yung apat. Tiningnan ko ang paligid, nakapalibot samin ang lahat ng die hard fans nung apat.

"Hindi mo man lang ba kami yayain kumain?" Sarcastic na tanong ni Harduel sakin.

"Do I need to do that?" Inis na tanong ko dito. Nilabas na naman nito yung mala demonyo nyang ngiti.

"Everyone, I have announcement so makinig kayong mabuti." Wika ni Harduel kaya nanahimik ang lahat. Napalunok ako ng sunod sunod, kinakabahan ako sa announcement ni Harduel.

"This girl, Sammie Lythe Lucero." Wika nito sabay tingin sakin. Namamawis na yung kamay ko, bwesit na Harduel to.

"I officially announced to all of you, na nililigawan namin syang apat." Wika ni Harduel habang nakangiting nakatingin sakin. Napayuko nalang ako dahil sa sinabi nya. Wala na, katapusan ko na talaga. Kahit kelan hindi mapakiusapan tong lalaking to.

"Grace!" Sigaw ng classmate namin. Mukang nahinatay ata si Grace dahil sa narinig nya. Napaka O.A talaga ng babaeng yun. Mas naging maingay sa loob ng canteen, hindi ko alam kung anong muka ang ihaharap ko sa kanilang lahat.

"T-totoo ba yung sinabi ni Harduel, Sammie?" Nauutal na tanong sakin ni Kia. Tiningnan ko ang reaksyon nito. Parang babagsak na ang luha nya. Mukang disappointed sya dahil sa nilihim ko ito sa kanya.

"Sasabihin ko naman ang lahat sayo Kia, kaso hindi ko alam kung paano." Wika ko dito pero bigla nalang itong umalis. Tiningnan ko ng masama si Harduel.

"Masaya kana?" Inis na tanong ko kay Harduel dahilan ng pag kunot ng noo nya. Paalis na din sana ako ng pigilan ako nito sa kamay.

"Hindi ka pwedeng umalis, mag uusap tayo." Mahinang wika nito.

"Wala tayong dapat pag usapan Harduel, sumusobra kana!" Inis na wika ko dito at pwersahang binawi sa kanya yung yung kamay ko. Ang gusto ko lang ngayong gawin ay ang lumayo sa kanila. Sinubukan kong hanapin si Kia pero hindi ko to makita kaya bumalik na ako ng classroom pero wala din ito dun.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, tiyak na marami ngayon ang nagulat dahil sa ginawang announcement ni Harduel. Ngayong alam na nila ang katotohanan, hindi ko na alam kung ano pa ang mangyayare sa buhay ko.

***

Third personal's Pov

"Are you out of your mind Harduel?" Inis na wika ni Wyatt sa pinsan nya. Walang ganang tiningnan ni Harduel si Wyatt.

"Hindi mo manlang inisip yung sitwasyon ni Sammie!" Muling wika ni Wyatt.

"Bakit ba apektadong apektado ka dyan. Diba ito naman ang plano natin? Ang guluhin ang buhay ng babeng yun. Bakit ngayon parang umuurong kana." Inis na wika ni Harduel dito.

"Sorry pero hindi ko kaya, hindi din naman gusto ni Sammie tong sitwasyon nating apat." Kalmado ng wika ni Wyatt.

"May point si Wyatt, kagustuhan ito ni Lolo at pumayag tayong apat. Bakit kailangan nating pag dusahin si Sammie." Wika naman ni Norphil.

"Sya lang naman ang dapat sisihin dito. Kung hindi dahil sa kanya hindi mag rerequest ng ganun satin si Lolo." Pag didiin ni Harduel kay Sammie.

"Umayaw ka nalang sa kasunduan natin kay Lolo. Huwag mo ng pahirapan si Sammie dahil hindi nya deserve tong ginagawa mo." Wika ni Lawrence na ikinagulat nila.

"Bakit Lawrence, dahil gusto mong ikaw ang makakuha ng loob ni Lolo?" Inis na wika ni Harduel.

"Wala akong paki alam sa makukuhang mana ng mapipili ni Sammie. I just want to protect her lalo na sa mga katulad mo." Seryosong wika ni Lawrence dito.

"Sinusubukan mo ba talaga ako Lawrence!" Pikon na wika ni Harduel. Agad naman na pumagitna si Wyatt and Norphil sa dalawa.

"Alam ko naman na gusto mong pahirapan si Sammie simula palang nung una. Kaya nga nagawa mo syang i-tagged sa post mo diba? Gusto mo syang mapahamak, gusto mo syang pag diskitahan ng mga fans mo!" Sigaw ni Lawrence dito. Ngumisi si Harduel, dahil iyon naman talaga ang plano nya.

"Tigilan mo na to Harduel, kung wala kang balak na i-date si Sammie, hayaan mo nalang kami." Wika ni Lawrence at umalis na ito. Naging tahimik naman si Wyatt and Norphil. Hindi maiwasan ni Harduel ang mainis dahil sa sinabi ni Lawrence sa kanya. Para sa kanya si Lawrence ang karibal nya sa lahat.

"Anong plano mo dude?" Tanong ni Wyatt kay Norphil.

"Mag kanya kanya na muna tayong apat. Hayaan natin si Sammie sa disisyon nya. Kung sino ang mapili nya satin, tangapin nalang natin yun ng maluwag. Basta ako, seseryosohin ko na tong pang liligaw sa kanya. Bahala na kayo kung anong plano nyo, dahil mukang si Lawrence ay nakapag disisyon na din. Good luck nalang sa ating apat." Wika ni Norphil at umalis na din ito.

"Bro, kung anong disisyon nilang tatlo ay ganun din sakin. Hindi naman siguro mahirap mahalin si Sammie. Lahat naman tayo pare-pareho ng sitwasyon. Kaya ang tanging magagawa nalang natin ay ang mag effort para makuha ang loob ni Sammie. Pag isipan mo tong mabuti, hindi ka namin pipilitin. Pero alalahanin mo, inaasahan ka ni Lolo." Wika ni Wyatt dito at tinapik ang balikat ni Harduel bago umalis.

Naiwan itong mag isa, hindi nya akalain na bigla nalang syang iiwan sa ere ng mga pinsan nya. Mas lalo tuloy syang nakaramdam ng inis kay Sammie. Wala naman talaga syang balak na ligawan ito. Ang gusto nya lang gawin ay pahirapan ito. Naiinis sya dahil ito ang dahilan kung bakit pini-pressure sila ng Lolo Jones nila para mag mahal ng isang babae. Parang bigla nalang silang na walan ng kalayaan sa pag pili ng babaeng mamahalin.



She's Dating the Four Cousinsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن