22

1K 21 0
                                    

Chapter 22

ALENA'S Pov

"Mukang hindi ata maganda ang gising mo iha." Wika ni Sir Nelson sakin. Bumuntong hininga ako tiningnan ang matanda.

"Ang dami po kasing problema. Hindi ko na po alam ang gagawin." Sagot ko dito.

"Tungkol ba to kay Nexus and Charmaine?" Nakakunot noo na tanong nito. Tumango ako bilang sagot.

"Si Nexus lang iha ang nakakaalam ng totoong nangyare nung gabing yun. Bakit hindi mo pag katiwalaan si Nexus?" Wika nito habang nakangiti. Hindi ko alam pero bakit hindi nya kinakampihan si Charmaine. Bilang isang ama dapat nga pinupush nya si Nexus na panagutan ang anak nya dahil nabuntis sya nito. Kahit hindi pa sila nag papa DNA test.

"Sir magagalit ka po ba sakin kung ipag damot ko si Nexus sa anak mo?" Seryosong tanong ko dito. Napangiti naman si Sir Nelson sa sinabi ko. Bakit nagagawa nya pang ngumiti sa ganitonge sitwasyon.

"Hindi iha, alam ko naman na mahal na mahal nyo ang isat-isa at naranasan ko na kung ano ang pakiramdam ng ilayo sa minamahal mo." Wika nito kaya biglang nalungkot ang muka nito.

"Tandang tanda ko pa yung araw na nilayo nila sakin ang mag ina ko. Wala akong magawa dahil yun ang gusto ng parents ko. Hindi ko sya naipag laban,  kaya pinangako ko noon sa sarili ko nag mag sisikap ako para sa pag babalik ko maipag laban ko na sila. Pero nahuli na ako, wala na ang mahal kong si Amelia." Wika nito na ikinagulat ko. Nag kataon lang ba na kapangalan ni mama ang asawang tinutukoy nito?

Sinabi ko naman na kay Nexus ang lahat ng information sakin. Mula sa pangalan ni mama, hangang sa lahat lahat ng nalalaman ko. Kung sinabi nya na ito kay sir Nelson sana nag react na ito tungkol sa pag katao ko kung kilala nya si mama. Pero wala namang pag babago. Kaya siguro wala talagang connection si mama or ako sa kanya.

Siguro ay kamuka ko lang talaga ang asawa nya,Yun lang at wala ng iba. Pwede namang mangyare yun. Maraming tao sa mundo ang mag kakamuka.

"Kaya iha, kahit anong mangyare ipag laban nyo ni Nexus ang pag mamahalan nyo. Kung may alam kayong paraan para hindi kayo mag kahiwalay yun ang gawin nyo dahil nasa huli ang pagsisisi." Wika nito kaya parang lumiwanag ang isip ko.

Tama ba si Nexus, dapat bang mag pakasal na kami? Kung sya ang ama  ng dinadala ni Charmaine, yung bata lang naman ang kailangan nyang panagutan pag kasal na kami diba? Hindi na namin kailangan pang mag hiwalay para lang doon?

Oo na selfish na kung selfish, pero kung kayo ang nasa katayuan nyo magiging dispirado din kayo para sa mahal nyo.

-
Nag pahinga na si Mr. Nelson sa kwarto nya, papunta na ako ng kwarto ko para sana tawagan si Nexus ng mapansin kong nakaawang ang kwarto ni Charmaine. May kasama ito sa loob kaya dahan dahan akong sumilip.

Nanglaki ang mata ko ng makita si Dyruz sa loob. Mas ikinagulat ko pa ang sunod na pangyayare. Hinalikan ni Dyruz si Charmaine.

Teka diba mag pinsan sila? Bakit nila ginagawa yun? Parang kadiri naman, pero hindi yun importante. Ang tanong, may relasyon ba sila?

Dahan dahan akong umalis sa pinto at nag madaling tawagan si Nexus.

Nilock ko ang kwarto ko para walang makarinig sa sasabihin ko kay Nexus. Sigurado akong magugulat din sya sa ibabalita ko.

Ring lang ng ring ang phone nito at hindi sya sumasagot. Kailangan nyang malaman agad to.

Pag labas ko ng kwarto nagukat ako dahil nandito si Dyruz. Napalunok ako dahil sa takot. Hindi kaya napansin nyang nandun ako sa pinto ng kwarto ni Charmaine?

"Mukang nag mamadali ka nurse Alena?" Nakangising tanong nito.

"Ah eh, hindi naman. May kailangan ka ba sir Dyruz?" Tanong ko dito at ngumiti ng malapad sa kanya.

"Oo, pwede ba tayong mag usap. May gusto lang sana akong sabihin sayo." Nakangiting wika nito.

"Sige po sir, saan nyo po ba gustong mag usap?"

"Sumama ka nalang sakin Alena, importante kasi to." Wika nito at nag lakad na ito paalis.

Tama bang sumama ako sa kanya? Pero dapat malaman ni Nexus ang tungkol kay Charmaine at Dyruz.

Pag labas namin ng mansion sumakay na si Dyruz sa kotse nya.

"Sakay na Alena, hindi naman tayo mag tatagal." Wika nito.

Sumakay na ako sa sasakyan nito. Habang nag mamaneho si Dyruz nag message na ako kay Nexus.

"Baby, call me kapag nabasa mo tong text ko. May dapat kang malaman tungkol kay Dyruz and Charmaine." Text ko dito.

Sana lang talaga ay mabasa nya agad ito.

"Alam mo Alena, sobrang laki ng pang hihinayang ko nung gabing pinasalo kita kay Nexus. Ako pala sana ang makakauna sayo." Nakangising wika nito.

Napalunok naman ako dahil sa sinabi nito. Nagagawa nya pang ungkatin ang nakaraan.

"Ilang buwan kitang binalik balikan sa bar pero si Nexus ang nakinabang sayo. Not bad naman dahil kaibigan ko si Nexus. Sa mga ganyang sitwasyon hindi ako madamot sa kaibigan." Wika nito sabay tingin sakin.

Pinag papawisan ako ng malamig, dapat ay hindi ako sumama sa lalaking to.

"Kami nga ni Olie, pinag saluhan namin si Fhara, yun nga lang ako ang naputukan. I mean ako ang tinuturo ni Fhara na ama ng dinadala nya. Lasing kasi kami pareho, hahah." Pag kukwento nito.

Wala akong alam sa nakaraan nila. Ito ba yung sinasabi ni Oliver sakin dati na nag bago na sya.

Ganun ba ka babaero ang isang to kaya pati pinsan nya ay nagagawa nyang i-take advantage?

Mabuti nalang talaga at hindi sya ang nakauna sakin. Mabuti nalang at si Nexus ang dumating nung gabing yun.

"Pwede mo naman akong tulungan diba? Minsan mo ng tinulungan si Olie, siguro naman matutulungan mo din ako." Wika nito kaya napalunok nanaman ako. Hindi na talaga maganda tong nararamdaman ko. Para syang isang demonyo sa inaasta nga ngayon.

"Diretsohin mo na ako Dyruz, ano bang kailangan mo sakin." Inis na tanong ko dito.

"Gusto ko lang naman na manahimik ka!" Wika nito kasabay ang malakas na pag suntok sa sikmura ko.

Doon ako nakaramdam ng pag kahilo hangang sa dumilim na ang paningin ko.

"N-Nexus." Bangit ko sa pangalan nito  hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.

End of chapter 22

She's Dating the Four CousinsWhere stories live. Discover now