chapter 10 LIGAWAN

1.4K 32 1
                                    


Bumalik ako ng classroom na lutang. Ang makasama nga sa paaralan yung apat na mag pipinsan ay sobrang hirap na, what more kung sa iisang bahay pa. Grabe na talaga tong nangyayare sakin, makatarungan pa ba ito?

"Nakakatakot pala ang Lolo nung mag pipinsan nuh." Wika ni Kia ng makaupo na ako.

"Huh, pano mo naman nasabi yan?" Pag tatakang tanong ko dito. Sa totoo lang hindi ako nakakaramdam ng takot kay Lolo Jones kasi mabait naman to. Kung may takot man ako sa kanya, yun ay ang respeto dito.

"Nabalitaan ko kasi sa mga classmates natin yung nangyare kela Grace. Muntik na pala silang ma expell dahil sa ginawa nila sayo. Kung di ka lang daw mabait, baka pati business ng family nila ay pababagsakin nito." Pag kukwento ni Kia kaya napalunok ako.

Totoo ngang may pagkamalupit itong si Lolo Jones. Mahirap syang kalabanin kaya mag papakabait nalang ako. Wala namang mawawala sakin kung susunod ako diba? Simple lang ang buhay na meron kami, wala kaming business or kahit anong pag aari na maipag mamalaki. Susunod nalang ako para sa ikakabuti ng pamilya ko. Ayukong mawalan ng trabaho si mama at papa dahil dun nalang kami umaasa.

"Siguro nag mana si Harduel sa Lolo nya, parehas silang may sungay." Pabirong wika ni Kia. Napabuntong hininga nalang ako. Muli kong naalala yung napag usapan kanina.

"By the way, bakit nga pala kayo pinatawag kanina?" Mahinang tanong nito sakin.

"Huwag kang magugulat ah, ano kasi, titira ako sa mansion ni Lolo Jones kasama yung apat na mag pipinansan." Mahinang sagot ko dito.

"Ano!-" Agad kong tinakpan ang bibig nito dahil sa lakas ng pag kakasigaw nito.

"Sorry, na carried away lang. Pero seryoso yan, my gosh Best! Baka naman pwede akong kunin ni Mr.Jones bilang P.A mo." Pabirong wika nito.

"Naku Kia, kung pwede ngang makipag palitan ng pwesto sayo, ginawa ko na. Ang bigat kasi sa pakiramdam yung ganito. I don't deserve this situation, lalo na yung makasama yung mag pipinsan. Ni isa sa kanila ay walang nababagay sakin." Nakayukong sagot ko dito.

"Huwag ka ngang mag salita ng ganyan. Hindi naman siguro bobø si Mr Jones para mag decide ng ganyan kung alam nyang hindi nila deserve ang isang tulad mo?" Nakangiting wika ni Kia kaya medyo napaisip ako.

Ano ba talaga ang plano ni Lolo Jones, ano ba talaga ang gusto nyang mangyare saming lima. Hindi ko alam kung may patutunguhan ba itong mga plano nya. Sa ngayon, go with the flow nalang ako. Hahayaan ko nalang ang sarili ko kung saan alam kong sasaya ako.

-Lunch Time-

Paalis na kami ng classroom ni Kia ng mapansin naming may pinag kakaguluhan yung mga babae sa labas kaya lumabas na din kami.

Natigilan kami ni Kia ng makita yung apat na mag pipinsan. Na stock sila sa pwesto nila dahil sa mga babaeng gustong mag pa picture sa kanila. Mabuti nalang at busy sila kaya hindi nila napansin ang pag daan namin.

"Grabe talaga ka sikat yung mag pipinsan nuh. Nakakaingit ka talaga best, kung sakaling may napili kana sa kanilang apat. Pwede bang akin nalang yung tatlo? Hahahaha!" Pabirong wika nito. Napangiti nalang ako sa sinabi ni Kia. Baliw talaga ang babaeng to.

"Oo ba, siguraduhin mo lang na kakayanin mo yung tatlo ah." Pabirong sagot ko dito. Napahawak naman ito sa mag kabilang pisnge nya na tila kinikilig. Mukang ini- imagine nya yung sitwasyon kung nasa kanya na yung tatlong mag pipinsan.

"Naku best, baka hihimatayin ako pag tatlo. Hindi ko nga alam sayo kung pano mo na hahandle yung presensya nung apat. Samantalang ako, makaharap ko lang ang isa sa kanila nawawala na ako sa sarili. Ano pa kaya kung apat na, jusme feeling ko nasa heaven na ako pag ganun." Wika nito kaya parehas nalang kaming natawa. Oo dinadaan ko nalang sa tawa yung sitwasyon ko ngayon.

Pag dating namin ng canteen pinag titinginan na naman ako. Siguro dahil sa benda na nasa ulo ko. Mabilis naman kasi kumalat sa paaralang ito ang chismis kaya siguradong alam na nila kung saan ko nakuha ang sugat sa ulo ko.

Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso na kami ni Kia sa bilihan ng foods. Habang namimili kami ng pag kain, bigla nalang may umakbay sakin. Take note, dalawa pa sila. Isa sa right side ko at isa sa left side.

"Hindi mo manlang kami hinintay, sinundo ka pa naman namin." May pag tatampong wika ni Wyatt kaya nang laki ang mata ko ng makita sila ni Norphil.

"K-kayong dalawa pala, hehehe." Nauutal na wika ko. Para tuloy akong nahuli sa krimen na ginawa ko.

"Hi Kia." Nakangiting bati ni Norphil dito. Agad namang napayuko si Kia, napansin kong nag blush ito. Naku, mukang mas mauunang ma Inlove ang bestfriend ko kesa sakin.

Pasimple kong inalis yung pag kakaakbay sakin nung dalawa. Sila na ngayon yung nasa harapan para mag order. Nakahinga ako ng maluwag dahil nakaiwas na ako sa dalawa.

"Anong gusto mong kainin?" Agad akong napatingin sa lalaking nasa right side ko. Ngayon naman ay si Lawrence, my gosh ang gwapo nya talaga. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapatitig dito.

"Ako ba hindi mo tatanungin kung anong gusto ko?" Masungit na tanong ni Harduel kay Lawrence na ngayon ay nasa left side ko. Teka, bakit ba lagi nalang akong naiipit sa kanila.

"Sige na omorder na kayo, sagot ko na lunch natin ngayon." Wika ni Harduel at humakbang na ito paabante. Naiwan tuloy kami ni Lawrence sa likod.

Tiningnan ko yung apat sa unahan. Sa sobrang tagal nilang pumili ng kakainin, ang haba na ng pila sa likod namin. Pero hindi naman yun naging hassle sa mga nag hihintay. Parang tuwang tuwa pa sila na pinapanuod yung apat.

After naming makuha ang inorder namin, sa isang table nalang kami naupo. Hindi ko nalang pinansin yung mag pipinsan dahil si Kia yung inaalala ko.

"Best, para naman atang nasobrahan sa pagiging mahinhin yung kilos mo ngayon." Bulong ko dito. Tiningnan naman ako nito ng masama kaya palihim akong natawa.

"Huwag mo na nga lang akong pansinin." Reklamo nito sakin. Paano naman kasi, pa bebe ito kung kumain. Samantalang pag kaming dalawa lang, tinalo nya pa ang lalaki kung kumain.

"Sammie, tikman mo to." Agad akong napatingin kay Lawrence, may naka ambang tinidor at pork ito sa harapan ko kaya napanganga nalang ako. After kong nguyain yung karne, lulunukin ko na sana to ng mapansin ang reaksyon nung tatlong lalaki. Para bang may mga dumadaloy na kuryente sa mga mata nila papunta kay Lawrence.

Teka, nagagalit ba sila kay Lawrence dahil sa ginawa nito?

"Sammie, tikman mo din to." Sabay na wika ni Norphil at Wyatt.

Ayuko naman saktan yung feelings nung dalawa kaya kinain ko nalang din ang inaalok nila. Nakakahiya tong ginagawa nila, hindi ba nila alam na maraming nanunuod samin.

Tiningnan ko si Harduel na nakatingin ng masama sakin. May nagawa na naman ba akong masama na dapat nyang ikagalit.

Buti pa yung tatlo, nag effort na subuan ako. Bakit parang hinihintay kong subuan din ako ni Harduel. Ay naku, ano pa bang aasahan ko sa hambog na yan.

"Here, baka mabulunan ka sa pag mamahal nila." Nakangising wika ni Harduel sabay abot sakin ng Orange juice in can.

Hindi ko alam pero napatulala nalang ako sa ginawa nya. Para syang angel na bumaba sa langit, tapos may dalang Gin bilog. Di joke lang!

She's Dating the Four CousinsWhere stories live. Discover now