34

1.2K 23 0
                                    

After 7 months

Nexus's POV

Simula ng ikasal kami ni Alena, mas na feel kong iisa na kami. Dito na kami nag stay sa mansion dahil sinusulit nito na makasama si dad Nelson.

After six month nakalaya na din si Dyruz, hindi rin makatiis si tito Nelson and Alena na nasa kulungan ito. Sakto din kasi na panganakin na nun si Fhara, kaya tuwang tuwa si Fhara ng malaman na nakalaya na ito.

Wala na kaming balita kay Charmaine after nitong makausap sa hospital si Alena. Hindi na rin naman nag dimanda si Alena at Dad Nelson dito dahil biktima lang sya at higit sa lahat ay nag dadalang tao din ito.

Si Zenith naman may boyfriend na din, sa tingin ko naman yun na ang nakatadhana sa kanya. Excited na din ito sa panganganak ni Alena dahil nag presenta agad itong mag ninang.

Si Olie naman and Veronica, parang aso't pusa pa rin. Lagi nalang nauudlot ang kasalan nila. Kahit lagi silang nag aaway at nauuwi sa pag atras sa kasalan. Nag kaayos pa rin naman sila. At sana ngayong taon ay matuloy na talaga.

Dahil sa ka buwanan na ngayon ni Alena, lagi nalang itong nasa bahay. Ako na ang nag aasikaso mag patakbo ng pinasa sa kanyang trabaho ni dad. Ang pagiging CEO ng Crimson's Empire. Maraming training ang pinag daanan ni Alena bago nya makuha ang loob ng mga stock holders ng company nila. In the end naging successful naman ang training nya, shempre dahil sa tulong din ng gwapo nyang asawa.

"Anong nginingiti mo dyan?" Nakakunot noo na tanong ni Alena sakin.

Nandito kaming dalawa sa garden ng mansion habang umiinom ng tea.

"Naalala ko lang yung mga pinag daanan natin noon love." Nakangiting sagot ko dito at pinisil ang kanang kamay nito.

Ngumiti ito at napatingala sa kalangitan.

"Oo nga eh, until now hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ako.  Hindi ko naman pinangarap na maging mayaman. Ang gusto ko lang ay mag karoon ako ng taong tatangap kung sino talaga ako, tangap yung nakaraan ko." Nakangiting wika nito at nag babadya nanaman tumulo ang luha nya.

"Ang swerte ko talaga kasi binigay ka sakin ni Lord. Nung panahong nasa dilim ako, nandun pa din yung liwanag nya para gabayan ako. Kahit na sa tingin ko ay wala na akong pag-asa, gumawa sya ng way para mag kita ang landas natin." Wika nito at tumulo na nga ang luha nya.

Simula ng mabuntis itong Asawa ko, naging emosyonal na ito. Minsan nag aalala na nga ako, kahit kasi sa panunuood ng tv ay umiiyak ito. Mabilis na mag bago ang mood nya, kaya ang ginagawa ko palagi ko syang sinasamahan sa pamamasyal para hindi ito nag iisip ng kung ano-ano.

"At ikaw naman ang binigay nya sakin para lumiwanag ang mundo kong madilim." Nakangiting wika ko dito at hinalikan ito sa kamay.

"Sa mga hirap na pinag daanan ko noon, ang dami ko namang blessings ngayon." Nakangiting wika nito habang himas himas ang tiyan nya.

  Masasabi kong sobrang swerte ko dahil binigyan ako ni Lord ng kapartner sa buhay na kagaya ni Alena.

In the first place, wala naman talaga akong paki-alam sa nakaraan nya. Wala akong paki sa istado ng buhay nya. Ang gusto ko lang ay to get her heart. Ganun na siguro ako ka baliw sa kanya.

When it comes to love, gagawin ko ang lahat kahit ikapahamak ko pa ito. Yung kay Zenith before, I think hindi sya pure love. Dahil kung mahal mo kasi ang isang tao, kahit ipag palit ka nito sa kahit anong bagay sa mundo tatangapin mo at hindi ka mag tatanim  ng sama ng loob.

Ako kasi nag tanim ng sama ng loob sa kanya ng ilang taon. Nakalimutan ko na rin kung paano mag mahal, napuno ng galit ang puso ko, at si Anela lang ang nag palaya sa puso ko.

She's Dating the Four CousinsWhere stories live. Discover now