25

1K 31 0
                                    

Chapter 25

**NEXUS'S POV**

"May kasiguraduhan ba na may kinalaman si Dyruz dito?" Tanong ng dad ni Olie.

"Naka receive po ako ng message kay Alena bago sya mawala. It's about Dyruz and Charmaine, I tried to call her pero naka off na po ang phone nito." Sagot ko habang seryoso silang nakikinig.

"Sige iho, palalawakin namin ang pag hahanap kay Dyruz. Sa ngayon kailangan natin mag ingat dahil baka malaman ni Dyruz na hinahanap natin sya." Wika muli ng dad ni Olie.

"Honey, make sure na ligtas si Elyne. I'm sure takot na takot sya sa mga oras na to." Naiiyak na wika ni tita Olivia.

"Don't worry hon, siguro naman ay hindi magagawang saktan ni Oliver ang kagaya ni Elyne. Mag tiwala nalang tayo sa ngayon." Wika ni Tito Verra dito yakap yakap ang Asawa nya.

After ng ilang minutong pag uusap namin kami nalang nila Zenith, Olie at fiance nitong si Veronica ang natira.

"May maitutulong ba ako sa inyo?" Tanong ng fiance ni Olie sakin.

"Dito ka nalang Veronica, baka mapahamak ka pa." Wika ni Olie dito.

"Minamaliit mo ba ang kakayanan ko Oliver!" Inis na wika nito sa kanya.

"It's not what you think, ayuko lang na may mangyare sa fiance ko. Natatakot na ang ako sa kalagayan ng bestfriend ko, baka hindi ko kayanin pag may nangyari din sayo!" Inis na wika ni Olie dito but it sounds sweet.
Napansin kong namula itong si Veronica pero agad ding nawala at tiningnan nya ng masama si Olie.

"Kung ayaw mo bahala ka, pero tutulong ako. Sobrang nag aalala si tita kay Alena, kaya kailangan nating mag madali." Wika nito at sakin na sya tumingin.

"May idea ba kayo kung san madalas nag i-stay si Dyruz, baka doon nya tinatago si Alena." Wika ni Zenith.

"Ginawa na namin yan Zenith, pero wala talaga." Sagot ko dito.

"Diba may nabangit ka na Charmaine, bakit hindi natin sya paaminin?" Nakangising wika ni Veronica kaya napatingin kaming lahat dito.

"Kung may nalalaman nga si Charmaine sa mga nangyayare, mahirap na paaminin yun." Wika naman ni Olie.

"Bakit hindi nyo muna I-try. In the name of love gagawin mo ang lahat, diba Nexus?" Nakangising wika ulit ni Veronica. Sa pinupunto nya parang alam ko na kung ano ang gusto nitong mangyare.

"Sige Veronica, mukang maganda nga yung idea mo na yan. Lalo na ngayon at paniwalang paniwala si Charmaine na naloko nya kami." Wika ko dito kaya mas lumapas ang ngiti nito.

"Pero Nexus, paano kung may gawin nanaman si Charmaine sayo ngayon. Paano kung maging totoo na lahat ng paratang nya sayo?" Pag aalalang wika ni Zenith.

"Kung yun ang madaling paraan para mahulog sa mga kamay ko si Charmaine gagawin ko yun para kay Alena." Wika ko dito kaya wala na rin itong nagawa.

** Charmaine's Pov **

11pm na at pahiga na sana ako ng kama ng biglang may kumatok sa kwarto ko.

Pag bukas ko, nanglaki ang mata ko ng makita si Nexus.

"N-Nexus" nauutal na tawag ko dito. Ewan ko ba pero ang lakas ng dating nya. Magulo ang buhok nito tapos naka open yung isang butones ng polo nya. Mukang nakainom din ito.

"Charmaine" tawag nito sakin na para bang inaakit nya ako.

"Teka lang Nexus, anong ginagawa mo dito-" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin dito ng bigla ako nitong hinalikan.

She's Dating the Four CousinsWhere stories live. Discover now