33

1.1K 23 0
                                    


**ALENA'S Pov**

After 1 month

Busy ang lahat dahil sa engagement party namin ni Nexus. Next month na rin kasi ang kasal naming dalawa.

*Tok*tok*

"Pasok" wika ko habang nakaupo sa kama ko. Pumasok naman si Veronica, nakasimangot ito.

"Hey, mukang bad mood ka ata? Kamusta ang vacation nyo ni Oliver sa Palawan?" Nakangiting tanong ko dito. Mukang hindi maganda ang naging bakasyon nilang dalawa.

"That j*rk! Naku hinding hindi ako mag papakasal sa hay*p na yun!" Inis na wika nito na tila ba uusok na ang ilong nya.

"Ano ba kasi ang nangyare?" Mahinahong tanong ko dito.

"M-may nangyare kasi samin dahil sa kalasingan ay pumayag ako. Ok naman sakin na may mangyare samin kasi sure na ako na sya ang pakakasalanan ko. Pero ang g*gong yun, nahuli kong nakikipag flirt sa ibang babae!" Inis na wika nito habang nakakuyom ang kamay.

Mukang problema nga ito, akala ko ba nag bago na itong si Oliver at seryoso na sya kay Veronica, bakit nagagawa nya pang mang babae.

"Nag usap na ba kayo about dito?" Muling tanong ko.

"Hindi, iniwan ko sya sa Palawan ng walang paalam. Naiinis talaga ako sa bestfriend mo! Alam mo bang gustong gusto ko na syang putulan ng junjun ngayon!" Inis na wika nito, sa sobrang inis ni Veronica ay namumula na ang muka nito.

"Chill ka nga lang Veronica, maayos nyo din to. Kakausapin ko si Oliver about dito. Kung talagang may kasalanan sya at ginusto nya ang nangyare dun sa sinasabi mong flirt na ginawa nya, malilintikan sya sakin. Pero kung missed understanding lang, hayaan mong mag paliwanag sya sayo." Wika ko dito kaya medyo kumalma na to.

"Don't let anger swallow your heart, dahil pag nangyare yun, baka pag sisihan mo sa huli." Wika ko dito at tinapik sya sa balikat.

"Ewan ko ba Alena, hindi naman ako ganito eh. I mean, palaban ako, ayukong ginaganito ako, pero pag dating kay Oliver hindi ko maiwasang hindi masaktan." Nakayukong wika nito.

Sa tingin ko kasi mahal nya na din si Oliver.

"Don't worry maayos nyo rin to." Wika ko dito.

*Tok*tok*

Sabay kaming napatingin sa pinto ng kwarto ko. Pumasok si Nexus, pero may kasama ito, si Oliver.

"Hindi nga ako nag kamali, nandito nga sya." Wika ni Nexus kay Oliver na ngayon ay parang iiyak na. Ay naku, pag ibig nga naman. Tumayo ako ng kama at tinapik ang balikat ni Veronica.

"Maiwan na muna namin kayo, may kailangan lang akong I-check sa baba." Wika ko kay Veronica.

Hinalikan naman ako ni Nexus sa noo at inalalayan ako palabas. Pero bago kami lumabas, tiningnan ko muna si Oliver. Yung tingin na 'ayusin mo to'

Mukang na gets nya naman ang gusto kong sabihin dahil tumango ito sakin.

Pag labas naman ni Nexus pinakiramdaman muna namin yung dalawa bago kami tuluyang lumayo ng kwarto.

"Hayaan mo na silang mag usap, alam na ni Oliver ang gagawin nya." Wika ni Nexus at bumaba ng kami.

"Ano ba kasi ang nangyare sa kanila?" Nakakunot na tanong ko.

"Missed understanding lang, tinulungan lang ni Oliver yung anak ng may Ari ng resort na tinuluyan nila sa Palawan. Lasing daw kasi at broken hearted. Hinatid ni Oliver si Marie, then ayun napag kamalan ni Marie si Oliver na yung Ex nya kaya hinalikan nitong si Marie si Oliver, sakto naman na nakita ni Veronica." Paliwanag nito kaya natigilan ako sa pag hakbang sa hagdan at muling tiningnan ang direksyon papunta sa kwarto ko.

She's Dating the Four CousinsWhere stories live. Discover now