24

990 19 0
                                    

After oneweek

*Charmaine's Pov**

"Umaayon ang lahat sa plano natin, pumayag na si Nexus na mag pakasal sakin. At about sa DNA test result at naging positive ito. Mabuti nalang at mukang pera yung doctor na kinuha nila at kumagat ito sa inoffer kong bayad kaya wala na tayong problema. Bumalik kana dito sa mansion dahil inaasikaso na namin ni Nexus ang ang magiging kasal namin." Wika ko kay Dyruz.

"Mabuti naman kung ganun, sunod nating ididispatsa si tito Nelson. Konting tiis nalang Charmaine at mapapasaatin na din lahat ng kayamanan nito." Wika ni Dyruz sa kabilang linya.

-

After kong makipag usap kay Dyruz lumabas na ako ng kwarto dahil nag aabang si Nexus sakin para sa plano namin about are wedding.

Sayang si Nexus, kung hindi lang talaga ako nabuntis ni Dyruz si Nexus talaga ang gusto kong mapangasawa.

Why not Nexus? Isa syang successful man, isang attorney, higit sa lahat gwapo ito at may sarili ng law office. Walang binatbat si Dyruz sa mga achievement nito sa buhay. Kaya ganun nalang ang kagustuhan ni Dyruz na makuha ang kayamanan ng tito nya. Ito nalang ang pag asa nya para makaangat.

"Mabuti naman Nexus at pumayag kanang maikasal sa anak ko." Nakangiting wika ni Dad.

"Kailangan ko pong panagutan ang baby namin." Sagot nito.

Gusto kong makonsensya, pero nandito na to. Si Nexus ang magiging ama ng anak ko at hindi si Dyruz. Wala na syang magagawa dahil ikakasal na kami ni Nexus at hindi dapat malaman ni Nexus na hindi sya ang ama ng bata. Hindi ako papayag na malaman nya to, kahit si Dyruz ay pipigilan ko kung sakaling aminin nya kay Nexus ang katotohanan sa huli.

"Natutuwa ako dahil nasa mabuting kalagayan na ang anak ko bago ako mawala sa mundo. Nexus ikaw na ang bahala sa anak ko." Wika ni dad dito at tinapik ang balikat ni Nexus.

"Opo, gagawin ko ang lahat para sa anak nyo. Hindi ko po kayo bibiguin, sisiguraduhin ko po na nasa mabuting kamay ang anak nyo." Sagot ni Nexus.

Feel na feel ko yung moment na to. Sana talaga ay ako nalang abg totoong taga pag mana ng Crimson's Empire. Sa ngayon ako naman talaga, at wala ng makakapigil pa.

** Mr.Nelson's Pov **

Sa tingin ba ng impostor na to ay mapapaikot nya ako?

Alam ko na ang lahat, hindi si Charmaine ang totoong anak ko. Hindi ko akalain na magagawa nya akong lokohin. Si Dyruz ang nakahanap sa babaeng yan at pinag pangap na anak ko. So ibig sabihin kasagwat nito si Dyruz.

Isang linggo na din ang nakakalipas mula ng huling bumisita si Dyruz dito sa mansion.

"Ano ng balita kay Alena?" Tanong ko kay Nexus.

Madalas na nandito si Nexus sa office dahil minamatyagan nya si Charmaine.

"Until now po wala pa din po, kinakabahan na nga ako Tito Nelson, paano kung may nangyare ng masama kay Alena?" Nakayukong wika ni Nexus.

"Hindi mangyayare yun Nexus, wag kang mag isip ng negatibo." Wika ko dito.

"By the way tito, pasensya na po kung ngayon lang ako mag rereport sayo about kay Alena. Gusto ko kasi na siguraduhin muna ang mga nalaman ko about sa kanya bago ko sabihin sayo." Wika nito kaya bigla akong kinabahan.

"A-ano ang nalaman mong impormasyon about kay Alena?" Nauutal na tanong ko dito. Halo-haling emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Sana ay tama ang kutob ko, sana ay sya nga.

May binigay na mga picture si Nexus sakin.

"Binigay po sakin ni Alena yan noong araw na makausap ko sya. Yan po ang mama nya na si Amelia Magdalene."Wika ni Nexus.

She's Dating the Four CousinsWhere stories live. Discover now