PROLOGUE

713 34 7
                                    

“Fifty million dollar.”

Mahina man ang pagkakasabi niyon, ngunit sapat iyon upang marinig ng mga kasama niya na naroon sa pribadong silid. Napalingon sa kaniya ang mga kalalakihan. Nasa mukha ng mga ito ang labis na pagkabigla dahil sa malaking pera na sinabi niya. Maging ang MC ay gulat ding napatingin sa kaniya.

“F-Fifty million dollar.” Anunsyo ng MC na nasa unahan. Tiningnan nito isa-isa ang mga taong naroon at kasama sa bidding na nangyayari ngayon. “How about fifty-one million dollar? Do we have—”

“Fifty-one million dollar.” Saad ng isang lalaki na nasa sulok ng silid. Natuon din dito ang isa pang spot light. Ngumiti pa ito nang tumingin sa kaniya. Tila nang-aasar at ayaw patalo sa kaniya.

Hindi nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha nang muli siyang tumingin sa MC. Bumuntong-hininga siya.

“One hundred million dollar.” Walang pag-aalinlangang saad niya.

Biglang nagbulungan ang mga taong naroon. Mas lalong hindi makapaniwala sa laki ng perang sinabi niya uli. Maging ang lalaking humamon sa kaniya kanina ng fifty-one million, magkahalong pagkabigla at pagkadismaya ang mababakas sa mukha nito ngayon. Hindi ba nito kayang tapatan ang one hundred million dollar niya?

Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa buong silid bago nagsalita ang MC.

“Gentlemen, one hundred million dollar?” tanong pa nito. “Final call, one hundred million dollar. No one?” Bumuntong-hininga pa ito bago tumingin sa kaniyang direksyon. “Final bid at one hundred million dollar, going once... Going twice... Sold to Mr. Montalban.”

***

Napakislot ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng silid na kinaroroonan ko ngayon. I’m wearing a blindfold kaya hindi ko makita kung sino ang pumasok at hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Basta ang alam ko lang, labis na tinatambol ang aking dibdib dahil sa kaba at takot dahil sa kumidnap sa akin!

“How are you?”

My heart stopped when I heard the familiar voice. What? Is that Morgon? My ex-boyfriend!

SOLD TO HIMWhere stories live. Discover now