CHAPTER 12

95 13 2
                                    

“WHAT happened?” nagtatakang tanong sa akin ni Monroe nang lumapit ito sa akin.

Nagkibit naman ako ng mga balikat ko. “I don’t know,” sagot ko.

“He’s the chairman of this company, right?”

Tumango naman ako. “Yeah. He’s Morgon Montalban,” I said and sighed as I glanced at the door of the function hall. “Let’s go. We are done with our first day photoshoot.”

Bumalik kami sa puwesto namin kanina para ayusin na ang mga gamit namin at pagkatapos ay sabay na rin kaming lumabas sa function hall. When we passed Morgon’s office, the door was closed. Marahil ay nasa loob pa sila ni Sasa. Did he scold him? Mukhang hindi malabong mangyari iyon, dahil kanina pa lamang ay mababakas na sa mukha niya ang galit na hindi ko malaman kung saan nanggaling.

Bumuntong hininga na lamang ako nang malalim.

“Let’s go, Shiloh.”

I approached Monroe, and we walked together again to where the elevator was, until we got out of the building.

“Bye! See you tonight, Shiloh.”

Nakangiting tumango naman ako. “Bye! See you.”

Lumapit pa ito sa akin at hinalikan ako sa magkabilang pisngi ko bago ako naglakad papunta sa kotse ko.

When I got home, I found daddy in the living room talking to two men. Mga kaibigan yata nito sa business.

“Hi, dad!” I greeted with a smile. I even kissed his cheek when I got close to his seat.

“Hi, sweetheart.”

“Siya na ba si Shiloh, kumpadre?” tanong ng isang lalaki.

Nakangiting tumango naman si daddy. “Yes, kumpadre. Siya na nga ang unica hija ko.”

“She’s so beautiful. Manang-mana sa mommy niya,” sabi pa ng isang lalaki.

Napangiti naman ako nang malawak. “Hello po sa inyo!” bati ko sa mga ito.

“Of course, kumpadre. Saan pa naman magmamana ang anak ko, kun’di sa nanay niya,” pagsang-ayong sabi naman ng daddy.

“Well, iiwan ko po muna kayo, dad. Mukhang busy po kayo.”

“Sure, hija. We’ll talk later. Magpahinga ka na muna roon.”

“Excuse me po,” sabi ko sa dalawang kasama ni daddy saka ako pumanhik sa hagdan at tinungo ang silid ko.

Exhausted from the whole day of our photoshoot, I didn’t realize that I had already taken a nap when I laid down on my bed. I just woke up because of the sound of my cellphone that was next to me. I took it and looked to see who was calling. It was Monroe. But before I could answer the call, it died on the other line.

Kumilos ako sa puwesto ko upang sumandal sa headboard ng kama ko at nagpadala na lang ng text kay Monroe.

Ilang saglit akong nanatili sa puwesto ko bago ako nagpasiyang bumangon at inayos ang sarili ko pagkatapos ay bumaba ako para puntahan ang daddy.

“Alright! Just let me know kung kailan ang schedule. Okay. Thank you so much.”

Dinig kong sabi ni daddy sa kausap nito sa cellphone nang pumasok ako sa silid nito.

Bahagya akong tumikhim upang kunin ang atensyon ni dad. Lumingon naman ito sa akin.

“Princess, nariyan ka pala!”

Ngumiti ako at humakbang palapit dito. “Who are you talking with, dad?” tanong ko at umupo sa gilid ng kama nito.

“Ah, business partner ko noon. Gusto ko kasi makipag-meeting sa kaniya dahil may business proposal akong ibibigay sa kaniya.”

SOLD TO HIMDonde viven las historias. Descúbrelo ahora