CHAPTER 2

193 19 2
                                    

NANG mabuksan ng isang bodyguard ko ang pinto sa backseat ay kaagad akong umibis doon at nagmamadaling pumasok sa main door.

“Where is dad?” tanong ko sa PA ni daddy na nasa sala.

Tumayo naman ito mula sa pagkakaupo sa mahabang sofa. “In his room, Miss Shiloh.”

Nagmamadali akong pumanhik sa mataas na hagdan hanggang sa makarating ako sa silid ni dad.

“Dad,” sabi ko at napatingin kay Tito Arthur, ang personal doctor ng daddy. Nakatayo ito sa gilid ng kama habang si daddy naman ay nakahiga sa kama nito. Lumapit ako rito at kaagad na umupo sa tabi nito. “Hey, daddy! Are you okay?” bakas sa mukha at tinig ko ang labis na pag-aalala para sa aking ama. “Tito, what happened? May nangyari po ba kay dad na hindi maganda?” tanong ko nang tumingala ako rito.

Kanina kasi bago ako umalis papunta sa bar ay okay naman si dad. Tapos ngayon, mukhang may dinaramdaman na naman ito.

“Princess, relax! I’m fine,” sabi ni dad, at inabot pa ang isang palad ko at masuyong ginagap iyon.

Tiningnan ko ang daddy. Labis pa rin akong nag-aalala para sa kalagayan nito ngayon. He was pale.

Matanda na ang daddy. At sa edad nito ngayon, ang sakit sa puso nito ang laging dinadamdam. Ang sakit na iyon ang mas lalong nagpapahina sa kalusugan nito. Nitong mga nakaraang linggo, ilang beses din itong dinala sa ospital dahil laging nananakit ang dibdib nito.

Two years na kaming magkasama ni dad dito sa London. Nagkahiwalay kasi ulit sila ni mommy, kaya nagdesisyon si dad na rito na muna sa akin tumira. Hindi ko alam na dati pa pala ay hindi na sila okay ni mommy. Ang buong akala ko pa naman noon ay perfect family ang mayroon kami, but I was wrong.

I’m a daddy’s girl kaya masaya rin ako na sumunod sa akin si dad papunta rito sa London.

“I know you’re not, daddy,” malungkot na sabi ko at umangat ang isang kamay ko papunta sa mukha nito. Masuyo kong hinaplos ang pisngi nito. “Ano po ba ang nangyari sa kaniya, Tito?” tanong ko ulit kay Tito Arthur.

Nagbuntong hininga ito at saglit na tiningnan ang ama ko. “Mas lalong lumalala ang sakit ng papa mo—”

“Arthur, please,” sabi ni dad upang putulin ang pagsasalita ni Tito Arthur. “Just... Don’t tell her about my condition right now.”

“But, dad!”

“Ayokong mas lalo ka pang mag-alala para sa akin.”

“Of course, mag-aalala po ako para sa kalagayan ninyo because you’re my dad,” sabi ko. Parang gusto ko tuloy maiyak ngayon dahil sa nakikita kong sakit, lungkot at hirap sa mga mata ng daddy ko.

Oh, God please! Huwag n’yo po sanang kukunin agad sa akin ang tatay ko. I can’t bear to lose him right now! Kapag nawala ang daddy, labis akong masasaktan. Wala na akong magiging kakampi sa buhay. He’s the only one I have—the only person I trusted the most.

“Kumpadre, karapatan ni Shiloh na malaman ang kalagayan mo ngayon,” sabi ni Tito Art. “Habang tumatagal ay mas lalong humihina ang katawan mo. Hindi mo naman puwedeng sarilinin na lamang itong nararamdaman mo.”

“Tito Art is right, dad,” sabi ko.

Bumuntong hininga si dad at muling hinimas-himas ang likod ng palad ko. Mayamaya ay dinala nito sa tapat ng bibig nito ang kamay ko at hinalikan iyon ng ilang beses.

“Gusto kong bumalik na tayo ng Pilipinas, anak.”

Biglang nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi ng daddy. “Po?”

“Mahina na nga ang katawan ko. Gusto ko, bago ako mamatay, nasa Pilipinas na ulit ako—”

“Dad, don’t say that.” Nakagat ko pa ang pang-ilalim kong labi nang bigla akong makaramdam ng takot sa puso ko dahil sa sinabi nito. Nag-init din bigla ang sulok ng aking mga mata. “You’re not going to die.”

SOLD TO HIMWhere stories live. Discover now