CHAPTER 8

100 10 0
                                    

MALALIM na paghinga ang pinakawalan ko sa ere pagkatapos ay dinala ko sa tapat ng aking bibig ang baso na hawak ko. May laman itong red wine na hiningi ko kay Ysolde kanina. Nasa garden kami ngayon. Nakaupo ako sa single couch habang si Ysolde naman ay nasa kabilang mesa at inaasikaso ang asawa nito at ang mga bisita nila. Ang triplets, si Arn at si Morgon. Nag-iinom sila ngayon.

Kanina nang dumating sila habang nasa sala kami ni Ysolde at nag-uusap, medyo naging awkward ang sitwasyon namin. Binati ko naman ang triplets pati si Arn, pero hindi na ako nag-abalang batiin si Morgon.

Pagkatapos n’on... Magpapaalam na sana ako para umuwi na, kaso nakiusap naman si Ysolde na manatili pa ako kahit isang oras na lang. Pinagbigyan ko na tutal at matagal din naman kaming hindi nagkita at nakapag-bonding.

Mula sa kanauupuan ko, tinatanaw ko ang kinaroroonan nina Hideo. Masaya silang nag-uusap-usap, except kay Morgon. Tahimik lang siya at paminsan-minsan ay nahuhuli kong tumitingin siya sa direskyon ko. Pero hindi ko naman ipinapahalatang nakatingin din ako sa kaniya. Baka mamaya, sabihin na naman niyang ini-stalk ko siya. Medyo makapal ang mukha niya sa part na ’yon!

Mayamaya ay nakita kong naglalakad na si Ysolde palapit sa akin.

“Okay lang ba kung iwanan muna kita rito, sissy? Aakyatin ko lang ang dalawa at baka gising na.”

Ngumiti naman ako at tumango. “Sure. Just take your time, sissy.”

“Okay. Saglit lang ako.” Ani nito saka umalis na sa harapan ko.

Nang makita kong umilaw ang cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa, kinuha ko iyon upang tingnan. It was Marl, pinaalalahanan na naman ako tungkol sa naging pag-uusap namin kahapon. Hindi ko pa rin kasi tinatawagan si Sasa para ipaalam dito kung ano ang sagot ko sa favor na hinihingi nito sa akin.

“Hey, are you okay?”

Nag-angat naman ako nang mukha. Nakita ko si Ulap na nakatayo sa harapan ko. May hawak pa itong bote ng beer.

“Where is Ysolde? Bakit mag-isa ka lang dito?” tanong pa nito at umupo sa isang silya na nasa tapat ko.

“Pumasok lang saglit para tingnan ang dalawang baby niya,” sagot ko.

Tumango naman ito at tinitigan ako nang seryoso. Kanina ko pa nahahalata ang madalas na pagtitig sa akin ni Ulap. Medyo nakakailang na, pero hindi ko na lamang pinapansin.

“How are you by the way, Shiloh?” tanong nito mayamaya.

Tipid naman akong ngumiti. “I’m fine,” sabi ko. Kahit ang totoo, hindi naman. Hindi talaga ako okay. Lalo na ngayong nagkita na ulit kami ni Morgon.

“Nagkausap na ba kayo ni Morgon?” mayamaya ay tanong niya ulit sa akin.

Saglit akong napatingin sa direksyon ni Morgon. Kausap niya si Hideo. Mayamaya ay nagbaba ako ng tingin kasabay niyon ang pagpapakawala ko nang malalim na paghinga. “Wala naman kaming dapat na pag-usapan pa, Ulap,” sabi ko.

Nang mag-angat ako ulit ng mukha ay nakita ko naman ang pangungunot ng noo nito. “And why? I mean, may nakaraan kayo. And I think you two need to talk.”

“Hindi na, Ulap. At isa pa...” Muli akong tumingin sa direksyon ni Morgon. I saw him looking at me too. Mabilis akong nagbawi ng tingin sa kaniya. Nginitian ko pa si Ulap. “He’s in a relationship now. And... I moved on.” Pagsisinungaling ko.

“So wala na palang pag-asa na magkabalikan kayo?” tila paniniguradong tanong nito sa akin.

Umiling ako. “I don’t think so, Ulap.”

Dinala nito sa tapat ng bibig nito ang bote ng beer na hawak nito saka iyon tinungga. “Ang buong akala ko ay magkakabalikan pa kayo. Sayang naman ang relasyon ninyo noon.”

SOLD TO HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon