CHAPTER 1

274 15 7
                                    

MALAKAS na ingay ng musika at iba-ibang kulay ng umiikot na ilaw ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa Under Construction Station, isang kilalang club sa Brixton, UK. Maraming mga tao ang naghihiyawan at nagsasayawan sa gitna ng dance floor.

Seeing my two friends, who were also my colleagues, on the bar’s second floor brought a sweet smile to my lips.

Kahit marami man ang tao sa dance floor, hindi ako nag-atubiling pumagitna roon upang makarating sa kabilang bahagi ng bar at makaakyat sa second floor. May iilan pang mga lalaki ang humarang sa akin at hinawakan ako sa braso at baywang ko upang ayaing sumayaw, pero tinanggihan ko.

“I’m sorry!” malakas na sabi ko para marinig ng mga ito ang boses ko. Tinanggal ko rin ang mga kamay na nakahawak sa akin, saka naglakad muli hanggang sa makapanhik na ako sa mataas na hagdan.

“Hey!” Sinalubong ako ni Emily—kagaya ko ay model din ito. Ito ang kasabayan ko nang pumasok ako sa agency na nag-alok sa aking maging model, three years ago. “What took you so long?” she asked me, took my hand, and guided me to the table where Maxine, another friend of mine, who is also a model, was waiting.

“Girl, you’re an hour late. Where have you been?” tanong din nito sa akin, saka tumayo at hinalikan ako sa pisngi ko.

“I’m really sorry. You know, I have bodyguards that I have to elude just to get here,” sabi ko. Kaagad akong umupo.

Iniabot naman sa akin ni Emily ang isang margarita.

“Your favorite,” sabi nito.

“Thank you!”

“So, did you call Monroe?” tanong ulit sa akin ni Max.

Ang tinutukoy nito ay si Monroe na kasama rin namin sa trabaho. Ang lalaking matagal nang nangungulit sa akin na manligaw. But of course, I don’t like him kaya hindi ako pumapayag.

“Why? Will he come here too?”

“I told him earlier to come here,” sabi ni Emily.

Wala sa sariling napabuntong hininga naman ako kasabay niyon ang pag-irap ko.

“What? I thought, our plan is just a girls’ night out and no boys?”

“I’m sorry, Shiloh, but Monroe talked to me earlier. He said he wants to talk to you. And I accidentally mentioned to him we are coming here tonight, so I told him to come here if he wants to talk to you,” pagpapaliwanag pa nito.

I just leaned back in my seat and sipped my margarita. Minsan nakakainis din itong si Emily. Hindi marunong sumunod sa usapan at pangako. She knew I really didn’t want to talk to that guy, but she told him to come here to the bar. How else can I enjoy the night?

“Oh! He’s here,” sabi ni Maxine.

I followed her gaze below the bar—at the entrance. And there, I did see Monroe. When he saw me, his smile suddenly widened at nagmamadaling umakyat din upang lumapit sa puwesto namin.

Muli akong napabuntong hininga nang malalim.

“Hey, girls!” nakangiting bati nito sa amin. He kissed Emily and Maxine on the cheek before sitting next to me. “Hi, Shiloh!”

“Hi!” tipid na ngiti na lamang ang ibinigay ko rito at nakipagpalitan din ng halik sa pisngi. Kahit alam nito na hindi ako interesado sa pagpapalipad hangin nito sa akin, of course pinapakiharapan ko pa rin naman ito nang maganda. Nakapa-rude ko naman kung lagi ko itong de-dead-mahin at hindi kakausapin, samantalang magkasama kami sa trabaho.

“I’m sorry I’m late,” he said.

“It’s okay, Monroe. Shiloh just arrived too,” singit na sabi naman ni Emily.

SOLD TO HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon