CHAPTER 7

90 11 0
                                    

NAKAKUNOT pa rin ang noo ko habang seryosong nakatitig sa kaniya.

“I’m not stalking you.” Saad ko at akma na sanang babawiin mula sa kaniya ang braso ko, pero bigla naman niyang diniinan ang pagkakahawak sa akin. “Ouch! Will you please... Let me go.” Mariing saad ko pa.

“Then what are you doing here if you’re not stalking your ex-boyfriend?” sa halip ay tanong niyang muli sa ’kin.

Ikinuyom ko ang palad ko saka saglit na inipon ang lakas ko. Pagkatapos ay muli kong sinubukan na bawiin sa kaniya ang braso ko. Pakiramdam ko kasi, kung hahayaan ko pang magkadikit ang mga balat namin ng ilang segundo pa ay baka bigla na lamang akong mag-collapse rito lalo pa at nararamdaman ko na naman ang panghihina ng mga tuhod ko.

God! Three years had passed, pero ganoon na ganoon pa rin ang epekto niya sa akin. Kayang-kaya pa rin niyang palambutin ang mga tuhod at kalamnan ko without doing nothing.

Dahil sa puwersang ginawa ko, nagtagumpay naman akong makawala sa kaniya. Muntikan pa nga akong ma-off balance, mabuti na lamang at napahawak ako sa hamba ng pinto.

Masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya. “Sa pagkakaalam ko, this restaurant is not yours. At walang may magbabawal sa akin na pumunta rito.”

I saw his jaw clenched because of what I said.

“I’m not stalking you, Mr. Montalban.” Saad ko at nagpakawala nang malalim na paghinga, tinitigan ko pa siya ng ilang segundo bago ako humakbang upang iwanan siya roon.

Kahit bahagya pang nanginginig ang mga tuhod ko, pinilit kong maglakad nang maayos hanggang sa makabalik ako sa lamesa namin ni Sasa.

“Are you okay?” tanong nito sa akin nang makaupo na ulit ako sa puwestong iniwan ko kanina.

Banayad akong muling bumuntong-hininga. “Yeah,” wika ko.

“Umiyak ka ba?” usisang tanong pa nitong muli.

Nag-iwas naman ako ng tingin. Dinampot ko ang baso ng tubig ko at uminom. “No I’m not. Napuwing lang ako.” I reason out to him.

Tumango-tango naman ito. Halatang sinang-ayonan na lamang nito ang sinabi ko.

Tumikhim ako mayamaya upang tanggalin ang bolang bumabara sa lalamunan ko. Nang muli akong mag-angat ng mukha ko, I saw Morgon, pabalik na siya sa puwesto nila ng kaniyang girlfriend.

Ouch! Masakit talaga sa puso kapag makita mong ang taong mahal mo ay kasama na ng iba.

Feeling ko, may patalim na namang tumatarak sa puso ko sa mga sandaling ito.

Bago pa ako tuluyang mawasak, inalis ko na sa kanila ang aking paningin.

“Um, about your... Favor to me,” sabi ko. “I’ll think about it first, Sasa.”

Ngumiti naman ito. “Sige. Pero, puwede bang malaman ko agad bukas ang sagot mo? I mean, kailangan ko kasing maghanap ulit agad kung hindi ka papayag sa offer ko sa ’yo. And, kung papayag ka naman, I promise na malaki ang bayad na ibibigay sa ’yo ng boss namin. Tutal naman at siya ang naghahanap ng pang-international model look. I mean, you are Shiloh Fuentes, an internation model. So...”

Ngumiti naman ako. “Alright, alright,” tumatangong sabi ko. “I’ll let you know my answer tomorrow.”

“Thank you so much, Shiloh.”

“Don’t thank me yet, hindi pa naman ako pumapayag.”

“I will say thank you para naman maawa ka sa akin. Ayokong matanggal sa trabaho ko kasi wala na akong ipangbabayad sa mga lalaki ko.” Pabirong saad pa nito.

SOLD TO HIMWhere stories live. Discover now