CHAPTER 5

94 12 0
                                    

“MORGON!” Mahinang sambit ko sa pangalan niya nang iilang hakbang na lamang ay nasa harapan ko na siya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga sandaling ito. Basta ang alam ko lang, just like before, sobrang lakas nang kabog ng dibdib ko. It seems, my heart is doing a circus at this moment.

Pero mayamaya ay nakadama ako ng panghihinayang at pagkadismaya nang hindi siya huminto sa tapat ko, sa halip ay nilagpasan niya ako na para bang wala ako roon o hindi niya ako nakita o hindi niya ako nakilala!

The smile drawn on my lips gradually disappeared. My heart, which was so happy earlier, slowly subsided.

Tila ba, napapahiya akong nakatayo roon. Pakiramdam ko lahat ng taong naroon maliban sa kaniya ay nakatingin sa akin at pinagtatawanan ako dahil hindi ako pinansin ng taong matagal ko ng hindi nakikita.

Nahigit ko ang aking paghinga.

“Hey, sweetheart!”

Dinig ko ang malambing na boses ng babae mula sa likuran ko.

Kahit naninigas ang katawan ko sa aking puwesto, pinilit kong humarap ng dahan-dahan. Until I saw him standing in front of a woman. She smiled at him and kissed him on the lips.

Fuck!

It was like an arrow hit the center of my heart. Bull’s eye. Sentro sa puso ko.

“Are you done?”

“Almost.” Sagot ng babae at inilingkis pa ang mga kamay sa braso ni Morgon at hinila siya papunta sa isang shelf. “I’m sorry if I kept you waiting, sweetheart. Hindi kasi ako makapili kung alin ang bibilhin ko, e! Can you help me choose which one to buy?”

When I felt the heat in the corner of my eyes, I suddenly turned back and even though my knees were shaking because of what I witnessed, I forced myself to walk out of the store. Just a few seconds my vision became blurred because of my tears.

Oh, jeez! Mahal na mahal ko pa rin talaga siya. Hindi ako masasaktan ng ganito ngayon kung hindi ko na siya mahal.

Pakiramdam ko hinihiwa ang puso ko ngayon.

Hanggang sa makarating ako sa sasakyan. Pagkapasok ko sa drivers seat, kaagad akong napasubsob sa manibela at doon tahimik na lumuha.

Oh, Morgon! Hanggang ngayon ba naman sasaktan mo pa rin ako? Sasaktan mo pa rin ang puso ko?

Mabuti na lamang at tented ang bintana ng kotse ni Tito Arthur kaya hindi ako makikita ng mga tao sa labas na umiiyak dito.

Oh, Shiloh. Enough crying. It’s been three years since he broke up with you. Three years na kayong hiwalay, walang communication so, dapat expected mo na itong bagay na ito. Dapat expected mo ng baka may iba na siya. Umasa ka kasi na mahal ka pa rin niya hanggang ngayon kaya hindi niya magagawang maghanap ng iba kahit matagal na kayong magkahiwalay. Umasa kang magkakabalikan pa rin kayo after these years. But the reality is... He’s with someone else already. And he seemed happy with his new girl.

Mas lalong tumulo ang mga luha ko.

Is this my karma dahil sa ginawa ko dati kay Ysolde? Is this my karma because of what I did wrong before? Bakit ngayon pa? Hindi ba puwedeng huwag na akong singilin ngayon? I have sacrificed three years for the man I love. But why do I have to be hurt again now because of him?

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatiling tahimik na umiiyak sa loob ng kotse bago ako nagpasyang ayusin ang sarili ko at umuwi na.

Pagkarating ko sa bahay, nasa sala si daddy at Tito Art pati ang nurse ni dad.

“Hija, what took you so long?” tanong ni daddy.

Hindi ko pa magawang tumitig dito dahil namamaga ang mga mata ko. Paniguradong magtatanong na naman ito sa akin kung ano ang nangyari.

SOLD TO HIMWhere stories live. Discover now