CHAPTER 3

93 9 0
                                    

“ARE you okay, sweetheart?”

Napalingon ako kay dad nang marinig ko ang tanong nito at hinawakan ang kamay ko na nasa may tiyan ko.

Ngumiti ako at tumango. “Yes dad, I’m okay! Kayo po? Hindi po sumasakit ang likod n’yo?” tanong ko rin.

“I’m alright, Princess,” sagot nito. “I’m just excited,” dagdag pa nito at masuyong pinisil ang palad ko.

Bahagya akong tumagilid upang harapin si daddy. Hinawakan ko rin ang kamay nitong nasa ibabaw ng kamay ko. “Me too, dad,” sabi ko. “Excited na rin po ako.”

“Are you sure?”

“Of course, daddy. It’s been three years na rin po na hindi ako nakakabalik sa Pilipinas. And... I’m excited to see Ysolde. Pati na rin ang baby nila ni Hideo.”

“Iba kasi ang nakikita ko sa mga mata mo.”

Unti-unting naglaho ang ngiti sa mga labi ko dahil sa sinabi ni daddy. Nag-iwas din ako ng tingin pagkuwa’y banayad akong nagpakawala ng buntong hininga.

“I know what you are thinking right now, Shiloh,” sabi ni dad.

Hindi naman ako nakaimik agad.

“I know that you are thinking about him—”

“Dad, please! Let’s not talk about him,” agap ko sa pagsasalita ni daddy.

Simula pa man, hindi na talaga naging pabor si daddy para sa relasyon namin noon ni Morgon. Noon ngang nagkahiwalay kami at nalaman ni dad ang tungkol doon, sinabi pa nitong nagpapasalamat daw ito na natapos din ang relasyon naming dalawa. Medyo nasaktan ako sa part na iyon sa totoo lang. Pero hindi ko naman masisisi ang daddy kung ayaw nito kay Morgon noong magkarelasyon pa kami. Alam kasi ni daddy na nasali sa malaking sindikato noon si Morgon—dahil kay Zakh. Ayaw lang naman ng ama ko na mapahamak ako kapag nagkataon.

“Alam kong matagal nang natapos ang relasyon ninyo ng lalaking ’yon. At ngayong pabalik na tayo ng Pilipinas, hindi ibig sabihin n’on ay hindi na ako tututol sa kaniya kung sakaling magkita at magkabalikan kayo.”

“Dad,” sabi ko nang muli akong tumingin dito.

Oh, God! Hindi pa man kami nakakalapag sa Pilipinas, pero heto agad ang iniisip at sinasabi ng ama ko sa ’kin. Kung hindi lamang ako nag-aalala para sa kalagayan nito ngayon, malamang na hindi ko mapipigilang makipag-debate na naman. Alam naman nito noon pa na hindi ako nagpapatalo kapag si Morgon ang pinagtatalunan naming dalawa.

Bumuntong hininga na lamang ako at muling ibinaling sa labas ng bintana ang aking paningin.

Bakit ba iniisip ni daddy ang mga bagay na iyon? E, alam nga nitong matagal nang natapos ang tungkol sa amin ni Morgon. It’s been three years, malabong... Malabong hindi pa rin siya naghahanap ng iba.

Damn it! Bigla akong nakadama ng kirot sa puso ko dahil sa isiping iyon.

Three years, but I’m still in love with him. Hindi talaga ako naghanap ng iba dahil umaasa akong balang araw magkakabalikan din kami. Pero hindi naman sumagi sa isipan ko na... Paano kaya kung naka-moved on na siya at nakahanap na siya ng bagong girlfriend niya?

Oh, God! I don’t think na kaya kong tanggapin iyon kung sakali. Ibig lang sabihin n’on ay hindi malalim ang pag-ibig niya para sa akin kung ganoon lang kadali na papalitan niya ako sa puso niya.

Hindi ko na napansin ang oras. Dahil sa lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

ALMOST thirteen hours ang naging biyahe namin bago nakalapag sa airport ng Pilipinas ang airplane na sinakyan namin.

SOLD TO HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon