CHAPTER 6

90 10 1
                                    

“ARE you okay, Princess?”

Napalingon ako kay daddy nang marinig ko ang tanong nito. Nasa hapag na kami at kumakain ng almusal. Pero dahil hindi ako nakatulog nang maayos sa nagdaang gabi, medyo lutang ang utak ko ngayon. Hindi ko namamalayan na nakatulala na lamang pala ako.

“Huh? Um, y-yes po, dad,” sagot ko at kaagad ding nag-iwas ng tingin. Banayad akong bumuntong-hininga at nagsimulang maglagay ng pagkain sa pinggan ko.

“Are you sure, Shiloh?”

Alright, daddy is serious right now. He doesn’t call me by my name except when he’s angry or serious.

Saglit akong tumigil at banayad na nagbuntong-hininga. “I... I’m not, dad.” Pagtatapat ko rito.

“Why?”

Nang sulyapan ko si dad, nakita ko ang pangungunot ng noo nito habang nakatingin ng seryoso sa akin.

“I... I saw Morgon, yesterday.” Saad ko.

“And?”

And? Should I tell him kung ano ang nakita ko kahapon doon sa shop na ’yon?

Ilang segundo akong tahimik at itinuon sa pagkain ko ang aking atensyon.

“Nagkausap kayong dalawa?”

Umiling ako bilang sagot. “I just... Saw him.”

“Look, hija. Bumalik tayo rito sa Pilipinas dahil sa sakit ko. Dahil gusto kong magpagaling at umayos ang kondisyon ko. Hindi para makipag-ayos o makipagbalikan ka ulit sa lalaking iyon.”

Bigla akong napatingin ulit kay dad. What is he talking? Wala naman akong sinabi na makikipagbalikan ako kay Morgon kaya sumama ako sa kaniya pabalik dito sa Pilipinas.

“I know what you’re thinking right now, Shiloh. Kilala kita.”

“Hindi naman po ako makikipagbalikan sa kaniya dad,” mapait na sabi ko. Naroon na naman ang kirot sa puso ko kagaya sa naramdaman ko kahapon nang makita ko siyang may kasamang ibang babae. “I just saw him yesterday and—”

“And that’s the reason why you cried!”

“Dad—”

“Alam kong hanggang ngayon ay mahal mo pa rin ang lalaking ’yon. But I’m telling you, Shiloh... I still don’t like him for you so—”

Hindi pa man nakukumpleto ni dad ang gusto nitong sabihin sa akin ay nagsalita na rin ako. “He’s with someone else dad,” sabi ko. “So you don’t have to say anything about him or about how I feel for him. I admit I still love him, pero dad, may ibang mahal na po ang lalaking ayaw n’yo para sa akin.” Biglang nabikig ang aking lalamunan at halos pumiyok ako dahil sa nararamdaman ng puso ko sa mga sandaling ito.

Oh, God! Until now hindi ko pa rin talaga alam kung ano ang malalim na dahilan ni daddy para tutulan niya si Morgon simula pa man, bukod sa kasama nga siya sa malaking sendikato noon. Pero simula nang maging magkaibigan ulit sila ni Hideo at nang triplets, alam kong iniwanan na rin niya ang ganoong trabaho noon pa man. Nag-focus siya sa kaniyang negosyo na alam kong ngayon ay isa na rin sa mga kilalang negosyo sa Pilipinas, even abroad.

“That’s good to hear.”

Napatungo ako kasabay ng pagpikit ko nang mariin dahil sa sinabi ni daddy. Nasasaktan ako ngayon dahil sa mga sinasabi nito sa akin. Pakiramdam ko tuloy walang pakialam sa nararamdaman ng puso ko ang sarili kong ama. Parang mas gusto pa nitong makita na nasasaktan ako dahil sa lalaking mahal ko.

When I felt the heat in the corner of my eyes, I quickly bit my lower lip to stop the tears that threatened to spill from there.

“I lost my appetite, dad. Excuse me.” Saad ko at kaagad na tumayo sa puwesto ko kahit hindi pa man ako nakakakain.

SOLD TO HIMWhere stories live. Discover now