CHAPTER 10

90 13 1
                                    

I WAS about to open the door to get out of that office, but I saw Morgon was also outside talking to Sasa. I couldn’t hear what they were talking about, but from the way Morgon looks now, I know he’s mad at Sasa.

Oh, God! Why didn’t I read the contract first to find out what company offered me the job? I wish I could have researched who owns it, kahit hindi ako nakapagtanong kay Sasa! At isa pa, nang pumirma ako sa kontratang ibinigay sa akin ni Sasa, hindi ko man lang napansin ang pangalan ni Morgon doon na nakalagay bilang Chairman.

Damn.

Paano na ngayon? Iiwasan ko na nga siya dahil nagpasya na akong mag-move on ako sa kaniya dahil may bago na siyang girlfriend, tapos ngayon heto at magkakalapit pa pala kami dahil sa katangahan ko.

“Oh, Shiloh!” I said angrily to myself and let out a deep sigh.

When I saw Morgon walking back to his office, I hurried back to the sofa. I can’t leave his office anymore because he’s already here. So, I have no choice kun’di ang harapin at kausapin siya.

Mayamaya ay bumukas ulit ang pinto at kaagad na nagsalubong ulit ang mga mata namin. He was so serious. Halatang galit pa rin siya. Nakita ko pa ang pagtiim-bagang niya at ang pagbuntong-hininga niya nang maglakad na siya palapit sa mesa niya.

My God! I missed him so much. Sa loob ng tatlong taong magkahiwalay kami, never na nawala siya sa isipan ko. And before, in times like this—when we were together we couldn’t be separated. We always hug each other, hold hands. He always stares and smiles at me. Pero ngayon, ang sakit lang sa puso na makitang ang lalaking pinakamamahal mo ay hindi ka magawang tingnan man lang ng matagal kagaya sa ginagawa niya noon. Kung sulyapan man niya ako, galit ang nakikita ko sa mga mata niya.

Lihim akong humugot nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere.

“Shiloh!” Lumapit sa akin si Sasa.

I tried to smile to Sasa.

“Um, can we talk outside for a sec?”

“Sure,” sabi ko. Oh, mabuti na lang! Kahit papaano ay makakahinga ako nang maluwag.

Kaagad akong tumayo sa puwesto ko at nagpatiuna kay Sasa na lumabas ng opisina ni Morgon.

“I’m sorry sa nangyari, huh!” ani nito.

“Um, ano ba ang nangyari?” sa halip ay kunwaring tanong ko.

“Nagalit kasi si Chairman sa akin.”

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay. “Why?”

“E, huwag kang mahu-hurt, a!” ani nito. “Nagalit siya sa akin kasi ikaw raw ang kinuha kong model.”

Again, I sighed. I wanted to tell Sasa that I understand and know where his boss’s anger is coming from because he hired me as a model, but I just didn’t. I don’t need to say to him I am Morgon’s ex at hindi maayos ang paghihiwalay namin noon kaya ito nagagalit ngayon.

“Pero kinausap ko na si Chairman na nakapirma ka na sa kontrata at hindi na iyon maaaraming i-void. Unless iuurong niya ang champaign at bibigyan niya ako ng sapat na panahon para maghanap ulit ng bagong model.”

Yeah, alam ko ang tungkol sa process ng kontrata once na nakapirma na. Iyon nga rin sana ang gusto kong mangyari kasi ayaw kong makatrabaho si Morgon. Because I’m sure daddy will be angry with me if he finds out I’ll be working for Morgon’s company for a month—but there’s nothing I can do. Propisyonal na makikipagtrabaho na lang ako sa kaniya para wala na siyang masabi pang iba. Baka mamaya ay sabihin niya na naman sa akin na ini-stalk ko siya kaya pati hanggang dito sa company niya ay sinusundan ko siya.

SOLD TO HIMWhere stories live. Discover now