CHAPTER 11

103 11 2
                                    

“WHY are you crying?”

Napapitlag ako nang marinig ko ang tanong ni Morgon. Sunod-sunod akong kumurap at nakita ko siyang nakatayo pa rin sa harapan ko.

Oh, I thought... He kissed me. Nag-i-imagined lang pala ako na hinalikan niya ako.

And when I felt my tears flowing down both my cheeks, I suddenly raised my right hand and wiped it away. I didn’t realize that I was in tears earlier.

Damn.

I can still feel the pain in my heart. Jesus! Why do I have to be hurt like this? Why do I have to go through this pain? Do I deserve this pain I’m feeling right now?

Nanginginig ang katawan ko na nagpakawala ako nang malalim na paghinga at mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya.

“Miss Fuentes—”

“Excuse me.” Mabilis na saad ko at kahit nanlalambot pa rin ang mga tuhod at binti ko, I immediately stepped out of his office. I didn’t pay attention to him calling my name. Dire-diretso akong lumabas.

“Hi, Miss Shiloh! Puwede po bang magpa-picture?”

Nang makita kong nag-aabang sa paglabas ko ang mga empleyado ni Morgon, mabilis akong ngumiti at sinupil ang sarili ko. Sana lang talaga at hindi nasira ang makeup ko dahil sa pag-iyak ko kanina. Nakakahiya kasi kung makikipag-selfie ako sa kanila tapos ang panget na pala ng hitsura ko.

“Sure. Let’s take a selfie,” masiglang sabi ko.

Isa-isa namang lumapit sa akin ang mga naroon at naghihintay sa akin. In-entertain ko naman silang lahat. I love my fans. Because if it wasn’t for them, I wouldn’t have been known and become a famous model. So, wherever I go and when someone recognizes me and wants to take a picture, lahat ay pinagbibigyan ko, basta kaya ng oras ko.

“Come on, Shiloh. Ihahatid na kita sa labas,” wika ni Sasa nang lumapit ito sa akin.

Ngumiti naman ako. “Thank you, Sasa.”

“Thank you po, Miss Shiloh. Good luck po sa photoshoot ninyo bukas.”

Ngumiti ulit ako at kumaway pa sa mga katrabaho ni Sasa bago ako naglakad na at sumabay sa akin si Sasa patungo sa elevator.

THE NEXT MORNING, I went back to VMI early again for my photoshoot schedule. Ang sabi rin kasi sa akin ni Sasa kahapon bago kami naghiwalay, may partner din pala ako sa photoshoot na ito at ngayon ko makikilala.

“Good morning, Shiloh!”

“Good morning, Sasa!” nakangiting bati ko rin dito.

“Let’s go sa function hall. Naroon na ang team natin. Pati ang partner mo.”

“Alright,” sabi ko at sumunod na rin ako rito.

May PA na ibinigay sa akin kahapon si Sasa kaya iyon ang may bitbit ngayon sa mga gamit ko para sa photoshoot na ito.

Pagkarating nga namin sa malawak na function hall, naroon na ang mga kasamahan namin at puro busy na ang mga ito sa pag-p-prepare para sa first day of photoshoot. Our photoshoot will happen in a month because there are also videos to be made for video advertisement planned by Morgon’s company. Sasa also gave me the script needed for the video, so I studied it when I got home yesterday. That’s not a problem for me and I can memorize easily and somehow I know how to act. Excited na nga rin ako para doon, e!

“Come here, Shiloh. Nandito si Mr. Benedict.”

Sumunod ulit ako kay Sasa papunta sa magiging puwesto namin. Naroon na rin ang mga makeup artist na mag-aayos sa akin.

SOLD TO HIMWhere stories live. Discover now