Chapter 3: Commander

5 0 0
                                    

"ISANG lalaki natagpuang patay sa ilog malapit sa lupa ng pamilyang Ferrer." Sabi ng babae sa news. Nandito kami sa Kitchen ina-antay si Grandpa na bumaba. Ang tagal na kasing maglakad ng matandang yun kaya konting tiis lang gutom. And speaking of my kuya, nasa harap ko siya katabi ko kasi si mommy while si kuya katabi niya si daddy. "Steven, Sky, hindi niyo ba babatiin si grandpa?" Bungad ni grandpa sa harap ko kaya napatili ako sa gulat.

"Scaredy-cat." Bulong ni kuya. "Tumahimik ka diyan kuya." Saway ko sakaniya. "Tama na yang bangayan niyo kumain na tayo. Masarap tong nakahain sa lamesa natin ah. Sinong nagluto?" Grandpa asked and I raised my right hand. He chuckled and said "Good. Very good. Keep it up apo, bakit ngaba hindi culinary ang kinuha mong course you could have studied abroad. Pwede sa Auguste Escoffier School of Culinary Arts, USA o dika sa France. Total mahilig ka namang magluto." Eto nanaman tayo, lolo kong paladesisyon ng buhay ng iba.

"Grandpa, hobby ko lang ang pagluluto ang gusto ko maging artista pero alam kong tutol kayo kaya nag Business Addministration nalang ako, iniisip ko kasi baka matuwa kayo pag yun ang kinuha kong course." I explained and he nodded. "Good decision, hindi gaya ng isa gagawa ng decision palpak naman." Agad namang nagsalita si daddy.

"Pa, patay na si Solene. Kalimutan mo nalang yung kamalian niya, wala na tayong magagawa diyan ih. Nandiyan na, hindi na natin mababago yan." My dad sighed. "Alright. Steven apo, kailan ka ba magpapakasal?" Agad namang napaubo si kuya kaya napatawa ako ng palihim. "Grandpa wala pa sa plano ko ang mag-asawa." He replied. Oh really kuya? Sino yung girl na kasama mo last week? Hmm... Something is fishy.

"No. Steven. Listen to me, malapit na akong mamatay. My only wish before I die is to have a great-grandson." Great-grandson mo yang mukha mo Lo, 25 pa si kuya ang aga pa. Ayoko pa magkaroon ng chikiting dito sa bahay. "Grandpa malamig na yung pagkain kain na tayo." Singit ko dahil alam ko ilang minuto nalang at sasabog na si kuya. Short-tempered kasi tong kuya ko ih daig pa ang babae.

"By the way Grandpa, I think the family Ferrer did kill the man. Did you hear the news?" Kuya asked while getting the viand near him. "Yeah, but we don't have anything to do with their mess. It's their own mess that should be cleaned themselves." He replied and stayed silent for the rest of the time after that.

WE are currently here sa canfeteria ng school namin because may klase malamang. May babaeng lumapit sa table namin at ngumiti ito kaya napataas ako ng kilay. Masyadong feeling close itong isang to ah.

"Jully, kumusta? Ikaw ha others ka na ha. Hindi mo na ako nakikilala, ako to si Nes Caitrin Roswel. Helloooo, ako to yung artista mong classmate nung High School." Bati niya sakin and to be honest hindi ko talaga siya nakikilala agad. Like, I just realized that siya pala yung palaging binubully dati dahil palaging antagonist yung roles niya sa mga palabas niya. Kahit ano mang ganda niya binabash parin siya ng mga kaklase namin dati.

"Wow! Nes ikaw na pala yarn? Ay bhe bet ko yang make-up mo. Sino may gawa niyan pwede kong mahiram sandali?" Tili ni Angela. "Wala paring nagbago sayo Angela. Well, let me introduce my make-up artist slash bff. Sorcha Yvaine Preobrazhensky." Inakbayan niya ang magandang babae na nasa likod niya. I think she's Filipino-Rusian dahil makikita mo lang talaga sa physical features niya. Agad niya namang siniko si Nes at napatawa lang ang kaibigan. "Make-up artist? Baka blinackmail mo! Hanep mo Cai. Ginawa mo pa talaga akong PA mo."

"Um, excuse me. Ms. Sorcha Yvaine Preovrazenski?" Nalilitong saad ni Angela. "Sorry, but its Preobrazhensky. Pero wag na yung last name ko alam kong nakakalito kaya Yva nalang." She smiled elegantly. "Gagi, bes ang ganda." Bulong ng babae sa kabilang table. "I like you guys na come join us." Rebecca invited them sa table namin kaya umupo sila. "Nakakahiya naman sa inyo." Yva said in a low voice. "Wag ka nang mahiya girl kami lang to." Elise said while opening her soft drink.

SQUAD SERIES 1: SECRET [COMPLETED]Where stories live. Discover now