Chapter 16: Saved Or Not?

1 0 0
                                    

NAGISING ako sa sobrang ingay ng paligid. Ng idilat ko ang mga mata ko ay kulay itim lang ang nakikita ko. Hindi ko magalaw ang mga kamay at paa ko dahil nakatali ako sa upuan. Naririnig kong humihikbi si Sylvia sa tabi ko. Sinisubukan kong pakawalan ang sarili ko pero mahigpit talaga ang pagkakatali sakin. "Pre gising na ang mga bisita." Sabi nung nagkidnap samin. "Oras na para pahirapan tong mga to." Naramdaman kong papalapit sila samin. "Wag niyo akong hawakan." Sigaw ni Sylvia kaya naging aktibo ako. "Bitawan niyo siya ako nalang yung saktan niyo wag lang siya." I said kaya lang pinagtawanan lang nila ako.

"Sige dahil matapang ka ikaw yung uunahin namin. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mong tiisin." Pinakawalan nila ako sa tali ko at kinaladkad. Iginapos nila ako sa isang pole. Wait a minute pole?! Tangina sa sobrang dami ng pwedeng gapusan sakin sa pole pa talaga. Tinggal nila ang panyo na nasa mata ko at nakatakip ang mga mukha nila. Malalaki ang mga katawan, makikita mo talagang mga walang ibang ginagawa sa buhay kundi ang tumambay. "Yung buntot pagi bilis." May kinuha yung isa na mataas na stick at binigay sa nag-utos. "Pag ako nakalabas dito mananagot kayo sa korte." Mas lalong lumakas ang tawanan nila sa sinabi ko.

"Kung kaya mo kaming takasan." Sabi niya sabay hampas sakin nun. Shit! Ang sakit, never akong nahampas ng stick yung stick na sobrang sakit isang hampas lang dumudugo na agad yung katawan mo. Iniinda ko lang yung sakit syempre strong girl to ih. Pero iba talaga tong buntot pagi nila sobrang sakit diko na kaya kaya sa panganim nila na hampas napasigaw ako sa sobrang sakit. "Ano ka ngayon panganim pa lang yun mukha ka ng susuko." Sige lang tumawa lang kayo.

"Sa tingin mo ba kaya akong patayin ng stick na yan! Never!" Dinuraan ko siya kaya mas lalo niyang nilakasan ang paghampas. Tinanggalan nung isa ng takip ang mata ni Sylvia. "Tingnan mo kung paano ko papahirapan tong kasama mo. Pagmasdan mo ang gagawin ko sakaniya." Tumatawang sabi niya habang ako ay sigaw ng sigaw bawat hampas ay nakita kong iyak ng iyak si Sylvia na nakakita sa pinagdadaanan ko ngayon. Natamaan ng stick yung wrist ko sobrang hapdi pero masaya ako dahil natamaan nito ang on ng tracker. Siguro naman mahahanap na kami ni kuya nito. "Sumuko ka nalang mukha ka ng papel." Bulong nung isa pero hindi ko siya pinansin. At sa pang labing-walong hampas ay nakaramdam ako ng pagkahilo kaya ayun nawalan ako ng malay.

"HERE it is. Na track ko yung tracker na sinasabi ni Keimoni." Masayang sambit ni Jake. Kaya agad akong lumapit sa kinaroroonan niya at lumapit din si Hanz mas mabilis pa kay Flash yung lakad niya. "Nasa lumang building siya nang nasunog na hotel ng LJ's." LJ's? Familiar siya pero uunahin ko muna si Sky. "Let's go." Agad na tumakbo si Hanz palabas kaya sumunod kami. Sumakay kami sa Van ng Black Eagles, grupo ni Hanz.

"Nasa 4th floor siya and we are lucky dahil 3 lang ang nandun." Thank God pero mapanganib parin alam ko yung bawat sasabihin ni Sky sa mga ganitong situation. Gagawa siya ng paraan para iritahin ang taong yun. "We better hurry up." Sabi ko at tumango si Hanz. "Hey! Drake drive faster." Agad namang pinabilis ni Drake ang pagpapatakbo ng Van at eto kami ngayon hilong-hilo. Pagkababa namin ay sumusuka si Dexter yung  kambal ni Drake pati na din si Jake ay sumusuka rin. "Sabi ni Hanz drive faster." Sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay ng makitang ang lalagkit ng tingin namin sa kaniya. Si Hanz ay hinihilot niya ang kaniyang nuo sa sobrang hilo.

"Tara na baka puro bangkay ang maabutan natin dun." Sabi ni Tristan at naunang pumasok sumunod naman si Hanz. "Mga gago antayin niyo ako." Napailing ako at hinila si Jake. Tumakbo kami hanggang 4th floor at padabog na binuksan ang bawat sirang pinto. Pagkabukas namin ni Hanz sa pinto na nasa harap namin ay nagulat ako sa nakita. Si Sylvia ay nakagapos sa upuan at umiiyak. Si Sky naman nakagapos sa pole at walang malay na punong-puno ng pasa. Sobrang putla ng mukha ng kapatid ko ngayon.

"Mga gago! Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo!" Pinagsusuntok ko sila ngayon hindi ko dala yung katana kasi nagmamadali ako. Patakbong pumasok sina Hanz at tinulungan ako ng ka grupo niyang bugbugin ang mga gagong to. Pinaubaya ko sakanila ang mga kidnapper at nilapitan si Sky. "Let me Steven at least once I can do something good for her." Kahit naguguluhan man ay tumango ako at pinaaubaya si Sky sakaniya. Nilapitan ko si Sylvia at pinakawalan sa pagkakagapos. "Sino yun kuya?" I patted her head and smiled. "In denial na secret admirer ng pinsan mo."

Napasinghap siya at tumawa ako. Buhat ni Hanz si Sky ngayon at dahan-dahan lang dahil may madaming pasa ang kapatid ko. "Bakit madaming pasa si Sky? Anong ginamit nila?" Tanong ko na ikinalungkot ng mukha ni Sylvia. "Buntot pagi yung gamit nila kuya. Nakailang hampas din si Sky kasi sumasagot sagot siya kanina." Sinasabi ko na nga bang sasagot siya ih. "Let me deal with those three later. Ako na ang bahala." She nodded at sumunod kami kina Hanz. Nasa likod namin sina Drake at mahigpit niyang hinahawakan ang pinakamalakas sa tatlo. While those two ay nakay Timothy at Anthony.

"Jake find a nearest hospital." Utos ni Hanz kay Jake. May pinipindot siya sa phone niya and then grinned. "Sixteen meters away lang naman siya Hanz." Papasok na sana si Drake sa driver's seat pero pinigilan siya ni Hanz. "We have an unconscious passenger." Paalala niya and Drake just chuckled. Dalawang Van ang dala namin dahil hindi kasya ang dami kaya nila labing-dalawa ang miyembro ng Black Eagles so need ng dalawang Van kung gusto niyo ng maluwag na space sa loob ng Van.

"DOC. please save my sister." Sabi ko sa doctor na dumating. "Don't worry sir we will definitely do our best to save her." Nakita kong iling ng iling si Dexter. "Ang overacting mo masyado kuya Steven number one. Hindi naman siguro mamamatay ang kapatid mo sa pasa." Gago ba siya! Buntot pagi yun. "Are you insane? They used stingray's tail to hurt my sister Dexter! How can I calm down?" Nakakafrustrate na talaga agad namang nagsorry si Dexter.

"Next time say something good." Tanging sambit ni Hanz dahil sa kahiyaan na dulot ng kaibigan. "Tama na yang pagtatalo niyo. Magagalit si Sky kung malalaman niyang pati ang sa pag-aagaw buhay niya ay nag-aaway kayo." Singit ni Sylvia kaya napataas ang kilay ni Travis. "Wag makialam sa mga taong hindi mo pa kilala. Do you want to be dead?" Tangina pinsan ko yan Travis kung di kalang kaibigan ni Hanz kanina pakita sinuntok. "Ano namang meron dun? Respeto naman kayo sa pinsan ko oh. Nandon siya sa loob oh hindi natin alam kung kailan siya makakaligtas." Tumulo ang luha niya kaya pinunasan ko iyon gamit ang thumb ko. "It's okay Sylvia. My sister is strong, you believe in God right?" I asked and she nodded in response. "Then, go to the prayer room and pray for Sky." Tinuro ko ang lugar kung nasaan ang prayer room at tumayo siya para puntahan iyon.

"Steven number two pakisundan si Sylvia mabuti ng sigurado na safe siya dun." Sabi ko at agad naman tumayo si Steven. We are both Steven pero we have different last names, mine is Bartolome while his was Fredirico. Tama na ang chika tungkol sa mga batang to. Eto ako ngayon walking back and forth sa sobrang kaba. First time kong maranasan to kay Sky. When she was still younger sobrang higpit ko sakaniya kaya never siya nakakaranas na maospital. Nasanay rin ako na palagi siyang malakas na hindi niya kailangan ang tulong ko sakali mang may mangyari na masama.

SQUAD SERIES 1: SECRET [COMPLETED]Where stories live. Discover now