Chapter 10: A Pink Present

2 0 0
                                    

"ANONG chika mo ngayon Sky at bakit may benda nanaman yang kamay mo?" Tanong ni Angela na sinang-ayunan naman ni Rica. "Yes, balita ko may pinsan ka daw." Ang bilis naman niya maka kalap ng impormasyon. "Yah, pero atin lang muna yun. Ayaw ireveal ni lolo na may apo siya sa bunsong anak niya kasi nakakahiya daw." Totoo tong mga pinagsasabi ko ha walang halong joke si Grandpa may sabi nun.

"O my goodness Sky! Anong ginawa mo sa kamay mo at bakit may benda yan?" Gulat na tanong ng kakadating na Caitrin at Yvaine. Nasa court kami ngayon ng school chinicheer si kuya Calyx sa practice nila. Todo practice na yan ngayon matapos silang matalo sa mga gunggong na yun. "Hindi ba obvious Cai? Malamang sinaktan niya nanaman ang sarili niya." Rica rolled her eyes and ate her chips.

"What happened?" Yva asked and sat beside me. "Satin na muna to ha. Dumating kasi yung pinsan ko galing probinsiya. Anak siya ng tita Solene ko kapatid ng daddy ko, pero hindi ko siya matanggap kasi may dugong criminal siya. Her dad was a murderer sabi ni lolo ang daddy niya ang pumatay kay tita kaya kinakasuklaman namin ang tatay niya. Since, dugo ng criminal na yun ang nananalaytay sa mga ugat niya, nahihirapan akong tanggapin siya kaya pinagtatabuyan ko nalang ang pinsan ko." I explained and they nodded. "I understand you Sky pero naaawa ako sa pinsan mo. She was innocent on her father's deeds. Hindi niya naman kasalanan ang pagkamatay ng mommy niya diba? Bakit hindi mo siya tanggapin?" Ani ni Cai kaya napatango ako sa idea niya pero may hadlang parin.

"What if namana niya ang attitude ng father niya? Edi madadamay kaming lahat na kasama niya sa mansion? No way hindi ko papalampasin yan. Isa pa ayokong may kasama kaming may dugong kriminal sa mansion." Ayan na inamin ko na ang totoo. Hinampas ni Rica yung ulo ko, sa sobrang sakit ay napa aray ako ng wala sa oras. "Gaga! Matalino ka nga pero sobra naman yang mga iniisip mo." Ani niya habang inaaayos ang buhok niyang lumipad when the wind blew. "Putangina mo naman Rica! Masakit kaya yung hampas mo. Ikaw kaya yung hamapasin ko sa ulo. Pag yang si Sky naging bobo kasalanan mo yan. Lagot ka kay lolo Sebastian." Biglang tumayo si Elise para bigkasin ang mga salitang yon.

"Ang sabihin mo sipsip ka kay Grandpa." Rebecca said while eating a donut. "Shut up Rebecca Salvador." The two of them rolled their eyes on each other. "Full name mo na bhe nakakahiya naman sayo." Sagot ni Rebecca kaya nangigigil na sinabi ito ni Elise. "Rebecca Mu Salvador! Shut your mouth or else itatapon ko yang kinakain mo!" Yan ang mangyayari sayo kapag ginagalit mo ang isang Elise Ale Gonzales. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang Ale nila ni kuya Eric wala naman sa mga libro yan pero lolo niya daw nagbigay ng name na yan. "Tama na yan mga bata. Nandito kayo para i cheer ang kuya Calyx niyo. Bakit kayo nag-aaway sa harap ko ha?" Sulpot ni kuya Calyx kaya tumili si Yva.

"Bessie pigilan mo ako please baka landiin ko to ng wala sa oras." Sabi ni Yva habang hinahampas sa balikat si Cai. Iba din tong isang to ih. Umiling si kuya Calyx at umupo sa tabi ni Yva kaya mas lalong naging malandi yung gaga. "Yva pwedeng later na yang landi? Please lang." I said kaya tumigil siya at umayos. "So ano yan? Ano nanaman dahilan diyan?" Kuya pointed my hands na may benda kaya tumawa ang mga kaibigan ko. "Hays kuya sinuntok ba naman niyan ang punching bag ni kuya Ven ng walang gear." Saad ni Angela habang tumatawa kaya napatawa din si kuya Calyx.

"Sky, alam mo naman sigurong masasaktan ka sa punching bag na yon diba? Bakit hindi ka nagsuot ng protective gear yan tuloy may benda ka ngayon." Sige tawa lang kayo diyan kahit hindi naman nakakatawa.

ATTENTION STUDENTS. TODAY IS THE CELEBRATION FOR THE OWNER'S DEATH ANNIVERSARY. IN ORDER FOR THE ROBERTSON FAMILY CELEBRATE OUR DEAR MR. PETER ROBERTSON'S DEATH THEY WOULD LIKE TO DO IT HERE INSIDE THE CAMPUS. HENCE, THE CLASSES FOR TODAY WAS CUT.

Anunsyo ng Dean namin kaya napahiyaw ang mga tao dito sa court except kay Rica na malalalim ang iniisip. "Rica maiwan ka na namin ha. Uwi na kami." Sabi ni Angela at nagbeso kay Rica. Speaking of Rica ngayon ay pinipilit niya sarili niya na ngumiti. "Bye Rica. You can do it." Nakipagbeso ako sakaniya at binulong ang you can do it. Agad naman siyang ngumiti at umalis na ako papuntang gate para antayin ang driver. Nagring ang phone ko sa bag kaya nilabas ko ito at sinagot ang tawag.

"Maam, nalabhan ko na po yung puting suit na dala niyo nung nakaraang lingo. Pinadala ko na po kay Vik." Sabi ng inutusan ko na labhan ang suit na hindi ko namalayang suot suot ko pala. Kilala ko kung sino ang may ari nun kaya ako na mismo magsasauli niyan. Alam ko naman kung nasan ang paaralan ng gunggong na yun sinabi ni kuya sakin. "Yaya, pakisabi kay mommy na mamayang hapon na ako uuwi." I said at agad na binaba ang phone.

Sakto namang kakadating lang ni manong Vik kaya agad akong pumasok sa kotse at nakita ang pink paper bag. Pink?! Ang gaga talaga ng yaya ko! Hindi naman sakin yung paper bag nayan! Kay mommy naman yan ih! Hays bahala na nga. "Manong sa MOONLIGHT UNIVERSITY tayo. May isasauli lang ako." I said and manong Vik nodded. Moonlight University is a prestigious school here in the country gusto nga ni kuya na don din ako mag-aral gaya niya nung nag-aaral pa siya pero tumangi ako kasi ayaw ko ng mga maaarte at heto ako ngayon papasok sa isang prestigious school na may maraming demonyo.

Kakababa ko pa lang sa ground nila ay napa-awang na ang labi ko sa sobrang laki ng school nila. Nakita ko ang kaibigan ng gunggong nayun na nakasandal sa isang mamahaling sasakyan. Ng makita niya ako ay agad siyang lumapit sakin. "Hi! Mabuti naman at nandito ka na kanina pa kita ina-antay. May topak kasi ang kaibigan ko pina-antay ako sayo pero ang ending." Sabi niya habang nalulungkot. "Ilang oras ka bang naghintay?" I raised my brows at agad siyang umakto na parang baklang nagrereklamo. "Nako mabuti naman at tinanong mo. 5 oras ba naman akong pina-antay sayo dito." What?! 5 hours! That's insane.

"Such a pity. Nasan yang gunggong mong kaibigan ng masauli ko na tong gamit niya." Agad siyang naglakad at sumunod ako sakaniya. Bawat hallway na madadaanan namin ay may maraming locker parang sa universities lang sa America pero sobrang linis lang ng lugar na to. May mga naglalaro sa soccer field nila, may isang nerd na naglalakad patungo samin at binati tong kasama ko. "Dexter! Nasan na yung kambal mong may utang sakin?" Nag fist bump sila at sumagot itong kasama ko. "Hindi ko alam Kendrick una nako may bisita kasi si Earl lagot ako pagdikoto ihatid kaagad. " Kaya tumango naman yung Kendrick at umalis na may dala-dalang bola. Familiar siya. Wait. Siya kaya yung ibig sabihin ni Isabella? Impossible.

Dumating kami sa Student Council's office. "Nasa loob si Earl kanina pa yan naghihintay sayo." He said then left. He made his last words sound so gross. Dahandahan kong binuksan ang pinto at nakita ang napakaluwag na opisina nakita ko ang gunggong na nakaupo sa couch sa gilid nagbabasa sa magazine. "Close the door." Malamig niyang saad. I closed the door and sat in the chair infront of him. Agad kong nilagay sa table ang paper bag na ikinalingon niya.  "I didn't expect you to bring a present for me. Am I that handsome for you to be in love at me in just the first meeting?" Napangiwi ako sa sinabi niya.

"Assumero. Isasauli ko yang suit mo ayokong nakikita yan sa bahay." He chuckled at nilagay ang magazine sa table. "Pink paper bag huh?" Gago! Sarap kurutin ng isang to! "Wala akong pakialam basta ang sakin na sauli ko na ang gamit mo babush." Agad akong tumayo at lumabas. Moron! Napakamahangin niya nakakairita!

SQUAD SERIES 1: SECRET [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt