Chapter 29: Bloody War ( Part 2 )

0 0 0
                                    

"STEVEN on your left." Sabi ni Jake kaya naghanda ako sa pag-atake. Nakarinig ako ng yabag papunta dito kaya hinawakan ko ng mabuti ang dala kong katana.

Agad kong tinapon sa puso nilang dalawa ang dala kong katana at dali-daling hinugot ito dahil may paparating na tatlo.

Mas binilisan ko ang kilos ko para hindi ako madaplisan ulit dahil malalagot ako kay misis. Tama na daw yung nakita niya hindi na daw dapat pa madagdagan yun.

Nagtago ako and waited for them to pass by. I attacked them at the back kasing liksi ko na si flash ngayon.

Humahangos na nagsalita si Dexter. "Gagong mga ugok yun ang laki-laki ng katawan ang kukupad gumalaw."

"Really Bodhi? Bakit ka hinihingal?" Tudyo ng kakambal nito na si Drake. "Owh shut up Drako or you want me to spill some beans about Rebecca?" Pikon na sabi ni Dexter kasabay ng pagkunot ng nuo ko.

"Anong meron sa pinsan ko Drako?" Agad namang tumikhim si Jake. "Nagbayad lang naman siya sakin ng—"

"Shut up Jake Sison. Baka akala mo hindi ko alam ang pagiging stalker mo kay—" Ano bang meron sa mga to at may mga lihim na binabato sa isa't isa?

"Itikom mo na yang bibig mo Drako at ganon din ang gagawin ko." Feeling ko there is something wrong with these two.

"Devil on your right." Travis finally spoke. I heard Hanz grunting on the other line. "Those bastards are cheaters!" Singhal niya kay Travis.

"Well, expected na yan dahil galing ang mga yan sa kulungan. Becareful with the man who have a mustache he is the strongest of them all. If mag-isa kayo hindi niyo kakayanin yan, feeling ko kakayanin yan mag-isa ni Drako since malakas rin naman siya." I heard Dexter groan.

"Wag niyong puriin yan mas lalong lalaki ang ulo niyan." I laughed he was brutally honest.

"Nakita mo na ba sila?" Travis asked. "Not yet magaling magtago ng hostage ang mga to o baka may nagpipigil lang satin na malaman kung nasan sila." Jake responded.

"Search every room." Hanz said at nakarinig ako ng kaluskus sa kabila. "Mga unggoy! Anong kala niyo sakin mahina?! Di porket maliit ako madali akong mapatumba!" Anthony was shouting. Sakaniya pala galing yung kaluskus na yun.

"LakeK someone's approaching in your direction." Jake sounded horrified. "Why? Is there something wrong?" Blake asked. Hmm, ano kayang meron?

"The guy with a mustache is incoming LakeK." Shit! They mentioned earlier that this guy is the strongest how can Blake defeat that man alone? As far as I know Blake is the weakest in hand-to-hand combat of Hanz's team. "Wait for me LakeK I'm going to save you." Tumatakbong saad ni Drake.

"Make it fast Drako malapit nang maubos ang bala ng baril ko." Nakikipagbarilan pala si Blake ngayon. He might be weak physically but he is one of the best marksman in his team.

Busy ako sa paghahanap at nahagip ng mga mata ko si Timothy na babarilin na sana sa likuran ng kalaban pero inunahan ko ito. I attacked him at the back agad namang lumingon si Timothy.

"Thank me later. Inuman at pulutan ang bayad." Ngumiti ako ng nakakaloko na ikinailing lang nito sakin.

Naghiwalay kami ng landas at nagulat ako sa nakita. Blake was fighting hand-to-hand combat with a man stronger than him. Tinakbo ko ang pagitan namin na parang si flash. Nasaan ba kasi si Drake?

Ang tagal dumating ng loko. I used all my strength to attack pero sinasalo niya bawat suntok ko sakaniya. Hindi siya natitinag sa bawat malakas na suntok na binibigay ko sakaniya.

Sinuntok nito si Blake ng napakalakas sa tiyan dahilan kung bakit ito lumipad at hindi makatayo. Shuta ako nalang ang natira! Mas bumilis at lumakas ang bawat suntok ko pero wala paring effect sakaniya.

SQUAD SERIES 1: SECRET [COMPLETED]Where stories live. Discover now