Epilogue

1 0 0
                                    

After a series of sessions sa Psychiatrist okay na medyo si Elise at nandito kami sa Bartolome Airlines para ihatid siya and to say goodbye. She is going to leave the country hindi pa naman halata ang tiyan nito kaya ayos lang na bumyahe siya mag-isa.

Pupunta siya sa France with a new identity of course para if ever hanapin siya ni Anthony ay hindi siya mahanap. Naninigurado kasi si kuya Eric para sa safety ni Elise lalo na't mag-isa lang siya dun.

Mayroong friend doon si kuya Val sa France na makakatulong kay Elise sa trabaho and everything basta girl ito. Hindi ko na inalam ang name nito basta safe lang si Elise okay na.

"Have a safe trip Elise." Sabi ng boyprend ko habang naka-akbay sakin.

"Thank you Hanz. Alagaan mo kaibigan ko ha. Pagsinaktan mo yan totodasin kita." Biro nito.

"Pero seryoso take care of yourself. May baby ka na. Chat ka agad sa gc kapag nasa France ka na." We hugged at umiiyak nanaman si Elise.

Kaming lahat ay nagpaalam sakaniya tita is waving her hand while crying in tito's arms.
Last complete group picture is taken here. Saying goodbye to a friend really hurts. Pero this is for her own good.

Hanz told me na Anthony is also a mess. Inom lang daw ng inom pero galit ako sakaniya. Dahil sakaniya nagkandaletse-letse buhay ni Elise.

"Sana maayos lang ang buhay niya sa France." Sabi ni Angela kaya tinapik ko ang balikat niya. "Magiging maayos siya doon sa France alam mo namang pangarap niya maging fashion designer right?" Tumawa ito.

"Yeah. She keeps on bragging that dati. Mamimiss ko ang kakulitan niya. Mature na ang crybaby namin." Rica said while wiping her imaginary tears

"Alis muna kami ni Hanz girls." Agad naman silang nagsireklamo. "Sige na go! Pinapamukha mo samin na single kami ih! Chupe na!" Tinutulak kami ni Angela paalis kaya tumatawa kaming umalis ni Hanz.

"Your friends are adorable sweetheart." Adorable? Anong adorable dun?

"HI pinsan. Sorry ngayon lang ako nakadalaw busy kasi ako kay Elise. May nangyari kasi pinsan pero don't worry ayos na si Elise. Nagbalik na ang genuine smile ng babaeng yun. Alam ko sa lahat ng friends ko pinakaclose ka kay Elise kaya don't worry she is fine now." Sabi ko habang tinitingnan ang puntod ni Sylvia Bartolome.

"Don't worry Sylvia I will taka care of your cousin." Hinalikan niya ako na nuo.

FOUR YEARS LATER

"Hennessy Scheherazade Bartolome Sy! Sabi ng wag kang tumakbo." Bulyaw ko sa anak kong makulit. Nakikipaglaro kasi siya sa kuya Jasper at ate Amber niya na anak nina kuya. Pati na rin si Eyre ay nandito.

Kakagraduate ko lang two years ago ng magpropose tong asawa ko. Tapos minadali niya pa ang kasal di makahintay. Yung iba kong kaibigan ay enjoy na enjoy pa sa buhay single nila dahil broken sila. Sila na ang bahala magkwento sa buhay nila.

Nandito kami ngayon sa beach dahil trip ng mga bata at mga kaibigan ko sumama talaga mga walanghiya. Ang family bonding naging barangay bonding sa dami namin.

Ka call namin ngayon si Elise na naging fashion designer nga sa France ang sikat na ng kaibigan ko at proud ako dun. Ako na ang naging Ceo ng Collins Empire at Chairwoman sa Salvador's Chains of Resorts. Si Rebecca ang Ceo ng Salvador's kasi deserve niya yun.

"Ang daya niyo nag bonding kayo ng wala ako." Elise pouted kaya tumawa si Angela. "Umuwi ka na daw kasi." Yeah apat na taon ng hindi umuuwi si Elise.

Si Anthony hinahanap-hanap ang kaibigan ko pero wala ni isa samin ang nagsalita gaya lang ng promise namin kay Elise na never sabihin kay Anthony kung nasan siya. Pati mga kaibigan nito ay tikom din ang bibig dahil sa utos ng asawa ko.

"Hindi pa pwede kasi yung career ko dito diko maiwan. Wah si Essy ba yan? Hi baby do you miss me?" Tili nito ng lumapit ang anak ko sakin at kumandong.

"Hi mami Elise uwi na po kayo." Ngumisi lang si Elise. "Soon baby. Ma me-meet mo na si insan Star." Nickname yan ng anak ni Elise.

Estelle talaga name ng anak niya gaga lang tong kaibigan ko gusto ng mahirap na name.

"How's France? Hindi ka ba na bobored diyan? Alam mo bang miss na kita." Nakasimangot na sabi ni Rica.

"Rica uuwi ako soon." Palagi niya nalang yan sinasabi malapit na siyang maglimang taon sa France.

"Nabalitaan ko na nagmerge ang Salvador's Chains of Resorts at Ivanov Groups of Companies. Congratulations sa success Sky. Pakisabi nalang sa asawa mo na padadalhan ko ng regalo si Essy na under sa name ni Star. Sabi mo nagdududa na si Anthony sa padala ko kay Essy under the name Astrid kaya kay Star na lang." Umirap ito. Galit parin talaga siya kay Anthony.

"Sure. Baby say thank you to mami Elise." Ngumiti naman ng napakatamis ang anak kong si Essy. "Thank you so much mami Elise. I love you muah."

"I love you too baby Essy." Agad naman nagpakita sa screen ang anak ni Elise na manang-mana sakaniya ang mukha kay Anthony nga lang ang attitude.

"Maman is mine insan Essy." Maktol nito dahil nagseselos siya sa pinsan. "I'm not stealing your maman ate Star. I have my mommy Sky over here." Pagkasabi niya nun ay hinalikan niya pisngi ko at naglambitin sa leeg ko.

"Baby you're too heavy for mommy na dun ka kay daddy oh. Look at him, he is playing with ate Eyre." Tinuro ko ang asawa ko na nakikipaglaro sa dagat kay Eyre.

Nag-inuman sina kuya at kuya Val doon sa kabila ayaw niya sumali kasi siya daw ang magdra-drive mamaya. Isa pa magrereklamo anak namin dahil mabaho daw hininga ng daddy niya HAHAHA.

Naaalala ko pa ang araw na umuwing lasing si Hanz tapos si Essy ang nagbukas ng pinto. Agad nalukot ang mukha ng anak ko ng buhatin niya ito kasi mabaho daw si daddy niya.

"Okay mommy. Daddy! Catch me." Sigaw nito kay Hanz. Agad itong tumalon sa dagat mabuti at mabilis ang reflexes ng asawa ko.

"Elise, ano nanaman ba yang regalo mo kay Essy? Nung una niregaluhan mo ang bata ng sandal kahit wala pang one year old. Ngayon ano nanaman yan?" Naniningkit ang mata na tanong ni Isabella kay Elise.

Elise just grinned. "My newly designed outfits that can fit four seasons. There is an outfit for summer, spring, autumn and winter—" Gaga talaga anong four season? Two seasons lang meron dito sa Pilipinas.

"Gaga ka! Baka nakakalimutan mong two seasons lang ang meron sa Pilipinas di gaya diyan sa France. May sayad na talaga siguro yang utak mo." Angel said while sipping her juice and enjoying the sun.

"Pasalamat nalang kayo may early birthday gift ako para kay Essy." Ungot nito. My daughter is nearly two years old.

Nagsalita naman si Rebecca habang kumakain. "Lokohan kasi ang style mo sa pagbibigay ng regalo kay Essy kaya nagalit si Isabella. Alam mo naman yang si Isabella when it comes to gifts para kay Essy strikta yan."

"Bye guys. Oras na para magprepare ng breakfast ng anak ko." Elise ended the call.

"Time for lunch everyone!" Sigaw ni Rebecca kaya ang mga naglalaro ay agad na lumapit dito sa cottage namin at nag-uunahan na kumuha ng plato.

"Dahan-dahan lang naman kayo may mga bata oh." I said while pointing the children behind them.

"Sorry baby gutom lang si tita Angela." Ngiti nito at sumimangot si Amber. Hindi talaga sila magkasundo ni Amber.

Angela keeps teasing Amber kasi alam niyang pikon ang batang to.

"Sweetheart, you should also eat. They have hands they can handle themselves." Saway ng asawa ko ng busy ako sa pag-aasikaso sa mga kaibigan ko.

"Fine. Kakain na po. Essy anak what do you want?" Tanong ko sa anak kong naglalambing sa daddy niya.

"Anything sweet mommy. No to sour ako." Tumawa ako sa sagot niya. Picky eater kasi tong anak ko mana sa daddy niya.

Masaya kaming nagbonding kahit kulang kami. Wala ang friends ng asawa ko dahil busy daw at wala din ang best friend slash pinsan ko na si Elise.

And natutunan ko ang pinaka-importante na lesson sa buhay ko. Love and trust your family talaga dahil sila lang ang taong masasandalan mo sa panahon na may problema ka.

THE END

SQUAD SERIES 1: SECRET [COMPLETED]Where stories live. Discover now