Chapter 15: Kidnapped

0 0 0
                                    

"You are gonna be Maria Sylvia Collins for the mean time. Is that okay with you Ms. Sylvia? Mag-papanggap ka bilang pamangkin ni Mr. Bartolome sa mother side." Sabi ng lawyer ni grandpa. We are currently changing Sylvia's name saglit lang to kasi ayaw ni grandpa ng issue tungkol sa pamilya namin. "Ayos lang ho attorney. Wala pong problema sakin yun." Ang daming paligoy-ligoy ni grandpa hindi ko na siya ma intindihan. "Your parents, tell the press later na they died because of a car accident and you were raised by Mr. and Mrs. Bartolome. Sa age, tell them na you are 6 months older than Sky. Wala nang pero pero desisyon ito ni Mr. Sebastian." Pati ba naman ang edad niya itatago? May amats na siguro tong si grandpa.

"Wag mo akong ipahiya kundi itatakwil kita." Huling sabi ni grandpa bago umalis. "Pinsan sasama kaba sakin mamaya?" She asked. "Yes,  I will Sylvia. Kailangan nandon ako para kahit papano ay maging comfortable ka doon. Pero ayos lang ba talaga sayo na ipakilala ka sa lahat bilang Collins kaysa sa Bartolome?" Nakungkot siya sa tanong ko. "Di bale nalang na ipakilala bilang Collins pinsan basta sabihin niyo lang sa lahat na kadugo niyo ako ayos na." Nalungkot ako sa sagot niya sakin kaya tinapik ko ang kaniyang balikat she just smiled at me pero hindi parin ako mapakali.

"LET'S WELCOME FAMILY BARTOLOME together with Ms. Maria Sylvia Collins." Sabi ng host nung bumukas ang malaking pinto sa harap kaya nagulat si Sylvia sa likod ko. "Sylvia behave lang tayo ngayon alalahanin mo lahat ng etiquette na tinuro ni mommy." Paalala ko kaya tumango siya naku iba pa naman si mommy kung magalit. "Mr. Sloane Sebastian Bartolome." Naghiyawan ang mga tao sa loob. "Mr. Stephen Bartolome and Mrs. Joy Salvador-Bartolome." Ayan hiyawan nanaman ang naririnig ko.

"The Bartolome siblings, Mr. Jhon Steven Bartolome and Ms. Sky Julianne Bartolome." Pagpasok namin ni kuya ay mas lumakas ang hiyawan lalo na't may maraming babaeng nagkakandarapa para kay kuya. "Lastly Ms. Maria Sylvia Collins, Mr. Stephen Bartolome's niece." Agad na tumahimik ang lahat palabas ni Sylvia. Alam kong nahihiya siya ngayon kasi yung lakad niya para siyang nagmamadali. I did a thumbs up at her and she smiled. Nakita kong nakakunot ang nuo ni grandpa sa ginawa ko pero hindi ko na pinansin yun. "Pagsabihan mo yang kapatid mo Steven ha." Mahinang sabi ni grandpa kay kuya na halatang nagalit.

Wala akong ginawang mali kaya bahala silang dalawa. Sinunod ni Sylvia ang lahat ng sabi ni attorney sakaniya kaya proud ako sakaniya kaso di lang siya marunong mag English pero wala namang kaso yun ayos lang. Feel ko lang kasi mas convincing if English. Pagkatapos ng introduction namin ay kinaka-usap namin ang mga bisita ngayon. Muntik akong mapasigaw sa gulat ng kilabitin ako ni Sylvia. "Gagi ka Sylvia muntikan na ako dun." Kinurot ko siya ng mahina sa tagiliran niya. "Aray masakit yun pinsan ah." Reklamo niya kaya tinigil ko baka atakihin pato sa puso.

"Samahan mo naman ako sa CR oh. Ihing-ihi na talaga ako pinsan." Sabi niya na halatang nagpipigil nga. "Okay." Hinila ko siya paputang Cr. I fixed myself infront of the mirror like retouch lang guys alam niyo na yung mommy ko masyadong perfectionist. "Tara na pinsan." Aya niya sakin kaya lumabas na kami sa Cr pero nagulat ako ng may biglang nagtakip sa mata ko. Si Sylvia ay sigaw ng sigaw ng tulong. "Sylvia calm down kasama mo ako." Pagpapakalma ko sakaniya lagot na if atakihin to nakakatakot. Na trauma na ako dun. "Hey! San niyo ba kami dadalhin!" Bulyaw ko kaya pinagtawanan nila ako. May nagtakip ng panyo sakin kaya bumibigat ang talukap ng mga mata. Hindi ko na kaya kaya ayon nawalan ako ng malay bahala na si lord sakin.

"STEVEN hindi mo ba nahanap ang dalawa?" Mom said nervously and habang si dad busy sa phone may tinatawagan, siguro si tito. Kanina pa kasi nawawala sina Sky hindi ko na alam kung sang lupalop ko sila hahanapin. "You better find my granddaughter kundi mawawalan ka ng trabaho!" Sigaw ni grandpa sa tauhan niya. "Did you call Sky's friends Steven?" Tanong ni grandpa sakin. "I did grandpa and they said wala si Sky sakanila."

"Sana safe ka lang Sky." Sabi ni mommy at may hawak na rosary. Rosary? Kailan pa may dalang rosary ang mommy ko? I need flame-like hunters help. Kaya tinawagan ko si Keimoni kahit nagdadalamhati pa sila ngayon pero kasi emergency to. "Keimoni you gotta help me." He groaned and narinig ko na kinuha niya ang laptop niya. "What kind of help?" He asked. "Help me find my sister." Mabilis siyang nagtytype sa laptop kaya napahinga ako ng maluwag. "It's easy bro. Diba may tracker yung bracelet ni Sky. Kaya chill ka lang diyan." Chill? Anong chill pagdating sa kapatid ko walang chill!

"Shit! Naka-off yung tracker." Nahampas ko yung mesa sa galit kaya napahiyaw si mommy sa gulat. "Steven naman!" Sorry mom frustrated lang. "Sorry mommy." Narinig kong tumawa si Keimoni sa kabilang linya. "Tangina mo gawin mo ang lahat mahanap lang ang location ng kapatid ko. Magbabayad ako mahanap mo lang siya." Sigurado akong nakabungisngis na yun ngayon kasi may salitang bayad ih. "Sure bro akong bahala. Pero parang kailangan mo yatang tawagan si Hanz mas marunong yung grupo niya ih. Kinakalawang na siguro kami. Mas high-tech yung utak ng ka grupo ni Hanz siguro mas malaki matutulong nila." Sabi ni Keimoni bago pinatay ang tawag.

Tinawagan ko si Hanz and to my surprise agad niya itong sinagot. Dati makakailang tawag muna ako bago niya sagutin. "I need your help." Sabi ko at tahimik lang sa kabilang linya. "Nawawala si Sky." Ng sabihin ko yun ay agad siyang nagsalita. "How? I thought she was with you. I even saw you and your family on the tv earlier." Hanep tong isang to dapat ko lang pala i mention ang pangalan ng kapatid ko para magsalita to.

"Sabi ng staff namin nag-cr lang sila saglit ni Sylvia tapos pagbalik niya nawawala na sila." I said habang hawak ang nuo ko. "Where are you?" Tanong niya at agad ko namang sinabi sakaniya at agad kong sinabi sakaniya ng location namin. "Wait for us." Agad niyang binaba ang linya. After a few minutes dumating na sina Hanz. "Woah kuya Steven number 1 hindi ko inaasahan na hihingi ka ng tulong samin." Sabi ni Travis habang hinihila si Blake.

"Pwedeng bilisan niyong kumilos nawawala yung kapatid ko okay?" Sabi ko habang natataranta. "Para kang ewan diyan. Daig mo pa yung babae kung mataranta." Panunukso ni Drake sakin. "Shut up Drake. This is not the time for your silly jokes. We have to use our brains in this situation, someone is missing and we better hurry before we run out of time." Serysong saad ni Hanz habang nakatingin sa daladalang laptop ni Jake.

"How it is Jake? Any good news?" I asked and he shaked his head na ang ibig sabihin ay wala parin. "Can you do it faster?" Patanong na sinabi yun ni Hanz pero alam kong gusto niya ng sigawan si Jake. Nahihiya lang siguro siya dahil nandito sina mom, dad at grandpa. "Iho, sigurado ba kayong mahahanap niyo ang apo kong si Sky?" Naniniguradong tanong ni grandpa kaya umuo si Hanz. "Good. I will expect na iuuwi niyo siya ng walang kahit anong sugat. Ni lamok nga hindi ko pinapadapuan yan." Ayan nanaman tayo sa favoritism niya kay Sky. Pinaparinggan niya si daddy dahil ayaw niya lang talaga kay Sylvia.

SQUAD SERIES 1: SECRET [COMPLETED]Where stories live. Discover now