Chapter 27: Shopping

0 0 0
                                    

"KUYA! Ano ba kasing nangyari ha at nabaril ka?" Sermon ko sa kuya kong hudyo. Ate is beside him and his son, naglalambing lang naman ang pamangkin ko sa papa niyang ewan.

"Ayos lang ako princes don't worry. Buhay pa naman ang gwapo mong kuya diba?" May pa pose pose pa siyang nalalaman ng sapakin siya ni ate.

"Tama na yang panunudyo mo sa kapatid mo. Mabuti nga at binisita ka niyan." Nginisian ko si kuya kaya nalukot ang mukha niya dahil kinampihan ako ni ate.

"Honey ko, ako ang boyprend mo bakit kapatid ko ang kinampihan mo?" He pouted.

"Stop pouting kuya you look like a duck." Binato niya sakin ang unan niya kaya tumakbo ako sa likod ni daddy.

"Stop it children." It was mom. So calm pero ang totoo niyan galit yan kaya umayos kami ni kuya at nagtutulakan kung sino ang mali.

"Steven hindi na kayo mga bata." Mom used her warning tone so nagbehave na kami ni kuya na ikinatawa ni ate.

"Ang kulit niyo palang dalawa." Tumikhim si dad. "Hindi ko na alam anong gagawin ko sa kanilang dalawa. Kulang nalang ipasok ko sila sa sako and hang these two in the tree." Umasin ang mukha ni kuya.

"Dad! Hindi ako makulit si Sky ang makulit." Umiling nalang si mommy. "Aalis na kami and Amethyst sapakin mo yang anak kong yan pag ayaw makinig." Dinuro pa ni mom si kuya.

"Yes, tita." She smiled. Shet di parin ako nasanay sa kagandahan niya. "Mama, I'm hungry. I want a snack." Sabi ng pamangkin ko habang hawak ang tiyan.

Akmang tatayo si ate ng pigilan ko siya. "Ako na ate nagugutom din ako. Ako na sasama kah Jasper." Boluntaryo ko. "Okay, thanks Sky. No junk foods érzi okay?"

"Yes mama. Bye mama and papa, I love you. I'll be back later with tita-mamshie." He kissed his parents cheeks and grabbed my hand para pumunta sa cafeteria.

"I want this sandwich tita-mamshie." Turo niya na sandwich na may cheese at ham. "Okay baby. Wait ka kay tita-mamshie there." Tinuro ko ang pinakamalapit na table. "Okay tita-mamshie."

Matapos kong mag order ay pinuntahan ko si Jasper. "Tita-mamshie! Wow, this looks yummy." Nilapag ko ang lalagyan sa table at nagsimula na kaming kumain. Ilang minuto ang lumipas may tumabi sakin na familiar ang perfume.

Paglingon ko ang gunggong kaya nasira ang mood ko. "Pati ba naman dito sa hospital sinusundan mo ako." Ngumisi lang ito at nilingon si Jasper. "Taking care of your nephew. I see."

I rolled my eyes. "Wala kang paki. Nakakairita yang mukha mo." Kahit anong tulak ko sakaniya di siya natinag.

"Your boyfriend tita-mamshie?" Putragis naman baby pano ko na boyprend tong ugok na to? Jasper's question made his grin turn into a smile. "Yes baby. I'm your tita-mamshie's boyfriend."

Nasapak ko siya sa ulo dahil sa sinabi niya. "Ouch, that fucking hurts." Reklamo nito at kinamot ang sinapak ko. "You hurt him tita-mamshie." I smiled innocently at him.

"He is just fine baby. Look at him." Hinila ko ang mangas ng polo nito at pinandilatan ito. "Tumingin ka kay Jasper na nakangiti." Pilit na ngiti ko sakaniya while gritting my teeth. Ginawa naman nito ang utos ko.

"Look at him baby his smiling." Tumango naman ito sa sinabi ko. Hays thank God children are easy to fool. Pero nawala ang ngiti ko sa narinig. "You two are pretending your smiles."

Napa-awang ang labi naming dalawa. Hanep, ang talino ng pamangkin ko. Ang galing kumilatis ng tao tangina. "Continue eating baby I and tita-mamshie will talk." Nawala ang emosyon sa mukha ni Hanz kasi hindi niya maloloko pamangkin ko.

"Now, what's your answer? I've been courting you for one month and two weeks already." He sounds calm pero alam kong hindi ganiyan ang dapat na tono ng boses niya kung wala lang si Jasper sa harap namin.

SQUAD SERIES 1: SECRET [COMPLETED]Where stories live. Discover now