Chapter 13: Punishment

2 0 0
                                    

"THE punishment you will receive this time is no allowance for a month." Dad said na ikinangiwi ko. Hindi ako mabubuhay kung walang pera. "Give me all your credit cards." I sighed and gave all my cards to him. Pagkatapos niyang kunin ang mga credit cards ko ay agad siyang tumayo at lumabas syempre pupuntahan niya yung company. Nakaconfine padin yung pinsan ko sa ospital hanggang ngayon. "Sky let's go." Ani ni kuya kaya nakakunot ang nuo ko. "Ako yung maghahatid sayo since may 2 weeks leave si manong Vik." He said and sighed. I grinned kasi makakatakas na ako kay kuya pero nakalimutan ko wala na pala akong credit cards.

"Tawagan mo ako mamaya kung uuwi kana." Kuya said paglabas namin sa main entrance at pumasok ako sa Lamborghini niya. "Here use this. Gamitin mo lang yan pagnagkaroon ng emergency. Maliit lang ang amount ng card na yan pero ayos na rin para magamit mo panggastos ng taxi if wala akong time to fetch you sa school." Tinaas ko ang kilay ko kaya kumunot ang nuo niya. "Pwedeng cash nalang kuya? Sabi mo pangtaxi if hindi mo man ako masundo. Magagamit ko ba yang card na yan sa taxi aber?" Tumawa siya at agad ko siyang binatukan.

"Walang nakakatawa kuya." Nakakainis seryoso ako tapos tinawanan niya lang ako, nakakainsulto kaya. "Tama ka nga naman. Here 2,000 use your budgeting skills kung gusto mo pang maka uwi sa bahay." He reminded me and used his warning tone. "Okay." Tanging sambit ko kasi alam kong pagsumagot ako madami ang isusumbat niya sakin. Si kuya Steven pa ih daig pa ang babae neto pag nagsalita.

KAKABABA ko lang sa sasakyan ni kuya ng ambahan ako ng yakap ni Elise. "Sky! How are you? Alam mo bang—" Hindi ko na siya pinatapos kasi wala ako sa mood. "Wala akong alam." Pagkatapos kong bigkasin yun ay agad akong lumakad papuntang classroom. Nasa hallway pa lang kami ay makikita mo na ang mga rich kid na estudyante dito pero mas mayaman lang yung sa Moonlight University. Dito sa school namin ay kami yung tipo ng mga rich kid na hindi ubod ng yabang.

I saw Yva and Cai walking towards our direction. They smiled kaya I smiled back at them.  "Nabalitaan ko yung nangyari. Ayos ka lang ba Sky? Anong punishment nanaman ba ang natanggap mo?" Tanong ni Cai kaya napa facepalm nalang ako. "Sabi ni Cai sakin grabe daw makapunish ang daddy mo parang may amats lang." Ani ni Yva na ikinatawa ni Angela. "Naku, totoo yan bhe nakakatakot si tito. Kung alam niyo lang ang buong nangyari nung vacation namin. Kung ako lang si Sky matagal na akong umiyak ng malakas sa harap ni tito. Ang sakit ba naman ng binibitawan na salita." She said while holding her purple mini fan.

Akmang magsasalita si Rica ng magring ang bell. "Ang panget ng timing ng isang to. See you later girls." Nakabusangot na saad ni Rica at umalis para pumasok sa classroom. Kaniya kaniya kaming umalis by the way kasama ko ngayon si Danica papuntang classroom namin syempre classmate kami. The others are not on the same class as me.

Kakapasok ko pa lang sa room ay bubungad na sayo ang makalat at maingay na kaklase ko. Nang makita ako ng vice-president namin ay agad niya silang sinabihan na tumahimik. "Oi si Ms. President nandito na." Sabi nung isa na kulay orange ang buhok. Itong lalaking to palagi talagang sumasabay sa uso kahit hindi naman sumasabay sakaniya ang mukha niya. Ang aga-aga na babadmood kaagad ako. "Pres sabi pala ni maam na ito yung gagawin mo sa room since nakaleave siya ngayon kasi malapit na siyang manganak." Sinalubong ako ng secretary namin at inilahad ang isang folder galing kay Mrs. Valdez. Tumango ako at agad siyang bumalik sa upuan niya.

Tumayo ako sa harap para makuha ang atensiyon nila. Timikhim muna ako bago magsalita. "Since nakaleave si Mrs. Valdez I will be in charge in this class starting today. Now grab your pen and book excersice sa math. We will watch a video together and after watching sasagutan natin ang nasa page 65 exercise A and B. If makita ko kayong nangongopya automatic zero kayo kaya don't ever try cheat infront of me." Sabi ko na ikinatango naman nila. I am the class President of Class 2A. Ganito kasi yan Class 1 is for the first year, Class 3 is for third year, Class 4 is for forth year and lastly Class 2 is for second year.

Hindi ko alam kung bakit ako yung ginawa nilang class President wala naman akong pinakita na leadership vibe sa first day. Baka dahil kapatid ako ni Jhon Steven Bartolome ang dakilang heartthrobe sa Moonlight University sa sobrang sikat ng kuya ko ay kahit saang school ay kilala siya.

"SKY, chika mo naman kung pano mo nakilala ang Sylvia na yun. Am I right is she Sylvia?" Angela said habang kinakalabit ang kambal para makuha ang attention nito. "Well, hindi maganda ang pagtanggap ko sakaniya." Napasinghap si Rica sa sagot ko. "Napagkamalan ko siyang scammer na mangungutang kay grandpa kaya tinarayan ko siya." Dagdag ko na ikinatawa ni Niña. "Really Sky? Yun lang? Hindi sapat ang reason mo to treat her like that. I am always suspicious why you are treating that girl like she was a nobody. Yan lang ba talaga ang rason o may iba pa?" Nalagok ko ang sarili kong laway sa mga binigkas ni Niña.

Tinitigan ako ng maigi ni Niña tapos tumahimik siya at pinagpatuloy ang pagkain. "Ano ka ngayon girl. Natameme ka sa tanong ni Niña. Wala ka pala sa bebe ko ih." Sabi ni Isabella at niyakap si Niña. "Goodness gracious girl iba ka pala." Nabibighaning saad ni Yva kay Niña. "Naubusan ng sagot ang isang Sky Jhuliane Salvador Bartolome sayo. Awit sayo ah sanaol." Dagdag ni Cai na ikinatawa ni  Rica. "Tanging si Niña lang ang nakakagawa niyan kay Sky. Iba talaga ang powers ng kaibigan kong to." Natatawang ani niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Tama na ang kwentuhan diba may klase pa tayo mamaya." Paalala ni Angel. "Tama ka diyan Angel ito kasing mga babaitang to puro chismis ang inaatupag hindi yung libro na nasa harapan nila sarap paguuntugin ng mga to." Rebecca said while muching her food. Guess what food it is. Walang iba kundi ang paborito niyang boiled eggs na cooked with love daw ng mommy niya. "Aba ikaw kung makareklamo ka. Hindi ka lang makasabay sa balita ganiyan kana." Sabi ni Rica at tumayo pa talaga siya sa upuan niya.

"Hindi ba pwedeng makisabay ka nalang hindi yung puro ka reklamo. Kung makareklamo kala mo ang ganda ng mga advice." Sabi naman ni Isabella kaya napunta ang atensiyon ko sakaniya. "Hoy Isabella hindi ko kasalanan yun! Kung makabintang ka sakin ng ganiyan hindi naman ganon kalaki ang kasalanan ko sayo." Hindi ko na alam ang pinaguusapan nila. "Ah ganon pano mo ma eexplain sakin to? Sabi mo sakin if I cut my hair mas lalo akong gaganda tingnan mo ang nangyari sakin. You told me to put a bangs to make it prettier pero ano to! Sa sobrang ikli ng bangs kong to parang bunot ang buhok ko ngayon! Paano ko na haharapin ngayon yung bebeloves ko? " Mangiyak-ngiyak na sabi ni Isabella habang hinahawakan ang bunot niyang bangs. May pa bebeloves pa siyang nalalaman hindi naman sakaniya yung sinasabi niya.

"Hindi ko sinabing cut it shorter. Kasalanan mo yan ikaw naggupit ng sarili mong buhok hanggang advice lang ako girl kaya tumahimik ka diyan." My cousin rolled her eyes and Isabella was more irritated. "Shut up!" Agad kaming lumingon sa sumigaw na with matching hampas sa table walang iba kundi si Danica. "Can you please stop this childish things." Walang emosyong sabi niya kaya napatikom ang mga bibig namin.

SQUAD SERIES 1: SECRET [COMPLETED]Where stories live. Discover now