Chapter 19: Gossip

3 0 0
                                    

"SKY, kung alam mo lang. Hiyang-hiya ako sa ginawa ng lalaking yun. He won't stop bothering me sunod siya ng sunod. Tapos sasabihin na I like you. May saltik yata ang utak niya. Kahit siya pa ang nagligtas sa baby Elvin ng mangyari ang eksenang yun sa kasal ni ate Ying. He doesn't have the right to ask a favor that way. He was asking me to be his girlfriend! He is really insane Sky! Lahat ng mata ng tao sa mall kahapon nasamin. They were expecting me to say yes to that bastard but I just ran away due to the awkwardness." Reklamo ni Elise sakin dito sa garden ko.

I am watering my roses and I can see in my peripheral vision that she is holding the cup of the tea with too much force but not enough to break the cup. "Wala yan sa nangyari kagabi sa Christening party ni Eyre. Alam mo bang yung gunggong na yun sinuntok si Marvin sa hindi ko malamang dahilan." It was really making me annoyed. Pumatol pa talaga siya kay Marvin. Kaya ko naman sarili ko ang kinagagalitan ko yung pagsuntok niya kay Marvin na ikinatuwa ko naman ng konti cause that jerk deserved it.

"Hindi kona alam ang gagawin ko Sky. Ayaw ko ng lumabas dito sa village kasi malalaman niya kung saan ako gumagala. Stalker ko na ata siya. Sabi kong tantanan niya na ako pero ayaw niya. Ano sa tingin mo ang gagawin ko Sky?" She asked so I stopped watering my roses then lumabas si Sylvia na may dalang bico I guess hindi ko alam.

"Hi po maam and pinsan. May dala po akong meryenda bico ako po ang nag-luto niyan." Nakangiti niyang saad. "Nagluto ka ng bico? Tapos may sakit ka? Ano ba naman yan Sylvia." Sermon ko sakaniya na ikinatawa niya.

"Nagpatulong naman ako sa katulong niyo pinsan." She smiled to reassure me.

"Narinig ko pala usapan niyo. Simple lang naman ang problema niyong dalawa. Sabihin niyo ng diretso sakanila na wala kayong interes sa kanila. Kung ayaw niyo sakanila wag niyo ng paasahin ang tao. Wala naman kayong balak na paasahin sila diba?" Sabi niya habang nakapamaywang.

"Tama ka diyan girl. Like na kita Sylvia. By the way call me Elise. Nakakailang kapag tinatawag mo akong maam. Total pinsan ka naman ni Sky." Nginitian ni Elise si Sylvia ng napakatamis.

"Sige Elise."

"Ang sarap ng luto mo Sylvia!" Tili ni Elise na ikinatuwa ng pinsan ko.

"Talaga ba! Sige sasusunod gagawa ako ng marami tapos inenegosyo ko." Tumawa si Elise sa sinabi nito.

"I will be your first costumer in line." Kaya tumawa na rin ako.

"Tama na ang tawanan. Balik tayo sa mga lalaking kinakamuhian niyo." Sylvia changed the topic.

"Pano mo nasabing kahit san ka magpunta nandon siya? Hindi ko matugma lahat Elise." Napabuntong hininga si Elise.

"Well, nung una I thought it was just a coincidence pero habang nagtatagal palagi siyang nandon sa lugar na ginagalaan ko even sa school nakikita ko siya sa labas ng gate kaya nagkakandarapa lahat ng schoolmates namin ni Sky."

"The worst thing is tinatawag niya ang pangalan ko yun tuloy daming gossips sa schedule tungkol saming dalawa. Ano ba daw ang relasyon namin ng Anthony na yun. Hindi naman sa nag-jujudge ako pero badboy siya sa paningin ko." Dagdag ni Elise na ikinatango namin ng pinsa ko.

"Pati ako nahihiya sa kwento mo. Sana man lang inalala niya ang mararamdaman mo sa harap ng maraming tao kapag gagawin niya yun." Sylvia pouted.

"Yeah, imagine how Shy I was when he asked me to be his girlfriend infront of many people. Gusto kong lamunin ako ng lupa sa mga oras na yun." Ani ni Elise na may bahid ng lungkot ang boses.

"Sky I think, the red flag of that guy is masyado siyang territorial na kahit wala namang kayo. I think he is a jerk—" Hindi ko na siya pinatapos.

"Yes he is! He is really wierd Elise. Nung una kaming magkita napakacold niya sakin tapos bigla nalang siyang nagbago. Kapag nasa iisang lugar kami nagkikita dahil may events na kasama ko si kuya na nandon din siya. Kahit san ako pumunta yung mga mata niya nasakin kahit may iba siyang kausap. Hindi ako tinuruan ni kuya na makiramdam sa paligid para lang sa wala. I was trained by my brother to be alert sa surrounding ko. Lalong-lalo na sa mga boys dahil sabi niya "boys are liars. Lalaki din ako Sky, alam ko kung ano ang nasa utak ng mga boys so becareful sa mga lalaki na satingin mo ay hindi maganda ang attitude."

"Same with kuya. Sinabi ko sakaniya ang problema ko sa lalaking yun and he said 'wag kang lalapit sa lalaking yun sa pagkakaalam ko maraking babaeng pina-iyak yun. Ayokong maging isa ka sa mga babaeng pina-iyak niya kahit kaibigan ko pa si Anthony.' Nakahinga ako ng maluwag na hindi gusto ng kuya ko yung gagong yun." Nilabas niya ang cellphone niya sa purse niya at nagpaalam na uuwi.

Hinahanap na daw kasi siya ni tita alam niya naman yang si Elise baby yan sa bahay nila. Napakamaingat ng parents niya lalo na't siya ang kaisa-isang anak na babae nila 'the youngest' like me.

"Ang ganda pala ng pinsan mo sa mommy mo pinsan no? Para lang siyang bata kung umakto." Sabi ni Sylvia habang kinakain ang luto niya.

Napatango naman ako sa sinabi niya. "Yes, tama ka. Well, pinakalaki siyang ganon ng mommy niya ih. Pero kahit ganiyan si Elise grabe yan magmahal. Ibibigay niya lahat ng mabibigay niya sa taong mahal niya like us her friends. Basta kaya niyang ibigay go na go siya."

Napasinghap naman siya. "Napakabait naman pala ni Elise." I just smiled at her. I know why Elise always smiles of the people infront of her. Behind those smile may nakatagong malagim na nakaraan. And it's not my story to tell.

"Pasok na tayo sa bahay napakainit na dito sa labas baka ma heat stroke tayong dalawa." Hinila ko siya para pumasok sa mansion at ja abutan ko si Grandpa sa sala. I think he is waiting for us to enter the mansion.

"Hi Grandpa." Bati ko sakaniya at yinakap siya samantalang si Sylvia nakatayo lang sa harap namin. "Have a sit apo." Umupo ako sa couch at ng makita ko si Sylvia na hindi kumibo ay hinila ko siya paupo sa tabi ko.

"I see you two are getting closer." Tinitigan kami ni Grandpa and then he smiled at me.

"Your father. Kakalabas niya lang galing sa kulungan two months ago. Sigurado akong hahanapin ka niya samin kapag nalaman niya na buhay ka." Tinuro ni Granpa kay Sylvia na hanggang ngayon ay tahimik parin.

"What do you mean Grandpa?" I asked out of curiosity.

"Hindi ko to dapat ipaalam sayo Sky pero since nandito kana gusto kong wag kayong magdikit ni Sylvia. Para hindi malaman ng putang yun na ito." Turo niya ulit kay Sylvia.

"Hindi niya malaman na apo kita. Halimaw ang tatay mo. Nagawa niyang patayin ang anak ko. Dahil anak ka niya sigurado akong nagmana ka sakaniya. Dugo niya ang nananalaytay sa mga ugat mo. So stay away from Sky. Wag mong damayin ang pinsan mo if ever he finds you." Agad siyang umalis at pumunta sa recreation room para maglaro ng cards with his men.

Nilingon ko si Sylvia at may luhang tumulo sa kaniyang mga mata kaya niyakap ko siya. "It's okay Sylvia. Alam mo naman si Granpa diba? Masungit talaga yun pero mabait naman yun."

Pagpapatahan ko sakaniya. "Punta lang ako sa kwarto ko pinsan. Wag kang mag-alala sakin." Tumayo siya at naglakad papunta sa kwarto niya sa guest room.

Sinl ba talaga ang papa ni Sylvia. Bakit ba maingat ang bawat hakbang ni Grandpa? Ano bang meron sa lalaking pumatay kay Tita na kinakatakutan nila?

SQUAD SERIES 1: SECRET [COMPLETED]Where stories live. Discover now