Chapter 9: Hello My Dear Cousin

4 0 0
                                    

Third person's Point of View

"GAGA ka ba? Ano bang pumasok diyan sa kokote mo at pumunta ka dito?!" Sebastian shouted to the probinsiyana girl earlier na tinarayan ni Sky. "Lo, nandito ako kasi may sakit ako." Mahinang sambit nito. "Ano bang pakialam ko kung may sakit ka?" Nakakunot ang kilay ng matanda habang nagsasalita. "May sakit ako sa puso lo. Malapit na po akong mamatay. Sana naman kahit saglit lang ay makasama ko kayong pamilya ko." Sabi ng babae habang humihikbi.

"Kaya nga kita ibinigay sa mga magulang ng tatay mo diba? Kasi ayaw namin sayo." Sagot ni Sebastian sa apo na ngayon ay nakayuko habang umiiyak. "Hindi ko naman talaga lola at lolo yun ih. Katulong mo lang ang mga yun diba lo?" Inangat niya ang ulo at tiningnan sa mata ang kaniyang lolo. "Ikaw pa yung may ganang sumagot sagot sakin? Ikaw na nga yung may kailangan ang lakas din ng loob mo no. Umuwi ka dun sa probinsiya dun ka nababagay. Sa dumi ka nanggaling kaya hindi ka nababagay dito." The old man shouted that it made him cough.

"Lo." Akmang lalapit ang apo pero pinigalan niya ito. "Wag kang lalapit sakin babae. Lumayo ka sakin ayoko sa mga marurumi. Bumalik ka kung nasaan ka nanggaling." Umalis ang matanda at bumalik sa kaniyang silid. Iniwan niya ang kawawang apo niya sa sala na umiiyak. "Ang hirap naman ng buhay ko. Hindi na nga ako tanggap ng kumupkop sakin pati ba naman ang totoo kong pamilya pinagtatabuyan ako." Humihikbi niyang saad.

"Who are you?" Tanong ng magandang babae sa akin na kakababa galing sa hagdan. "Ako ho si Sylvia Bartolome maam." Pagpapakilala niya na agad namang ikinagulat ng babae at may binulong sa katulong. Agad na umalis ang katulong at lumapit ang magandang babae sa dalagang humihikbi. "You are just like her." Sabi niya habang ngumingiti. "Mom! Wag kang lumapit diyan scammer yan." Sabi ng dalaga na galing sa kusina.

"ANAK, easy hindi siya scammer. Kilala ko siya." Ani ni mommy. Hindi scammer? Kilala niya? No way! Nasisiraan na ba ng bait tong mommy ko? Sa arte niyang yan may kakilala siyang probinsiyana? "I don't believe you mom." Hindi maaari yan. Hindi nga yan papasa sa standard ng mommy ko ih. "Believe me anak stop being grumpy." Hinaplos ni mommy ang mahaba kong buhok at pinaupo ako sa couch.

"Tell me. Anong pakay mo dito? You want money? I can give you that. How much? Name the price." Tinarayan ko siya ng husto para matakot pero hindi siya natinag. "Hindi ho pera ang pinunta ko dito." Sabi niya na ikinagalit ko ng sobra. Such a great pretender. "Oh come on! Stop lying! I know you just want money from our family! Ang kapal din ng mukha mo no! Hindi ka ba nahihiya?! Yang pagprepretend mo hindi yan tatalab sakin! Yang mga paawa effects mo hindi ko mapapansin yan! Kahit umiyak kapa ng dugo sa harap ko hindi kita kakaawaan! Sino kaba ha para pumunta dito? You don't want money from us then what do you want?!" Sigaw ko at hindi siya sumagot mas lalong nag-init ang ulo ko sa reaction niya. Scammer talaga.

"Sky, baby calm down." Mommy said and I just ignored her. "Sumagot ka! Sino ka ba! Idiota!" I shouted at alam kong naririnig na sa labas ng gate ang boses ko sa sobrang lakas ng sigaw ko. "Watch your mouth young lady." Singit ni daddy at may hawak na papers of course. "Kilala mo tong scammer na to dad?" I asked and pointed her. "Yes." He replied baka anak niya to kasi Bartolome din siya ih. "Anak mo sa labas?" I said without emotion.

"No." What? Ih sino to? "Then what? Sino ba siya at bakit kilala niya si lolo!" Naguguluhang saad ko. "She's your cousin." Dad replied na ikinalaki ng mga mata ko. "My cousin? How come? Eto? Pinsan ko? Nagjojoke ka ba dad?" Sabi ko na may halong pagtataray. "I'm not joking Sky. She is your cousin." I laughed and stopped when I saw mom and dad with a serious expression. "Sigurado ba kayo? Do you have proof na pinsan ko to?" I asked and dad gave me the paper.

"Name, Sylvia Bartolome, Female, August 22, 2006, Mother, Solene Bartolome, father, unknown." Pinsan ko nga talaga. She's 2 months older than me. "Now, say sorry to your cousin. Masasakit ang mga salitang binitawan mo kanina." Dad added and I just rolled my eyes. "Bakit kapa bumalik dito? And I'm telling you hindi kita matatanggap bilang pinsan. Grandpa said your father is a criminal. May dugo kang criminal and ayokong mabahiran ng dugong criminal ang bahay nato." I said and throw the papers at her.

Ang lakas din naman ng loob niyang pumunta dito no! "Sky! Come back here." Dad said at hindi ko siya pinansin bahala siya. "Let her be Stephen." Mommy said. Habang galit na galit akong naglalakad patungo sa main entrance ng bahay ay nakasalubong ko si kuya. "Good morning princess." Bati niya sakin. "Walang good sa morning kuya!" Sabi ko at malakas na isinarado ang pinto wala akong pake kung masira man ang pinto may ipapalit naman sila diyan mayaman naman sila.

"Bwesit! Pinsan ko nga siya pero may dugong criminal siya! I don't want my family to have a family member that has a criminal blood." Sabi ko habang galit na sinusuntok ang punching bag dito sa gym. Gym to ni kuya and kahit walang gear ay sinuntok ko ang punching bag nato sa sobrang galit. "Ay naku maam. Dumudugo na yung kamay niyo itigil niyo na po iyan." Natatarantang sabi ng baguhang maid. "Umalis ka dito! I want to be alone." I said while still punching.

"Pero maam." Gaga ba siya? Hindi ba siya nakakaintindi? "I said leave me alone!" I shouted nakakairita na kasi ih kita mo namang galit yung tao nangenge-alam pa. Agad naman siyang lumabas at sumigaw. "Sir Steben! Kapatid niyo po dumudugo na ang kamay kakasuntok sa punching bag!" Napatampal ako sa aking nuo sa sobrang gaga ng bagong maid namin.

Nakita ko si kuya na nagmamadaling tumatakbo papunta sakin. "Sky! What did you do to yourself! Yaya yung first aid kit please." Utos niya sa bida-bidang maid at akmang susuntukin ko ulit ang punching bag ng pigilan ako ni kuya. "Tama na yan Sky. Dumudugo na kamay mo kulang pa ba yan?" Ani ni kuya habang hawak ang braso ko. "Kulang na kulang pa kuya! Galit na galit ako!" I responded at hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. "Shh, it's okay alam kong gusto mo siyang tanggapin bilang pinsan pero madami kang iniisip na consequences. Hush now Sky, it's okay. Tahan ka na." He hugged me and I cried until gumaan ang pakiramdam ko.

"Let's get inside the house na. Gagamutin pa natin yang sugat mo." Hinila ako ni kuya pabalik sa bahay at nakita ko si Daddy na hawak ang ulo niyang sumasakit while mommy is doing her nails. "Nasan ang bisita niyo?" Kuya asked and mommy pointed the guest room. Ng makita ni mommy ang dumudugo kong kamay ay agad siyang tumayo. "Sky! What happened to you? Sinaktan mo nanaman sarili mo? O my god! Yaya yung first aid kit! Please pakibilisan." Natatarantang sigaw ni mommy.

"Mom, calm down okay hindi naman siya masakit." I said and agad na tumaas ang kilay ni mommy. "Don't lie young lady alam kong iniinda mo lang ang sakit na nararamdaman mo. Wag matigas ang ulo please." Boom, ang malas mo Sky mahirap lokohin tong mommy mo. Mother's knows best nga Sky diba. Hays.

SQUAD SERIES 1: SECRET [COMPLETED]Where stories live. Discover now