Chapter 11: Bet

2 0 0
                                    

KASALUKUYAN akong nagbibihis dahil pupunta kaming magkakaibigan sa hacienda ng lolo ng kambal. Nilagay ko na ang hat ko with my hair down. "Para na akong totoong cowgirl sa outfit ko." I complimented myself since minsan lang to. Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa hagdan paglabas ko sa main entrance ng mansion ay agad kong nakita ang pinsan kong nakayuko sa may garden. "Hey! What are you doing there? Do you wanna die?" I asked since garden ko yun  ayokong nandun siya dahil trip ko lang. "Pasensiya na po pinsan." Mahinang sambit niya. "Don't call me pinsan nandidiri ako." Reklamo ko na ikinatango niya naman. "San ho ang punta niyo ma'am?" She asked and may kalokohan akong naisip.

"Magbihis ka isasama kita sa gala ko." Agad nagningning ang mga mata niya at tumakbo pabalik sa loob ng mansion. Ilang minuto ang hinintay ko bago siya bumalik dito. "Handa na po ako maam." Sabi niya na may dalang basket na may lamang I don't care hindi ko naman kailangan yan. "Sky! Ready na ako! I'm super excited na talaga." Tili ni Elise, natigilan siya ng makita tong anak ni tita. "Who is she? Bago mong yaya?" She pointed her. Alangan namag anong matatawag sakaniya kung ang damit niya pangmaid din. Well, this past few days maid ang turing ni lolo sakaniya while my parents they accept her na ikinagalit ko ng husto.

"Ano kaba Elise kahit maid namin pinadidiskitahan mo pa. Pasok na tayo sa Van." She nodded at naunang pumasok sa Van namin. "And you. Wag kang didikit sa mga kaibigan ko." I warned her and then pumasok na kami sa Van. Akmang tatabi siya sakin ng pigilan ko siya. "Oops, not here. Dun ka sa tabi ng driver." Umalis siya at pumunta sa front seat. "That was too harsh couz." Sabi ni Rebecca while eating her sandwich. "Just continue eating Rebecca." Bulyaw ko kaya tumahimik siya at pinagpatuloy ang pagkain niya.

Ng dumating kami sa Hacienda de la familia Cruz na pagmamay-ari ng lolo ng kambal. "Wah I miss this place." Ani ni Angela ng makababa kami sa van. "Ang laki naman dito maam." Nabibighaning saad ng pinsan ko raw. "Shut up. Itikom mo yang bibig mo nakakahiya sa mga kaibigan ko." Saway ko sakaniya na ikinatango niya. "Girls tara na." Angel said at naunang pumasok ss mansion nila. Pagpasok namin ay nakita ko na si lolo Antonio na nakaupo sa wheelchair na hinihintay ang pagdating ng mga apo niya.

"Hi papito I miss you so much." Bati ni Angela sa lolo niya and hugged him. "Papito nandito na kami don't be sad na okay?" Ani ni Angel and then also hugged her grandfather. "Sí apo. Hindi na sad si papito look at me I'm smiling na diba?" Lolo Antonio said and smiled he looks so happy that his granddaughters visited him here in the hacienda. Masyado na kasing busy ang mga kuya at parents namin ngayon kaya walang time para bumisita sa mga lolo at lola.

"Angela nanganak na yung Lily mo." Sabi ni lolo na ikinatili naman ni Angela. "Wah my baby Lily!" She said while crying. Yung Lily na ibig sabihin nila ay yung kabayo ni Angela. "I want to see her now papito." Ang OA naman ng kaibigan kong to nanganak lang naman ang kabayo niya umiiyak na siya. "Sure apo. Clarence samahan mo sila sa kwadra ni Lily." Utos nito sa lalaking naka outfit ng pang cowboy. Bagohan siguro to hindi ko siya kilala ih. "Opo senyor. Tara napo mga binibini." Sabi niya at naunang maglakad kaya sinundan namin siya, gagi tinawag kaming binibini hindi naman ako binibini.

Marami silang hayop dito may kabayo, baka, tupa at iba pa. Madaming manufacturer ang lolo ng kambal kaya malaki ang kita nila sa hacienda. May mga tanim din sila na mga malalaki ang puno gaya ng manga, cotton fruit o santol, custard Apple o atis, bayabas, pakwan, coconut at hindi mawawala ang saging. Ng makarating kami sa kwadra ay pinakita ng Clarence nato si Lily na may katabing maliit na kabayo. Kakulay niya ang baby niya at itong si Angel picture ng picture. "Hoi tama nayan bhe." Saway ng kambal niya kaya tumawa siya. "Ang arte naman neto." Reklamo niya at nag selfie nalang.

"Maiwan ko na kayo mga binibini pupuntahan ko pa yung mga tupa." Paalam niya at umalis papunta sa mga tupa. And now it's time para gawin ang kalokohan ko. "Girls let play a bet." Sabi ko at nagningning naman ang mga mata ni Elise. "I love bets." She giggled and Niña nodded. "Pero hindi na ako ang maglalaro ngayon." Natigilan sila sa sinabi ko na agad namang naintindihan ni Danica at tumaas kilay niya. Alam ko na yan, alam niyang may balak ako hahaha this friend of mine knows me too well.

"Edi sinong maglalaro?" Rica asked and I pointed my cousin na kanina pa sunod ng sunod samin. "Yan? Marunong kaya yang sumakay ng kabayo? Sky naman alam naman siguro niyang napakabilis tumakbo ng sasakyan niya diba and besides that horse is quite aggressive." Paliwanag ni Angela at nilakihan ko siya ng mata. "Fine." She sighed at tinaas ang mga kamay sinyales ng pagsuko niya. "At ikaw huwag mo akong ipapahiya. Ayaw kong matalo sa pustahan kaya umayos ka. Our family are the best when it comes to riding a horse. Kita mo ba yung mga medals and trophies sa bahay? Galing yun sa mga ancestors natin. They won too many competitions through horse racing don't let me down." I warned her at agad naman siyang nanginig.

"Pero maam natatakot po ako." She said such a coward. "Walang lahing matatakutin ang mga Bartolome kaya umayos ka." I said pero nangingining parin siya. "I bet 10K." Simula ko at sumunod si Elise. "Since alam kong matatalo si Sky ngayon itataya ko ang bago kong sasakyan." Agad nilabas ni Rica ang papel at ballpen para papirmahan kay Elise. "I bet my allowance for the whole month." Niña said. "5K." Ani ni Danica na ikinatawa ni Angela.

"Ang cheap naman." Mga babaeng to hindi ko maintindihan. At ng matapos mangolekta ng kaniya kaniyang pustahan ay pinuntahan namin ang paborito kong kabayo si lightning. Nilabas namin ito para simulan ang bet namin my team versus the twins team.
Danica, Niña, Isabella, and Rebecca is on my side while Angela and Angel's team are Elise and Rica. Ang pinsan ko ang ipapadala ko while sila ay yung Clarence. "This game would be fun." Rica said while fiddling her fingers. "Oras na para matalo si Sky." Angela added na ikinailing ko. "Wahhhh. Ayoko na po maam." Mangiyak-ngiyak na saad ng pinsan ko hindi pa nga siya nakakasakay kay lightning iiyak na siya.

"Ano ba naman yang pambato mo Sky." Reklamo ni Niña kaya nalagok ko sarili kong laway. Narinig yun ng gaga kong pinsan kaya umakto siyang matapang pero nung magsimula na ang race ay sigaw siya ng sigaw. Clarence is on the lead while ang pinadala ko ayun malayo pa. Sigaw kasi ng sigaw ih. "Maam ayoko na po bababa na ako." She said while crying kaya tinawanan namin siya. This scene is too funny. "Hahaha ang epic ng mukha ng bago mong yaya Sky." Sabi ni Angela said while laughing so hard.

Pero nabigla ako nang wala ng simisigaw agad kong nilingon siya at nakitang walang malay na nakasakay kay lightning. Agad akong tumakbo sa kinaroroonan niya at binaba siya sa kabayo. Chineck ko ang pulso niya pero hindi ko mahanap ito kaya kinabahan ako. Agad silang lumapit sakin na natataranta kaya nagmamadaling lumapit samin si Clarence. Chineck niya ang pulse nito at napakunot ang nuo. "Kailangan natin siyang dalhin sa ospital." He said at binuhat ang pinsan ko. Nataranta ako kaya agad akong sumunod sakanila. This is my fault.

SQUAD SERIES 1: SECRET [COMPLETED]Where stories live. Discover now