201.

1.2K 42 0
                                    

Megamind Tunying

10:00 pm
I'm sorry about what happened earlier.

10:02 pm
Why are you saying sorry? It's not your fault.

10:04 pm
It was too heavy. You didn't deserve to see that.

10:05 pm
And you don't deserve to be treated that way.

10:06 pm
Masasanay lang ako ulit.

10:07 pm
Dapat bang nasasanay sa sakit?

10:08 pm
'Yong lang ang malinaw sa akin simula pa noon.

10:09 pm
Alam mo no'ng bata ako, marami akong hindi nauunawaan. Pero kahit hindi ko alam kung ano'ng pangalan sa nararamdaman ko, ramdam ko 'yong sakit.

10:10 pm
Kaya siguro hindi ko rin alam pangalanan 'yong pag-ibig noon, Rafaela. Because I often confuse hurt with love. Naisip ko no'n, baka gano'n kapag mahal ka... may kasamang sakit.

10:11 pm
Titiisin mo lang, dadalhin mo lang... hanggang mas mangibabaw 'yong pagmamahal.

10:12 pm
Pero bakit palagi lang masakit?

10:14 pm
Hindi kailangan masanay. At hindi dapat palaging masakit ang pagmamahal.

10:15 pm
Kaya siguro hindi ako sanay na mahal lang ako at walang ibang kapalit 'yon... kasi hindi ko naramdaman noon sa sarili kong magulang na karapat-dapat ako.

10:16 pm
Mahal lang kita, Anthony.

10:17 pm
Wala akong hinihinging kapalit, at hindi nito kailangan maging masakit.

10:18 pm
Dahil hindi ko man kayang kunin sa'yo lahat ng dala mo, kaya ko namang 'wag dumagdag dito.

10:19 pm
Kaya dito ka lang ha? Kasi hinding-hindi kita pagsisisihan, at araw-araw kitang mamahalin.

10:20 pm
Araw-araw, Rafaela?

10:21 pm
Araw-araw, Anthony. ❤️

Part Two: Not Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon