287.

626 30 1
                                    

Zy-tanas

7:34 pm
Oy inom tayo la ako maaya

7:35 pm
Parausan mo lang talaga ako.

7:37 pm
Eh 'di don't.

7:39 pm
Tara nga sabe! 😠

7:41 pm
Sunduin kita. 'Wag mo na dalhin si Jimny Neutron. Ako rin naman mag-u-uwi sa'yo kasi bano ka uminom.

7:43 pm
Naka-recover na ako. Kahit hanggang isang linggo tayo uminom. 🖕🏻

7:45 pm
Paka OA ng tangang 'to.

7:46 pm
Libre ko na.

7:47 pm
Kaya nga ikaw inaya ko. Bukod sa wala akong choice, may utang ka pa sa akin.

7:48 pm
Tanungin mo naman ako ba't ko libre!

7:50 pm
Baket

7:51 pm
Papakasalan ko si Rafela.

7:53 pm
Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, Hudas.

7:54 pm
Ako rin, Zy-tanas.

7:55 pm
SIGE NGA PAANO MO BUBUHAYIN SI RAFI

7:56 pm
HINDI SIYA AASA SA'YO KAYA NIYA 'YAN MAY PERA 'YON PERO GUSTO KO GINHAWA SIYA

7:57 pm
I closed a deal. Details later. 🫡

7:58 pm
Magkano?

8:00 pm
Kayang bumuhay ng basketball team.

8:01 pm
NAPAKA OA MO NA

8:02 pm
Hindi ko sinasabing maging mayaman ka, pero alam kong mapera ang tatay mo. Gusto ko lang, comfortable 'yong best friend ko kahit sariling diskarte mo lang.

8:03 pm
Alam ko marami pa akong kailangang patunayan. Pero hindi ko siya papabayaan. Itataguyod ko 'yong buhay ko mula sa kung ano'ng mayro'n ako para may ipon din ako kapag kailangan niya, at kahit hindi.

8:04 pm
Hindi naman ako mapili sa trabaho, pero mapili ako sa buhay na gusto kong ibigay kay Rafaela kaya magsisikap ako na maging maginhawa 'yon para sa kanya.

8:05 pm
Gusto ko lang din magpaalam sa'yo dahil importante ka sa kanya. Nagsabi na rin ako kina Peyton at Mads.

8:06 pm
Sabi ko nga, hindi mo na ako problema.

8:07 pm
Alam mo na gagawin ko sa'yo, 'di ba? Babantayan kita. ☠️

8:08 pm
Thank you, Zy.

8:09 pm
Patingin ako ng proposal ha. Paranas naman makita si Rafi umiyak dahil masaya siya.

8:10 pm
Oo naman. Nando'n ka, pangako.

8:11 pm
Love her better, okay?

8:12 pm
No comparatives, Zy. I'll love her at my best.

Part Two: Not Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon