205.

1K 42 1
                                    

ANTHONY

Isang linggo nang hindi umuuwi si Rafaela sa condo, pero dumadaan siya kapag wala ako para mag-iwan ng mga pagkain at notes. She reminds me of her love even when she is not here.

Even when she is losing for me.

I've been missing her a lot these days kaya hindi ako matagal nananatili sa condo nitong mga nakaraang araw. Bukod sa abala rin naman sa ospital, ramdam ko sa apat na sulok nito ang kawalan niya.

Pero kailangan kong irespeto ang pahinga niya. Alam ko na mabigat din sa kanya ang mga nangyayari, lalo pa't sabay-sabay... at kahit sabihin pa na may espasyo siya para sa pang-unawa.

It's the least I can do for her, dahil sa dami nang hindi ko mapunan... hindi ako papayag na siya ang maging kapalit at maubos nang tuluyan para sa akin.

"Good night," I told her on the phone while she is on the other line.

She calls me every night to ask about my day and I try to sound cheerful so I wouldn't make her worry, then I divert the topic by changing it until it's time to say good night.

"Good night," I heard her say before there is a long pause between us, like we both want to say more... but it always ends with silence and beep.

I fell asleep after the call, dahil sa pagod. Hindi ko na namalayan ang oras pero marahan kong idinilat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagbalot sa akin ng kumot.

Lumingon ako para bumaling sa kanya nang humiga siya sa tabi ko at tahimik naman siyang yumakap sa akin. Sumiksik siya sa dibdib ko kaya inayos ko ang kumot para dalawa kaming sakop nito.

"I'm home," she whispered to me.

I nodded quietly as I wrapped my arms around her. Hindi ako sanay na may natutulog sa tabi ko dahil madalas akong mag-isa kahit no'ng bata pa. Pero simula nang dumating siya... at nanatili, palagi akong nag-i-iwan ng espasyo sa kama ko para sa kanya.

Alam kong masikip 'yon para sa aming dalawa pero sa kanya ko lang nararamdaman ang gaan... ang pahinga. At do'n ako humahanga sa misteryo ng pagmamahal. Kung paano napapagaan ng pag-ibig ang bigat, kung paano nagiging kahulugan ng pahinga at pagmamahal ang isang tao'ng tulad niya... para sa akin.

Nag-i-isa at bukod-tangi.

"Welcome home, Rafaela," I whispered, before planting a soft kiss on her forehead. "Araw-araw, 'di ba?"

"Araw-araw, Anthony."

Part Two: Not Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon