230.

1.1K 39 5
                                    

RAFAELA

Naunang umuwi sa condo si Tunying bago ako binalikan ni Zy sa apartment ko para ihatid dito. We're trying to be more careful now, lalo pa't hindi kami pwedeng makita ni Ace na magkasama kaya do'n ako nagpapahatid sa sarili kong place. Sigurado kasing magsasabi siya sa ninang niya kapag nagkataon.

They're still working together, kahit pa sinabi ni Anthony na handa ang nanay niyang bitiwan si Ace para sa kanya. I think that for Anna, it's just a matter of who she will benefit more before she finally decides who she will drop between the two of them.

Pero para sa akin, matagal na niyang binitiwan si Anthony. Kaya wala siyang karapatang umasa sa anak niya ngayon. I get that she is still his mom, pero pagkatapos ng mga nakita at narinig ko mula sa kanya, I don't think I'll ever see her that way.

"Uy..." mahina kong tawag kay Anthony nang pumasok ako sa unit niya. Nakatalikod siya sa akin habang nasa sala at  may nakahilerang iba't ibang appliances para sa pagkukumpuni.

"I'm busy," he coldly said. Inabala niya ang sarili sa pagbubutingting habang may grasa na ang parehong kamay niya.

"Galit ka?" malambing kong tanong nang lumapit ako at yumuko sa harap niya. Katabi ko ang elisi ng electric fan na inaayos niya kaya inusod niya 'yon at umiwas sa akin.

I amusedly watched as his muscles flexed while he was trying to put the screw back. Napakagat ako sa labi ko habang pinipigilan kong tumawa. Alam kong sinasadya niyang ipakita sa akin ang biceps niya dahil sa suot niyang tattered shirt na ginupit pa ang sleeves, kaya hindi niya maikabit nang maayos ang screw dahil inuuna niyang magpapansin habang nagpapanggap na galit.

"Pa-yummy," tawa ko nang hindi ko na mapigil. Sandali ko siyang iniwan para ibaba ang gamit ko bago ako muling bumalik kung nasa'n siya. Hindi niya pa rin ako kinikibo pero napapansin ko na sumusulyap-sulyap siya sa akin.

"Makapungot..." rinig kong sabi niya habang nakatalikod sa akin. Iritado ang tono ng boses niya kahit hindi ko nakikita ang ekspresyon sa mukha niya. "Nganong nadugay ka?"

"Gusto ko mo-bonding nimo ug dugay-dugay," sabi niya nang lumambing ang boses. "Gimingaw ko nimo..."

"Anthony, wala akong naiintindihan," paalala ko sa kanya tsaka ako lumipat sa harap niya para salubungin ang tingin niya. Napakamaywang ako habang nakataas ang kaliwang kilay at naghihintay sa paliwanag niya.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga bago binitiwan ang tools na hawak. Pinunasan niya ang kamay sa basahan para alisin ang grasa rito pero may naiwan pa ring nakakapit sa kamay niya.

"Sabi ko, nakakairita. Bakit ang tagal mo? Gusto ko nang mas maraming oras kasama ka. Kasi miss kita," sunud-sunod niyang sabi.

I knew Anthony learned Bisaya from his stay in Cebu for a year. But I never hear him use it, until recently. And now I know why. He only speaks Bisaya when he's jealous of Ace.

Hindi siya ganito noon. Siguro ay dahil hindi naman nakakalapit sa akin si Ace. Pero ngayong kailangan naming magpanggap para makuha ang loob ng mag-ninang, hinahayaan ko.

"Nagseselos ka..." punto ko at nag-iwas siya ng tingin.

"Yata?" hindi niya siguradong sabi. "Unang beses ko 'tong naramdaman. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag."

"Hindi ako madamot, Rafaela... or that's what I thought," dagdag niya nang tumitig sa akin. "When I was younger, I always share my toys. I always let the other kids go first. But with you? I can't."

"I don't like sharing you," seryoso at diretso niyang sabi. "Even if it's just pretend."

I saw him licked his lower lip, bago siya naglakad palapit sa akin. Hindi ako gumalaw mula sa kinatatayuan ko at hinayaan lang siya. Bahagya siyang yumuko at itinaas ang baba ko.

"Madamot pala ako pagdating sa'yo, Rafaela. Hindi ako nakakahinga kapag nakikita kita sa iba," dagdag niya.

"Ikaw ra man," I whispered the only Bisaya phrase I know that I just heard from a song. Now, it holds a deeper meaning for me. "Ikaw lang naman, Anthony. Ikaw lang, para sa akin."

"I'm sorry. It's such a petty thing to feel when I know you're just doing this for me," he sighed. Isinandal niya ang noo sa akin at marahang hinalikan ang tungki ng ilong ko. "Ayokong masanay sa gano'n."

"Ayaw rin kitang sanayin sa gano'n," paninigurado ko.

"Natatakot lang din ako na baka mapahamak ka..."

"I have you, Anthony... why should I be scared?"

"I'll keep you safe," he promised.

"I'll keep you steady," I uttered before planting a soft kiss on his lips. "Clean up, Tunying. Let's have dinner."

"What do you want to eat?" he asked and I tiptoed so I could whisper to him.

"You," I even giggled after softly biting his ear. He blushed. "Kanina ka pa nagpapa-yummy d'yan. Halika na."

Napanganga siya sa ginawa ko at kumindat lang ako bago dumiretso sa kwarto. He immediately followed me and locked the door.

We'll probably clean up after.

Part Two: Not Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon