211.

856 31 4
                                    

RAFAELA

I used to enjoy working here at Lee Lim Tuviera Law. It might be my first firm as an associate but it has been a healthy working environment for me, and I like how they mentor me until it's just suffocating because of Ace. 

Ayokong umalis sa trabaho. I don't want to give this up, not when I've already lost myself once for the same guy. Pero mas makakabuti rin kung lumayo ulit ako sa kanya. I can block him all I want and in all my social media accounts, but if I keep seeing Ace at work then he won't stop. 

"Come out," I saw how Anthony mouthed those words when I looked up after I heard him knocking. Kitang-kita ko sila ni Ace mula sa glass door ng opisina ko habang pareho silang nakatayo sa tapat nito.

I smiled at his direction and he winked at me. My boyfriend is wearing a white short-sleeved polo with black pants that falls just above his ankles. He paired it with his black loafers and of course, that black leather belt with letter 'H' in the middle—his favorite.

Kinuha ko lang ang bag at bundle ng mga papel para sa kaso na hawak ko bago ako lumabas ng opisina. Agad na humarang sa harap ko si Anthony bago niya binuhat ang mga dala ko sa isang kamay niya. Humawak ako sa braso niya at ipinulupot niya ro'n ang kamay ko bago kami sabay na naglakad para lagpasan si Ace.

"Anthony..." tawag ni Ace habang nanatili siya sa pwesto niya sa harap ng opisina ko. Sabay kaming huminto ni Anthony para lingunin siya.

"May tanong lang ako," duktong niya habang nakatingin sa amin. Nakapamulsa siya sa itim niyang pantalon habang bukas ang dalawang butones ng barong niyang suot. "Bakit hindi ka mahal ng nanay mo?"

Nagtataka akong tumingin kay Ace. Hindi ko alam kung paano niya nalaman 'yon pero nakita ko kung paano ikinuyom ni Anthony ang palad niya habang tiim-bagang siyang nakikipag-sukatan ng tingin dito. Galit ang ekspresyon sa mukha niya pero wala siyang sinabi at ibinaba niya lang ang kamay kong nasa braso niya bago hinawakan 'yon.

"Let's go, Rafaela."

"Ninang Anna was a better mom to me than to you," ngisi ni Ace. "Kaya pala niya 'no? Kaya niyang maging nanay pero bakit hindi sa'yo? Siguro kasi... ang hirap mong mahalin."

Nanlamig ako sa narinig. That's why he knows Anthony's background... because he's the spawn of the devil herself. Mag-ninang lang, pero mas bagay mag-ina.

"That's enough, Ace!" pigil ko sa kanya nang makabawi ako mula sa nalaman.

Nanatiling nakatayo si Anthony sa harap niya kahit hinihila ko na siya para umalis. Parang siyang nanigas sa pwesto habang patuloy si Ace sa mga sinasabi niya.

"Mahirap ka nang mahalin, hindi ka pa marunong magmahal..." nang-i-insulto pa siyang nagpakawala ng tawa. "Kung hindi mo alam ang pag-ibig, ano sa'yo si Rafaela? Pampalipas oras? Pampainit ng gabi? Pampuno ng kulang?"

Do'n lang pumitik si Anthony, nang pangalan ko na ang binabanggit ni Ace. Napasinghap ako ng bumagsak ang bag ko at mga papel na hawak niya bago niya hinablot ang collar ng barong na suot ni Ace. Namumula ang mukha niya habang galit na galit ang mga mata niya.

"Ano'ng sinabi mo!?"

"Parausan mo lang si Raf—"

Bago pa natapos ni Ace ang sasabihin niya, lumapat na sa pisngi niya ang kamao ni Anthony. Bumagsak siya sa harap namin at napaupo sa sahig. Hinawakan niya ang duguan niyang labi pero nanunudyo ang ngisi niya nang muli siyang bumaling sa amin.

"That got through you, huh?" sabi pa niya.

"Pwede mong sabihin kahit ano tungkol sa akin, Ace. Pero 'wag na 'wag mong iinsultuhin kung ano si Rafaela para sa akin," mariin na sabi ni Anthony. "You have no right to define my love for her the way you did. You have no right to question what you couldn't give her."

Mabilis na pinulot ni Anthony ang mga nahulog na gamit bago siya marahas na tumitig kay Ace.

"Mas nakakaawa ang mga taong akala na alam nila ang konsepto ng pag-ibig pero hindi marunong magbigay nito sa tamang paraan," pakawala niya. "So I'd rather not know love, Ace. As long as I know Rafaela, she will always be the definition of every beat inside me. She will be every meaning of what you said I couldn't understand."

Muli niyang hinawakan ang kamay ko. Marahan kong pinisil ang sa kanya bago namin sabay na tinalikuran si Ace.

"You know I can sue him, Rafi..." rinig kong habol ni Ace.

"Then we'll see you in court, Ace," sagot ko bago kami tuluyang lumabas sa firm.

Part Two: Not Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon