225.

846 34 4
                                    

Zy-tanas

5:34 pm
Oh, wow. At least, hindi sasakyan ko iniiyakan ngayon.

5:35 pm
Nakikialam ka! Akin naman 'tong si Jimny Neutron. Iiyak ako kapag gusto ko.

5:37 pm
Pinigilan ba kita, Hudas?

5:39 pm
Kita mong nagyoyosi na nga lang ako dito sa labas habang binibigyan kita ng privacy.

5:41 pm
Gawain ko na nga 'to kay Rafi, gawain ko pa sa'yo.

5:43 pm
'Wag mo munang sabihin kay Rafaela. She'll be worried. I'll tell her later.

5:45 pm
Basta sabihin mo ha? Ayoko rin naman manguna.

5:46 pm
May kailangan ka ba d'yan?

5:47 pm
Wala naman. 'Wag mo lang ako i-judge.

5:48 pm
Hindi naman kita huhusgahan kapag ganitong personal. Gaguhan lang tayo pero 'yong ganito, nirerespeto ko.

5:50 pm
Kinuha ba ng nanay mo 'yong sobre ng pera?

5:51 pm
Lahat. Nagpadagdag pa.

5:53 pm
Tibay rin ng nanay mo 'no?

5:54 pm
Nakikinig ka pala, akala ko may kausap akong hangin.

5:55 pm
Tanga! May pakialam naman ako sa'yo.

5:56 pm
Sasamahan ba kita kahapon tsaka ngayon kung wala?

5:57 pm
Salamat.

5:58 pm
Basta 'wag mo nang sasaktan si Rafaela, hanggang kaya mo. Sasamain ka sa akin.

6:00 pm
I'll do my best, Zy.

6:01 pm
Tsaka ano, siguro 'di mo naman kailangan magtiis sa nanay mo. Kahit pa naaawa ka sa pinagdadaanan niya ngayon.

6:02 pm
Natatapos din naman ang pagiging anak, Tunying.

6:03 pm
Kailan?

6:04 pm
Kapag sila ang unang tumalikod.

6:05 pm
But that's the thing, Zy... kasi kahit nasasaktan ako, kahit ako 'yong kapalit, ako pa rin ang unang lumilingon.

Part Two: Not Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon