270.

1K 35 2
                                    

ANTHONY

Nagsimula akong mahilo nang lumabas kami sa Pura Vida ni Zy. Nakapaglakad pa ako papunta sa kotse niya kaya akala namin pareho, may tama lang ako. Nang nasa shotgun seat na, do'n na nagsimulang umakyat ang alak sa sistema ko... at sa lalamunan.

Narinig ko nang napamura si Zy pagkatapos marinig ang pagduwal ko. Mabilis niyang binuksan ang pinto sa gilid ko tsaka ako itinulak, kaya lupaypay akong napasubsob habang may suporta mula sa seatbelt. Inis na inis siyang marumihan ang loob ng sasakyan niya kaya ibinaling niya ako sa semento para ro'n sumuka.

"Puta..." mahinang pakawala ko habang inilalabas ng sistema ko ang alak at pulutan. "Hawak... mo... 'ko. Tang ina..."

Dumulas ako mula sa inuupuan ko kaya naitukod ko na lang ang palad ko sa semento habang patuloy na sumusuka. Muling napamura si Zy bago siya bumaba ng sasakyan at inayos ako sa pagkakaupo.

"Tapos ka na ba? Shot ka pa nang shot, hindi mo naman pala kaya!" iritado niyang pakawala.

Tumango ako sa tanong niya bago pumikit. Isinandal ko ang ulo sa headrest ng shotgun, habang sandaling nawala si Zy na bumalik din naman para daluhan ako.

"Uminom ka," utos niya nang i-abot na sa akin ang bottled water. Umiling ako kaya binuksan niya 'yon at itinapat sa bibig ko. "Inom. Bilis."

Inalalayan niya akong uminom ng tubig kaya nawala ang pait sa bibig ko. Marami nga kaming nainom pero hindi naman normal sa akin na mabilis malasing. I'm guessing this happened now because I haven't had a decent sleep yet and I'm tired. Isang araw pa lang din naman ang lumilipas pagkatapos ng mga nangyari kaya hindi pa ako napapahinga.

Isang araw pa lang... pero parang ang haba at ang tagal na nito para sa akin.

"Ibinili rin kita ng noodles. Higupin mo 'yong sabaw para mahimasmasan ka. Hindi kita i-u-uwi kay Rafi ng ganyan," pagpapatuloy niya pero muli akong tumanggi.

"Oh, ako na," sabi niya na lang sa nagtitimpi niyang tono. Itinapat niya ang plastic spoon sa bibig ko kaya marahan akong humigop. Naramdaman ko ang init ng sabaw sa sikmura ko kaya hinawakan ko na ang cup ng noodles at do'n na sumimsim.

I started feeling a little better after that but he didn't drive. We just stayed inside his car as he quietly wiped my stained shirt with wet wipes, while he annoyingly sprayed alcohol all over me. Natuluan ang damit ko ng suka kaya alam kong naging makalat pa rin ako kahit hindi ako sa loob ng sasakyan niya inabutan.

Hindi ko namalayan kung ilang oras kaming nanatili ro'n pero nang muli kong idinilat ang mga mata ko, nag-ka-kape na siya sa tabi ko. We are still parked alongside a curb, nasa Poblacion pa rin.

"Ilang oras na tayong nandito?" tanong ko sa garagal na boses at nakita kong tumingin siya sa relo niya.

"Mag-da-dalawa na. You fell asleep," sagot niya bago ngumuso sa dashboard. "There's another water. Drink it."

"Thanks," maikli kong sagot.

"Bakit... hindi mo pa ako inuwi?" nahihiyang tanong ko sa kanya. Alam kong iritado siya dahil sinusubukan niya pa nga lang akong magustuhan para sa best friend niya, nagpaalaga pa ako.

"Baka susuka ka pa o kung ano. Hindi ka kaya asikasuhin ni Rafi mag-isa," kibit-balikat niyang sabi. "Uwi na tayo?"

Bumaling ako sa kanya pagkatapos kong ibaba ang tubig sa cup holder ng sasakyan niya.

Part Two: Not Like the MoviesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon