Kabanata 10

6.3K 469 40
                                    

Evan Dos Santiago

***

"Evan," sumalubong mula sa kabilang linya ang boses ni Calius na tila hindi mapakali.

I signaled my assistant to go out of my office before I respond to Calius. Nang tuluyan nang sumarado ang pintuan ng opisina ko ay saka ako umimik. Sinampa ko na rin ang dalawa kong paa sa lamesa habang nakatanaw sa matataas na gusali at nga kotse sa baba.
mula rito sa aking kinauupuan.

"Yo, ano iyon?" imik ko.

Bihira lamang tumawag sa akin ang pinsan kong ito na si Calius. Well, he's busy with their company and his studies. Aside from that, he's working under Fujiwara Empire. He's under Kaito Fujiwara's gang.

Mafia mafia, whatever it is. It's his business. His source of income.

"Kailangan ko ng tulong. Masyadong malayo 'to, Mindanao. Makakapagpadala ka ba ng tao roon?"

Binuga ko ang usok ng sigarilyo ko habang nakakunot ang noo. Mindanao? That's damn far, I'm at Batangas.

Well, I'm not that busy naman. I'm still working on my papers about Guevara Company.

"Anong gagawin sa Mindanao?" sunod kong sinampa ang magkabila kong paa sa swivel chair ko at nagpaikot - ikot habang hinihintay ang pag-imik niya.

"May ilegal na ampunan doon, may gusto akong ampunin na bata," sagot niya dahilan para kamuntikan na akong mahulog sa pagpapaikot-ikot ko sa upuan. Nadali ko rin ang tasa ng kape ko na wala nang laman kaya nahulog ito ang nabasag habang ang mga papeles naman ay nahulog sa iba't - ibang bahagi ng sahig.

Tumayo ako. Gulat at hindi makapaniwala.

"Ano? Nababaliw ka na ba? Ang bata bata mo pa-"

Naunahan pa niya akong magkainteres sa pagkakaroon ng anak! Ako nga, wala man lang plano na magkaroon kahit isa! Tapos siya meron!

"I have money for this, please," he begged. "Baka maunahan ako sa bata. Kailangan ko ang bata."

Natulala ako sa tanawin at hindi pa rin maproseso sa utak ang narinig. Magaampon siya? Para ba ito sa misyon o gusto talaga niya?

Baka naman para sa misyon lang. Tama. Mafia mafia siya. Baka gagamitin niya sa misyon. Tama . . .

"Fine," mahina kong sagot at pilit kinukumbinsi ang sarili na para lamang iyon sa trabaho niya.

"Fuck, thanks," tila ba nabunutan ng tinik ang tinig niya na kanina'y halos hindi mapakali. "Tell them I'll pay a million for Amanda, the kid with white hair and green eyes."

Nang matapos ang tawag na iyon ay hindi pa ako lumabas ng aking opisina. Tila ba pinagiisipan at nagdadalawang isip pa ako kung gagawin ko ba.

Masyado pa siyang bata upang mag alaga ng bata. Talagang milyon ang ibabayad niya upang makuha ito. Pera niya . . . Hindi pera ng mga Fujiwara. Ibig sabihin ba noon, siya mismo ang talagang aampon at aalaga sa bata?

Two more days came, I received a package from Calius. Naglalaman iyon ng pera at mga papeles. I stared at the envelope and decided to open it. Well, ako ang inatasan niya. Nararapat lamang na malaman ko ang laman ng mga ito.

Pictures.

Mabilis na kumunot ang noo ko nang makilala kung sino ang nasa litrato. Maamos, umiiyak at matalim ang tingin sa matandang nakatayo sa kaniyang harapan.

May puting buhok, matalim na mga matang kulay berde at may maputi rin na balat.

This can't be real . . .

Barangay Series #3 : Calius DashkovWhere stories live. Discover now