Kabanata 25

5.9K 354 33
                                    

Amanda’s POV


"O-oo . . . Si Papa. Si Calius Dashkov."



Napatango - tango siya habang hawak ang baba niya. Mas gumanda talaga si Mingming ngayon. Maikli na ang buhok niya, halos abot lamang iyon sa ibaba ng tenga niya't nagkaroon ng din bangs. Bumagay sa kaniya. Mas nagmukha siyang mataray.




"Now I know why he called . . ." Pabulong niyang wika. "Anyways, let's not talk about it. Kumusta ka sa puder niya? Hindi ka ba niya sinasaktan?"




Kumunot ang noo ko at umiling.





"Hindi. Nakakakain na ako tatlong beses sa isang araw." Ngumiti ako. "Tapos pinagaaral na ako ni Papa. May sarili akong kwarto tapos mga laruan."





Napangiti siya sa narinig.





"T-tapos . . . malaki yung bahay namin. Malinis at saka may swimming pool. Pero hindi ako pinapayagan ni Papa maligo dun kasi maliit pa raw ako. Saka na raw kapag malaki na ako."






"Yeah, that's right." Tumango siya. "I wonder why you aren't growing up . . . Like . . . Literally grown up. I mean, you didn't change. Look at you, Amanda. You look the same size as I left you in that hell like Orphanage."






Ngumuso ako. "Magtagalog ka naman."





Napakamot siya ng kilay. "Hindi na ako magaling sa Filipino. Medyo . . . kalimot ko na ang ibang wordings."





Tumango na lamang ako.





"Sabi ko, hindi ka lumaki. Taas, tall. Gano'n." Ginamit niya pa ang kamay niya upang gumawa ng mga aksyon.





"Hindi ko nga alam," bumuntong hininga ako. "Pero may iba akong nararamdaman sa katawan ko." Tiningnan ko siya daretsyo sa kaniyang mga mata.




"What is it?"





"Parang kasi . . ." Nilaro ko ang mga daliri ko. "Hindi lang ako ang nasa katawan na 'to. Parang . . . Parang yung pakiramdam na may kahati ako sa katawan na 'to. Yung minsan, kapag galit ako, kapag nasa kapahamakan ako ay iba na ang kumokontrol sa katawan ko."





"You're a robot?" Bulong niya.





"Hindi!" Kinamot ko ang pisngi ko. "Nasa loob - loob ko na talaga. May nagsasalita sa isipan ko, may kumukontrol sa galaw ng katawan ko. Kagaya nung kapag nakakapatay ako. Hindi ako yun. Iba. Yung ibang tao sa katawan ko 'yon."





Umayos siya ng upo sa narinig sa akin.





"You mean, mismo. May iba mismong kumokontrol ng katawan kapag upset ka?" Tanong niya. "Hindi kaya . . . "




"Ano? May alam ka ba?" Umaasang tanong ko.





Hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ako ng kasagutan sa mga kakaibang nangyayari sa katawan ko. Gusto ko munang malinawan sa lahat bago ko ilapit kay Papa ang nangyayari.





Baka kasi . . . ayawan ako ni Papa. Itaboy niya ako. Ngayon lang ako nagkaroon ng pamilyang kumupkop sa akin maliban kina Elatasia kaya natatakot akong itaboy ako ni Papa.





"I heard my father talking about a kid that looks the same with Calius' twin sister," wika niya at nilingon ako. "Hindi kaya ikaw 'yon? Dahil magkamukhang - magkamukha kayo ni Calius. Hindi ko pa nakikita ang itsura ng kakambal niya pero parang imposible namang maging kamukhang - kamukha mo ang umampon sa 'yo?"






Barangay Series #3 : Calius DashkovWhere stories live. Discover now