Kabanata 24

5.7K 360 62
                                    

"Masarap . . ."


Natawa si papa sa binulong ko kaya naman pati sina Lolo at Lola ay natuwa sa naging reaksyon ko. Masarap ang pagkain na mga nasa hapag. Talagang ngayon ko lamang natikman ang mga ito.




Nalaman ko na nga pala ang pangalan ni Lola. Siya si Lola Tayra. Maganda siya at mabait. Sa totoo lang ay nakuha niya agad ang loob ko.




"Yummy, yummy?" Niyakap ako ni Lola, "I'm glad you loved it, apo. Lolo really made that for you. Alam mo bang hindi ka pa dumarating dito ay excited na siyang ipagluto ka?"





Naginit ang pisngi ko sa narinig. Sabi ni Diego ay hindi kadugo ni Papa sina Lolo Moises at Lola Tayra ngunit ang turing nila kay Papa ay isa na ring anak kahit nagtatrabaho lang naman si Papa para sa kanila.





"Talagang nasabi mong masarap ang pagkain kahit na butil - butil lang naman natitikman mo dahil hindi ka maalam gumamit ng chopsticks, ah?" Manghang tanong ni Diego.




Tiningnan ko ang chopsticks sa kamay ko. Dalawa ito at ang dalawang iyon ay nasa magkabila kong kamay dahil hindi ako maalam.




Natawa ako at ngumuso dahil sa hiya. Pinayagan naman nila akong gumamit nito dahil hindi naman nila ako mapipigilan, eh?




"Finish your food na!" Wika ni Lolo. "Your other cousins are there to play with you. Marami silang toys, bears and other stuffs."




Parang lumaki ang tainga ko sa narinig ngunit agad na napawi nang mapagtanto ko kung ano bang ipinunta ko sa lugar na ito. Napalunok ako at nilingon si Papa.





"Yes, baby?" Agad niyang tanong nang lingunin ko siya.





"Papa, si Mingming . . ." Mahina kong wika. "Bakit wala si Mingming dito?"




"Nasa training field pa si Taylor, apo . . ." Bulong sa akin ni Lola Tayra. "She's with her brothers. Baka maya - maya lang ay paparating na sila, huwag kang magalala. May oras ka pa makipaglaro sa mga pinsan mo bago siya dumating."




Napabuntong hininga ako ngunit napatango - tango naman. Wala naman akong magagawa kundi makinig sa kanila, eh?




Sabay - sabay naming nilingon ang isang lalaki nang pumasok siya sa kusina. Natigilan din siya at kumunot ang noo nang makita kami.





"Kaito," tumayo si Papa.




Kaito? Sino siya?




Matangkad siyang lalaki. Maputi at singkit ang mga mata. May maputi rin siyang balat na kasing puti ng kay Papa. May hawak siyang helmet sa kanan niyang kamay at magulo ang buhok ngunit hindi ito naging dahilan upang magmukha siyang hindi kaaya - aya.




"What the heck are you doing here? Didn't you have a job at Turkey? I ordered you to-"



"Urusai!" Putol sa kaniya ni Lolo Moises.



Nanatiling nakakunot ang noo ng lalaki at nilingon ako. Unti - unting nawala ang pagkunot ng noo niya at umawang ang labi. Dinuro niya ako.




"S-sore . . . Sore ha . . ." Tila hindi niya makapaniwalang wika niya.




"Yeah . . ." Kamot batok na wika ni papa. "That's my daughter. She's Vadette Amanda Dashkov."




Natigilan ako sa narinig. Ito ang unang beses na marinig ko ang buong pangalan ko. Vadette Amanda . . . At Dashkov ang apelyedo ko? Katulad ng kay Papa.




Barangay Series #3 : Calius DashkovWhere stories live. Discover now