Kabanata 32

5.5K 319 18
                                    

TW : KNIFE, GUN, MENTION OF HARM


"Pinagbantaan na kita."

Napatigil ako sa pagaayos ng palaso sa isang tabi at nilingon si Diego na nasa kama at nagpapahupa ng kaniyang sugat. Napangisi ako nang kaunti sa itsura niya.

"Mabilis na makakarating sa iyong ama na pumatay ka ng Mulawin hanggang sa malaman niya kung bakit at para kanino."

I sighed, "malinis ako magpatahimik."

Mariin siyang pumikit.

"Demonyo ka, Calius." Aniya habang nakapikit. "Wala kang puso."

I chuckled and scratched the end of my brow.

"I have heart, Diego. The only problem is it is not beating." Biro ko. "May puso ako."

"Evil." Bawi niya.

"Yeah?" I whimpered while chuckling.

Natahimik na siya matapos ang inimik kong iyon kaya naman iniwan ko na siya sa kwartong iyon. Nilingon ko ang bintana at nakita ang bilugang buwan doon bago pinihit ang tingin sa nakasaradong kwarto ng aking anak.

After a while of staring at it, I found myself opening the doorknob slowly to check her up.

I silently put my gun on the table and took off my gloves.

"Hmm . . ." Tinanggal ko ang buhok na humaharang sa kaniyang mukha at hinaplos ang pisngi niya. "I don't think I can sleep peacefully seeing you suffer . . . " I whispered.

Nagpatak ako ng halik sa kaniyang noo.

"I'm sorry for making your life miserable, baby."

Gumalaw siya nang kaunti kaya tinigil ko ang pagsasalita ko ngunit nanatiling nakatingin sa kaniya. Matapos ang paghanga sa natural na ganda nito, kinumutan ko siya.


Hindi maalis sa isipan ko ang katotohanan. She looks like her and everything looks like connected to Carmela. Unti - unti nang nabubuhay ang kapangyarihan ni Carmela sa katawan niya.


Kailangan kong malaman kung tunay bang siya talaga si Carmela. Bago pa mahuli ang lahat, dapat kong pigilan ang dapat mangyari. Alam kong . . . may kapalit ang pagbabalik niya.


At hindi dapat ito mangyari.

"Bampira."

Mabilis akong nagtago sa katawan ng isang malaking puno at pinakiramdaman ang paligid.  I stopped breathing and closed my eyes.

Four.

They are four. Four Mulawin already felt my presence.

"Wala namang naging pasabi ang Panginoong Silas na siya'y bibisita sa kabundukan, 'di ba?" Dinig kong tanong ng isa.

"Wala. Isa pa, hindi panahon ngayon ng pagbisita. Sino kayang bampira ang nasa paligid?"

"Delikado kung may nakapasok na bampirang hindi natin kakilala, paano kung panganib ang dala nito?"

"Maglibot kayo, siguraduhin niyong hindi siya makapapasok ng palasyo hangga't hindi natin siya nakikilala."

Narinig ko ang mabilis na paghakbang nila at ang ingay ng kanilang mga pakpak senyales na lumipad ang ilan sa kanila para ikutin ang kabundukan.

They can't do anything about my decision. They may be fast and can fly but I have immortality and 2x faster than them.

Mabilis kong napasok ang kweba kung saan maraming kilalang tanyag na mulawin ang taga bantay. Isa na rito ang may dugong bughaw na si Waku, kapisanan ng mga Matibag. Narito kasi sa kweba ang libro.

Barangay Series #3 : Calius DashkovWhere stories live. Discover now