Kabanata 26

6K 357 69
                                    

Amanda's POV


"Here, have it."

Nagningning ang mga mata ko nang makita ang inabot sa akin ni Taylor. Isa itong gintong kwintas na may pendant na pahaba. Napakaganda.


"Sa akin na lang ito?" Manghang tanong ko.

"I bought that years ago. Naalala kita kaya binili ko." Wila niya at dinampot iyon sa palad ko. "Akin na, ikakabit ko."

Hinawi ko ang buhok ko upang mapadali siya. Nang matapos na niya isuot sa akin iyon ay dali - dali akong nagpunta sa harap ng salamin at tiningnan ang sarili.

Ngiting - ngiti ako nang lingunin ko si Taylor. Ngumiti siya nang matamis.

"It suits you, Amanda." Mahina niyang wika. "You look elegant."

Namula ang pisngi ko at hinawakan ang pendant. Wala si Papa ngayon sa Japan. Ito ang ikalawang araw ko rito habang si Papa ay nagtatrabaho. Sabi niya, kailangan niyang sumakay ng airplane bago siya makarating sa trabaho niya pero malapit lang naman kaya hindi dapat ako magalala.

"Uuwi na agad kami bukas," lumabi ako.

"It's okay," malambing niyang sabi. "Hindi pa nakakakalahati ang araw ngayon kaya marami pa tayong p'wedeng gawin. Next time, ako naman ang bibisita sa 'yo."

"Talaga?!"

Tumango siya.

"Kaso madalang lang. It's not safe for you to meet me all the time, Amanda. They can use you against me." Pumait ang kaniyang tinig. "Naiintindihan mo ba?"

Tumango ako nang marahan. Pareho sila ni Papa na ganoon ang sitwasyon ngunit naiintindihan ko iyon. Hindi naman ako tanga para hindi malamang may sangkot na patayan sa trabaho nila dahil kikailangan pa ni Taylor magtraining para lang maprotektahan ang sarili niya.

Dumaan ang buong araw na puro kami paglalaro at pagkain. Kahit hindi naman na hobby ni Taylor ang paglalaro dahil malaki na siya ay sinamahan niya pa rin ako maglaro kasama ang mga batang Fujiwara.

Natigilan ako at napatitig sa laruan na hawak ko at tiningnan si Taylor na nakaupo sa tabi ko't nakikisama lamang.

"Why? Is there any problem?" Tanong niya nang mapansin ako. "Amanda, are you okay?"

"Hindi talaga ako lumalaki, ano?" Mahinang tanong ko.

Natigilan siya at nanatiling tahimik. Alam kong hindi rin nawawala sa isipan niya ang hindi ko paglaki.

"Ikaw, may hawak ka nang baril at malaki ka na. Dalaga ka na. Nagbago na at itsura mo. Pero ako . . . ito, naglalaro pa rin ng mga laruan at interesado pa rin sa mga ganito. Hindi pa masyadong maalam magbasa at magsulat," nilingon ko siya.

"Amanda . . ."

"Napaisip ako kung dumaan pa ba sa pagiging sanggol ang katawan ko bago ako nabuhay sa mundo o nang mamulat ako sa mundo ay ito na talaga kaagad ang katawan ko?" Tanong ko na bahagyang kinanlaki ng mga mata niya.

Nagiwas siya ng tingin.

"Stop thinking about it, Amanda. It's not important." Binitawan niya ang laruan.

"Importante iyon para sa akin kung hindi importante para sa 'yo, Taylor. Buhay ko 'to," wika ko. "Natatakot ako sa mismong sarili ko dahil hindi ko kilala ito."

Nanatili siyang nakaiwas ng tingin sa akin. Tumayo siya at walang imik na lumabas ng kwarto. Malungkot kong tiningnan ang laruan sa sahig.

"Amanda, why do you look sad?" Tanong ni Chiko. Pinagaaralan na nila ang ingles.

Barangay Series #3 : Calius DashkovWhere stories live. Discover now