Kabanata 27

5.5K 350 20
                                    

"Relief goods? Okay na ba?"



Busy ako sa paco-color ng bagong libro ko na galing kay Teacher Lilith nung isang araw habang sina Papa at Diego pati na rin ang mga tauhan ni Papa ay busy kakaayos ng mga grocery para sa nasalanta ng bagyo.





Hindi ko mapigil ang sarili kakaisip kung gaano kalakas si Elatasia. Tunay na nangyari ang binulong niya kay Dakila bilang paghihiganti sa pagpatay sa pinsan nito.





Isang bagyo . . . na kikitil ng buhay ng maraming tao. Ito ay parusa sa kanila bilang mapangabuso sa kalikasan.




"Anak, let's go na."




Agad akong tumayo sa pagkakaupo ko at sinuot ang bag ko na puno ng laruan at tinakbo ang distansya namin ni Papa. Kumapit ako sa kamay niya at tahimik na sumunod sa paglalakad.




Alam kong papunta kami sa plaza ng isang paaralan dahil naroon ang mga nasalanta ng bagyo. Tunay na nakapagtataka dahil ang palibot ng bahay namin ay tila hindi tinablan ng bagyo kumpara sa mga nadaraanan namin na sirang - sira ang mga tirahan.





"Papa . . ." Tawag ko nang akmang bababa na siya sa kotse.




Nilingon niya ako. Nagkatinginan sila ni Diego.




"Suotan mo muna ng contact lenses," sabi ni Diego. "Hindi p'wedeng magtaka sila sa nagniningning na berdeng mga mata ng bata."





Kumunot ang noo ko.





"She can't bare it. She's a child," seryosong sabi ni Papa. "Sa susunod na lang. Anak, dito ka muna sa loob ng kotse. Kasama mo si Diego. Okay lang ba?"





Marahan akong tumango at sinandal ang ulo sa bintana. Mula rito ay tanaw - tanaw ko ang mga kawawang tao na naroon at mukhang sabik sa mga box na inilalabas ng mga tauhan ni Papa.





"Are you sure?" Marahan na tanong ni Papa.





Nilingon ko si Papa. "Opo, okay lang po. Ayoko po bumaba."





Ayokong bumaba dahil alam kong hindi naman p'wedeng malaman ng mga tao na may anak si Papa. Wala rin naman akong balak magpakilala sa kanila. Sila ang pumatay sa pinsan ni Papa. Sila ang nagpaiyak kay Papa.




Kahit nakikita ko silang masaya sa mga nakukuha nila mula kay Papa ay hindi ko magawang ngumiti. Tila wala silang kaalam - alam na ang buhay ng kanilang mga minamahal ay kapalit ng buhay na kinitil nila na pinsan ni Dakila.





Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang bumukas ang pintuan ng kotse. Lumalabas na si Mccoy ito.





"Hoy, Mccoy! Bakit mo binuksan?!" Tarantang wika ni Diego. "Pasok! Bilis!"




Agad akong umisod upang makapasok si Mccoy. Agad niyang sinara ang pintuan ang nilingon ako. Kumunot ang noo ko.





"Tara, laro tayo." Mabilis niyang wika.





"Ha?" Parang tangang wika ko.





"Tuturo ko sa 'yo kung saan ang classroom namin. School covered court namin ito, eh." Aniya.





Kumunot lalo ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. Nilingon ko si Diego na nakikinig din.





"Hindi nga p'wede bumaba si Amanda. Baka makita siya ng mga tao." Sabat ni Diego.





Barangay Series #3 : Calius DashkovWhere stories live. Discover now