Kabanata 35

5.3K 332 86
                                    

10 am na kaya gumayak na ako. Shifting ang pasok ko ngayong highschool dahil sa public school lang naman ako pumapasok at ang paaralan na ito ay may hindi sapat na room para sa mga estudyante.

Grade 7 - 8 ay pang umaga, habang ang mga Grade 9 - 10 ay panghapon. Sa Grade 10 ako nabibilang at talagang kay bilis ng panahon para sa akin. Everything seems like just a dream for me.

"Ah, tangina." Pinanggigilan kong isuot ang pagkahaba - habang medyas na kulay puti sa legs ko.

Maikli kasi ang palda namin at required ang mahabang medyas para sa mga babae. Ang blouse namin ay pinapatungan namin ng coat na kulay asul at may necktie rin kami na mahaba. Color blue rin iyon.

Bumuntong hininga ako nang maisuot ko iyon. Ang paaralan ko, kailangan nang bumayahe kaya palaging si Diego ang naghahatid sa akin doon kapag papasok ako. Minsan si Mccoy pero madalas siyang busy dahil graduating na siya ngayong Senior High School.

"Okay ka na?" Hindi ko maintindihan ang inimik ni Diego dahil punong - puno ng tinapay ang bibig niya.

Pinantayan ko ang tayo niya. Miracle happened, mu height changed but still I look small. Ako ang nangunguna sa maliit sa classroom namin. I'm now a 5'2 girl.

Yeah, I know, guys. I'm small. Kung pagkukumparahin ang tangkad namin ni Mccoy, para niya akong kapatid na Grade seven.

"Sa itsurang 'to, gayak na gayak. Mukhang hindi ready?" Sarkastiko kong tanong sa kaniya at naunang naglakad palabas ng mansyon.

Humabol siya kaagad sa akin kahit na nabubulunan. Agad niya akong pinagbuksan ng pintuan para sumakay sa kotse.

Bullies. Hindi pa rin sila nawawala sa buhay ko. Some of them are just jealous of my surname. They somehow think that I am Dashkov's long lost relative.

I'm just Calius Andrei Dashkov's adopted daughter . . . . but a special one. Ang namatay na kapatid ni Calius na ngayon ay tinuturing niyang anak.

Isinandal ko ang ulo ko sa bintana at nakita ang repleksyon ko sa salamin. I stopped wearing contacts when Papa left me for his work years ago. Nagalit nang husto si Diego dahil umani ako ng atensyon sa paaralan. Lahat nang nakakakita ng aking mata, kaartehan ang tingin. Akala nila, kung anu-anong bagay ang inilalagay ko sa mata ko dahil sa mga kaartehan ko.

Sus, kahit naman hindi berde ang mga mata ko ay maganda ako.

Isa pa ang purong puti kong buhok at balat. Talagang nakakainggit, 'di ba?

"Tumawag ka sa 'kin kapag susunduin na kita o kung may pupuntahan ka pa, ha?!" Sigaw ni Diego nang bumaba ako at hindi siya hinintay na pagbuksan ako.

Habang tinatahak ko ang classroom namin, ramdam ko ang tingin ng mga estudyante. May mga Senior High School na nakakalat sa paligid dahil karugtong sila nito.

Sakto naman na pagdating ko sa paaralan ay labasan na ng mga mas mababang grade level sa akin.

"Andaa!" Sinalubong ako ni Shiela.

Shiela is my classmate since grade four. Dahil nga sa tagal ko na siyang kilala, nakakapunta na siya sa bahay namin at alam na niya ang sikreto ko. Matapat siyang kaibigan at mabait.

"Bakit parang kakaunti ang pumasok ngayon?" Tanong ko ag ibinaba ang bag ko. "Lalo na sa section natin." Ngumuso ako.

Natawa siya. "Sa tingin mo ba, masisipag pumasok mga estudyante rito sa section natin? Eh, tayo ang pinakamababang section. Saan ka kukuha ng pag asa na masisipag pumasok ang mga tao rito?"

Barangay Series #3 : Calius DashkovWhere stories live. Discover now