Kabanata 18

6.1K 382 71
                                    

"Mabuti gising ka na, Amanda."

Nilingon ko si Diego sa gilid ko bago ko nilibot ang tingin ko sa paligid. Narito muli ako sa kwarto ko. Nakahiga sa kama.

Sunod Kong nilingon ang kabilang bahagi ng kama. Naroon ang lalaking nakilala ko kanina. Si Evan.

"S-si papa? Diego?" naupo ako at pilit na nilibot ng tingin ang kwarto.

"Ah . . ." nagkatinginan sila ni Evan. "Lumabas saglit. May pinatawag lang na maggagamot sa 'yo."

"Bakit? Ano bang sakit ko?"

Wala naman akong ibang maramdaman sa katawan ko. Tanging naalala ko lamang ay nawalan ako ng malay dahil sa hirap sa paghinga.

Naalala ko rin ang pumasok na ala-ala sa isipan ko nang hawakan ko si Evan.

"Amanda," tawag ni Evan.

Nilingon ko siya.

"Habang nakahiga ka sa kamang ito at walang malay  ay iniiyak mo ang pangalan ko. Sabi mo . . . huwag kitang iwan," wika niya habang nakatingin sa mata ko.

Natigilan ako at kumunot ang noo. Akmang hahawakan niya ang kamay ko nang bawiin ko iyon.

Huwag akong iwan . . .


"H-hindi ako 'yon," mahina kong bulong. Hindi ako 'yon. Hindi ako umiimik na iyon.


Napaayos ng upo si Diego at tila natauhan sa inimik ko.

"Anong ibig sabihin mo na hindi ikaw 'yon?" tanong niya.


Umiling ako, "wala . . . Wala yun. Baka nananaginip lang ako!"


Pero sa totoo lang, natatakot na ako. Alam ko sa sarili kong kailan man ay hindi ko pa nakikita't nakikilala si Evan. Ngunit kataka-takang nasa mga ala-ala ko siya.


Sabay - sabay naming nilingon ang pintuan nang bumukas iyon. Iyon na si papa, at may kasama pa siyang babaeng matanda na may tungkod.

"Nanay Dulce, this is Amanda. My daughter," wika ni papa.

Nagkatinginan kami ni Nanay Dulce. Wala akong ibang nararamdaman tungkol sa matanda. Tila magaan ngunit nakapagtataka.

"Amanda, si Nanay Dulce. Isa siyang manggagamot sa bayan natin," sabi ni papa.


"Hello, Nanay Dulce," ngumiti ako sa kaniya.


Ngumiti pabalik sa akin ang matanda at naupo sa tabi ko.

"Anong masakit sa iyo, Amanda?" hinaplos niya ang buhok ko nang marahan.

"Wala naman po . . ." sagot ko habang nakatitig sa mga mata niya.

Sa kakatitig sa mga mata niya, nakita ko ang tunay na kulay ng mga ito. Berdeng nagniningning . . .

Berdeng nagniningning na mga mata? Elatasia!

Namuo ang ngiti sa labi niya nang makita ang reaksyon ko. Nanlaki ang mga mata ko at napangiti na rin.

Sabi ko na! Si Elatasia siya!

Si Elatasia ay mahilig magpanggap na matandang manggagamot!

"May masakit pala sa'kin, Nanay Dulce!" kumapit ako sa braso niya.

Kakaiba! Nakikita ko ang tunay na wangis ni Elatasia ngunit sina papa ay hindi!

"Ha? Saan? Sabihin mo sa 'kin," sagot niya sa akin.


Barangay Series #3 : Calius DashkovWhere stories live. Discover now