Kabanata 19

5.9K 385 78
                                    

"Tapos na! P'wede na ako maglaro sa labas!"

Nilingon ako ni papa. Tinaas ko ang hawak - hawak kong baso ng gatas at ngumiti nang malapad. Ha! Ano ka ngayon, papa?!

Kanina pa nakaalis si Kuya daddy matapos namin magtanghalian. Sabi niya, babalik siya. At sa oras ng pagbabalik siya ulit dito sa bahay namin, dala na niya ang kotse - kotsehan na laruan!

"Grabe naman, Amanda. Ano 'yan, inenhale mo lang?" wika ni Diego.

Nilingon ni papa ang bintana at saka chineck ang kaniyang relo.

"Dapat natutulog ka kapag tanghali. Tingnan mo, ang init - init sa labas. Hindi mo pa nga kilala ang mga bata d'yan. Paano kung mapano ka?" wika ni papa.

Inilapag ko ang baso ng gatas sa mesa at saka lumapit sa bintana. Oo nga. Tirik ang araw. Pero sanay naman ako sa maaraw! Noon . . .

Noon nga halos wala akong sinisilungan, eh!

"Makikipagkaibigan nga ako sa kanila, papa. May nakita ako nung papunta tayo SM, may naglalaro sa malapit. Papa, may bike sila! Tapos may hawak silang sampalok!"

"Naku po, bike pa nga," sinapo ni papa ang kaniyang noo. "Huwag ka na maglaro sa labas kung magba-bike ka. Paano kung mapano ka? Paano kung mag-dagasa ka at mapilayan? Sampalok? Kinukuha nila 'yon sa gubat kasi nandoon ang puno. Paano kung may ahas do'n? Huwag ka nang lumabas! Delikado!"

Umawang ang labi ko at pinaghahampas ang paa niya. Humalakhak si Diego dahil sa mga pinagsasabi ni papa.

"Praning ka, pre. Praning," pag-iling ni Diego habang tumatawa. "Hayaan mo maglaro ang bata. Normal lang masaktan kapag naglalaro. Ano ka ba? Hindi buo childhood memory mo kung hindi ka mapipilayan!"

"What?" singhab ni papa. "Are you insane? Look at my daughter, Diego. Look at how tiny my girl is! Yung mga kalaro niya malalaki! My daughter is too precious for them. Bawal siya masugatan!"

"Papa-"

"Hindi, dito ka na lang. Manood ka ng youtube sa tv. Sila, wala sila nito," nakapamewang niyang sabi.

"Maglaro ka na sa labas, Amanda. Hayaan mo na 'yang papa mo. Huwag ka lang lalayo."

Tiningnan ko si papa. Ngumiti ako sa kaniya bilang pamamaalam.

"Teka," pigil ni papa. "Kuhanan mo nga 'to ng towel sa kwarto. Mamaya matuyuan 'to ng pawis sa labas."

Nagliwanag ang mga mata ko at napangiti ng sobra. "Yehey! Diego, bilisan mo!"

Naupo si papa sa sofa habang nakatingin pa rin sa akin. Ngumiti ako at hindi mapakali sa kinatatayuan.

"Magpalit ka ng tsinelas. Soutin mo 'yong crocs mo para hindi matanggal kapag tumakbo ka. Huwag kang lalayo, ha?"

"Opo, papa," wika ko habang sinusuot ang tsinelas.

"Pamuyod mo, nasaan?"

Pinakita ko sa kaniya ang pulsuhan ko. Saglit kaming dalawa natigilan nang maalala ang pamuyod na ibinigay niya. Ito iyon. Color violet na pamuyod at hanggang ngayon ay buhay pa rin.

Dumating si Diego saka ni papa nilagyan ng towel ang likuran ko.

"Kiss na kay papa," sabi niya at iniharap ang pisngi sakin.

Humalik ako roon at saka tumawa.

"Huwag ka sasakay ng bike, ha?" bilin niya sa akin.

Barangay Series #3 : Calius DashkovWhere stories live. Discover now